Prim was the center of my universe now, sana ay lumaki siyang puno ng pagmamahal at may takot sa Diyos - he's my one true love. Wala na akong contact sa Mommy niya, may nakapagsabi lang sa akin na nagtatrabaho na bilang print ad model si Cheska sa New York.
"Bes"
"Oh Esang, ang laki niyang pakwan na nalunok mo ah"
"Oo nga eh, malapit narin tong lumabas"
"Ninong ako niyan, kaya di kita kinuhang Ninang ni Prim para di tayo magsulian ng kandila"
"Of course ikaw pa ba. Maiba ako, naaalala mo yung tanong ko nun sa magazine interview about having one in a million chance to get back in time, kung ngayon mo yan sasagutin, anong isasagot mo?"
"Still the same"
""Ayaw mong bumalik sa time bago nawala si Samuel?"
"No, dahil kung ginawa ko yun walang Prim ngayon. As I told you before, it's hard to meddle with time. What's done is done, it's all about letting go, holding on, acceptance and moving on. Yan ang tunay na life cycle, what's important now is tomorrow."
"May point ka"
"Lagi naman eh. By the way, masarap yung mga naserve na food ah, lalo na yung cake. San mo na-dekwat yung catering services?"
"A yun ba, teka lang papakilala kita sa Chef"
May tinawag naman siyang matangkad na lalake sa di kalayuan.
Sakto namang nakatalikod ako nun at umiinom ng Margarita.
"Cedric this is Chef Kai, Chef Kai this is Doc Cedric" pagharap ko ay bigla akong nasamid.
"Ikaw" sabay naming sigaw.
"What the.." tugon niya.
"Hell" pagtutuloy ko.
"You two knew each other?" tanong ni Esang.
"Not really" sabay naming banggit at nagkatinginan kami ng masama.
"Ano ba talaga?" tanong ulit ni Esang.
"Hindi nga" sabay ulit naming banggit. What a coincidence.
"Wait, hmmmm" at ngumiti ng nakakaloko si Esang. "May nangyari ba sa inyong dalawa kaya kayo nagkakaganyan?" dagdag niya.
"Wala no, over my dead. Ganito kasi yun, siya lang naman yung makulit at mayabang kong pasyente dun sa ospital sa Seoul"
"Jessa, he's not even a Doctor, akalain mong tahiin niya yung sugat ko na wala man lang anaesthesia, how is that"
"Lasing ka po kaya nun kaya di tumatalab ang pampamanhid diyan sa makapal mong balat"
"Ah basta, you're a quack doctor. Kaya ayokong magpagamot sa baguhang Pilipinong doctor eh"
"Excuse me are you insulting me?"
"I'm not insulting you I'm just saying the truth. If you really are a doctor and you knew that I'm drunk you should initiated a higher drug dose"
"It's not for you to decide what should be done, besides your condition may get worse kung ginawa ko yun"
"Ah basta peke ka"
"Look who's talking"
"Hep hep hep, nag-aaway nanaman ba kayo?" tanong ni Esang.
"Hindi!" sabay naming pahayag at nagkatinginan nanaman kami ng masama.
"Aysus, ayssuss, ayieeee ayieee. Tabi nga kayong dalawa, dali dali"
"Why would I do that" pahayag ni Kai.
"Wag kang KJ Chef, pipicturan ko lang kayong dalawa" sumunod nalang kami at eto namang si Kai at inakbayan pa talaga ako. We forced a fake smile para matapos na.
"Oh ayan, diba who knows magkadevelopan kayo. Cedric is single & Chef Kai is single too and ready to mingle" tugon ni Esang.
"Uggggh, in his dreams" pahayag ko.
"I'd rather die" tugon naman ni Kai.
"Ang cute niyo talagang dalawa, bagay na bagay kayo oh"
"Drop the idea Esang"
"Perfect couple oh, relationship goals" nakita ko namang ngumiti si Kai.
"Anong nginingiti mo diyan?"
Di siya sumagot bagkus ay nagnakaw siya ng halik sa noo ko sabay smile at umalis na sa kinatatayuan ko.
"Hoy!"
"Yieeeh, kinikilig siya. Yieeeh, may bago nang Daddy si Prim" pagkakantyaw ni Esang
"Hatiin ko yang pakwan mo sige ka"
"From sundalo to papable kusinero. Kumusta naman?"
"Esang"
Tumawa lang siya ng malakas, tumingin ako sa left at nakita kong nakatitig sa akin si Kai at ngingiti ngiti. Andiyan din yung kikindat ang mokong.
Una ko palang siyang nakita sa ospital nun sa Seoul ay nagkacrush na ako sa kanya. Kamukha niya si Akhiro Sato, matangkad, chinito pero Moreno, may facial hairs at firm jawline. Pantay pantay na mapuputing ngipin, broad shoulders, namumutok na chest at pwet. Parang greek god, mala Adonis kung baga, punit panty dahil sa mala Ian Veneracion niyang charisma. Pero dahil magaspang ang ugali niya nun ay bigla akong na-off sa kanya. Lasing kasi siya noon at nahiwa yung kaliwang palad niya, tinahi ko di ko naman alam na duwag pala siya sa ganun.
Kinagabihan matapos ang party at habang pinapatulog ko si Prim ay biglang may nagtext na unregistered number sa phone ko.
"Hi duckie"
"Who are you?"
"I'm the angel of death, my duckie"
"Go to hell, why duckie I'm so handsome to be called like that"
"Coz you're a quack doctor. Hahahaha" pagkabasa ko nun ay alam ko na kung saan galing yun.
"Mamatay ka na king ina mong kusinero ka. Mamatay ka na Kaiser Richmond Abcede, go to hell" reply ko.
"Burn with me baby duckie"
"Shit mo, utot mo gago"
"Night night baby duckie. Muaah muaah" pangiinis niya. Kaya naman blinock ko yung number niya.
Inis na inis talaga ako kaya naman si Esang ang pinagbuntunan ko ng galit.
"Hoy di ko binigay ng kusa yung number mo, humingi siya ng calling card mo, edi binigay ko. Magkaiba yung ibinigay ko lang basta sa kusang kinuha"
"Basta, bibiyakin ko parin yang pakwan mo king ina mo ka"
Tinawanan niya lang ako.
"Duckie, pffffff, ako mukhang pato? Utot niya, mukha siyang pwet ng pabo" tugon ko sa sarili ko.
Itutuloy....
Follow me: PrinceZaire
BINABASA MO ANG
One in a Million Chances (BoyxBoy)
RomanceIf you've given a one in a million chance to go back in the past, will you grab it? May mga bagay sa mundo na kailangang i let go. May mga bagay rin na kailangan mong kumapit. The cycle of life is waking up, letting go & holding on. Mahirap kalabani...