Dedicated to:wondereyn_22
Hideous Trilogy#2
Maria Eleir Cameno
Sa ilalim ng buwan.
“ELE! come here baby!" naglalaro ako sa labas ng marinig ko ang boses ni Dada, ang daddy kong beki. Wala akong pakialam kung ano siya, siya ang ama ko. Siya ang the best na Dada sa buong mundo.
Pinagpag ko ang aking kamay na puno nang dumi dahil sa paglalaro ko ng lupa. Tumayo ako mula sa pagkakasalampak doon at tumakbo sa loob ng aming bahay at masayang sinalubong si Dada, "Dada!" masiglang tawag ko sa kaniya.
"Let's eat, maaga pa ang pasok mo." masayang sabi niya. Agaran akong umupo sa upuan at tila kumislap ang aking mga mata ng makita ang mga pagkain. Nanunuot ang amoy nito sa aking ilong at hindi ko mapigilan ang aking sarili na ‘di magutom.
Napabuntong hininga ako ng maalala iyon, kung siguro hindi ako kumakain ng sobrang dami ay payat ako ngayon at hindi ako lumba-lumba katulad ng sinasabi nila sa akin.
"Hoy lumba!" napatingin ako sa sumigaw ng aking pangalan.
Si Grei...
Ang notorious bully dito sa GBJ Highschool, dito sa Rizal, grade ten na ako pero hindi ko pa rin ma achieved ang gusto kong katawan. Araw-araw at oras-oras niya akong binubuyo! Nakaka inis siya! Kapag ako ay napuno dadaganan ko ang payat niyang katawan!
Tumingin ako sa kanya at pinanlisikan ng mata. Tila isang kutsilyo ang aking mata na sobrang talim sa pagtitig ko sa kanya ngayon.
Bigla silang tumawa ng mga kabarkada niya habang tinuturo ako. Nananahimik ako dito sa corridor habang nakatanday sa bakal na hawakan tapos mag gagago siya!? Kakainis talaga ang lalaking 'to!
"Ano ba 'yan lumba! mukha kang baboy na manunugod!" buyo ni Grei, mapaglaro ang kanyang mga mata, basang-basa ko doon ang saya. Naiirita ako sa t'wing nakikita ko ang saya doon dahil alam kong nag eenjoy siyang bully-hin ako!
Humigpit ang aking bagang noong nag apir sila nang kanyang mga kabarkada at sinabayan pa nang tawa, tila isa akong katawa-tawang bagay sa paningin nila.
Oo na! Ako nang mataba, ako na ang 'di sexy! Ano naman? Pwes marami akong pagkain!
"Mga bwisit kayo!" inis kong sigaw. Masakit sakin ang mga sinasabi nila pero ayokong ipakita sa kanilang na aapektuhan ako ng mga pangbubully nila. Dahil alam kong mas lalo silang matutuwa at ayon ang ayokong mangyari! Never!
Mas lalo akong nainis ng tumayo si Grei sa upuang inuupuan niya doon sa gilid ng hagdan, hindi na dinadaanan ang hagdan na iyon at tambakan na ng mga sirang silya.
Ang kulay gabi niyang mga mata ay may angas at may nakapaskil na ngisi na naglalaro sa kanyang labi habang papalapit sa gawi ko.
"Ano bang kailangan mo? Pwede ba tigilan n'yo na ko? Akala n'yo naman ang ga-gwapo nyo, mga pangit kayo!" bulyaw ko sa kanya. Nakaka inis na kasi! araw-araw nalang!
"Ele, correction lang. Sila lang ang pangit, hindi ako." mas lalong lumaki ang pagkakangisi niya. Inulanan siya ng mura ng kanyang kabarkada.
BINABASA MO ANG
Under the Moonlight:Hideous Trilogy#2 [ON GOING]
RomanceEleir Cameno is a fat woman, nakipag hiwalay sa kanya ang kanyang kasintahan at ipinag palit siya sa kaibigan niya. Nang dahil doon ay nasabi niya sa kanyang sarili na hindi na siya mag titiwala pa. But Dani Nkivor Salazar came into her life, ginul...