22

59 5 0
                                    

Mapusok na pangyayari.

Nakagat ko ang labi ko habang tinitingnan si Grei ng masama. Pakialamero!

Nag taas lamang siya ng tingin sa akin at bumaling ulit ng tingin sa katabi ko. Sinilip ko ang reaksyon ni Dani noong humigipit ang pagkakahawak niya sa kamay ko.

Bahagyang nakakunot ang kanyang noo ngunit nandoon pa rin ang normal niyang reaksyon. Hindi ko siya mabasa, ano kaya ang nasa isip ng lalaking ito?

Ang lakas ng kabog ng dibdib ko noong nagsimulang humakbang si Grei sa gawi namin. Teka nga Ele! Bakit ka ba kinakabahan? Wala naman kayong relasyon ni Grei!

Noong makalapit si Grei sa'min ay inaabot ni Dani ang kanyang kamay sa lalaki.

"Dani, pare." Natupi ang aking labi dahil sa tono ni Dani, seryoso at hindi ko na nababakasan ng kahit anong emosyon doon.

Tiningnan ni Grei ang kamay ni Dani na nakalahad sa kanya.

May namumuong tensyon sa pagitan nilang dalawa, at paunti unti itong kumakapal. Hindi ko alam at hindi ko sigurado kung alam na ba ni Dani na si Grei ang ex ko, at kinakabahan ako sa magiging reaksyon niya.

Tumango si Grei at inabot ang kamay ni Dani. "Grei," pagpapakilala niya.

Hindi sila bumibitaw sa pag titig sa isa't isa, kinakabahan na ako sa tensyon na nararamdaman ko.

Bago pa kumapal ito ay agad ko na silang pinutol na dalawa. "A-Ah. Ano, Dani gusto mo bang pumasok?" Napapikit ako ng mariin.

Bakit ayon ang sinabi mo Ele?!

Bumitiw sila sa isa't isa at tumingin sa akin si Dani. Marahan siyang ngumiti at umiling. "Hindi na, dito nalang kita hihintayin. Sige na pumasok ka na." Tumingin siya sa kanyang relo. "Baka ma-late ka." Ngumiti ako at pasimpleng tumingin kay Grei na ngayon ay nakatitig na sa aming dalawa.

Pumasok na ako sa loob at mukhang wala si Dada, napabuntong hininga ako. Hindi ko alam kung pabor ba sakin na wala siya o hindi.

Namataan ko si Hera na nakaupo sa sofa habang naglilinis ng kuko sa kanyang kamay.

Tiningnan niya ako at inismiran, ginantihan ko siya ng irap. Hindi ko alam kung nasaan ang mga gamit ko, ayokong mag tanong kay Hera dahil alam kong mauuwi lang kami sa away.

Umakyat ako sa taas at pumunta sa kwarto ni Dada, nadatnan ko doon ang mga gamit kong naka kahon pa.

Hindi ko na ininda ang hapdi na dumaloy sa dibdib ko at nagmadali nang mag ayos ng sarili, hindi ko pwedeng pag intayin ng matagal si Dani.

Nang matapos ay pumunta na ako sa pinto upang lumabas, ngunit pag bukas ko pa lamang nito ay bumungad na sa akin si Grei na seryoso ang mukha.

Nanlaki ang aking mata, napahawak ako sa dibdib ko sa sobrang pagkagulat. "A-Anong kailangan mo?"

Ngumisi siya, nababasa ko ang pait sa ngisi niyang iyon. "Ang bilis mo namang makahanap, Ele." Napakunot ang noo ko dahil sa kanyang sinabi.

Anong ibig niyang sabihin? Bakit ganito ang sinasabi niya sakin?

"Anong ibig mong sabihin?" may halong inis ang aking boses.

Humakbang siya papalapit sa akin, agad akong napaatras dahil sa nararamdamang kaba. "Hindi ko akalaing ang dali sayo. Tangina." malutong ang kanyang pagkakamura.

Tinulak ko siya sa kanyang dibdib ngunit mas lalo niyang inilapit ang sarili sa akin, otomatikong napa atras ako.

"Ano bang problema mo, Grei, ha?!" pinilit kong hindi lumakas ang aking boses.

Tumingin siya sa gilid at kitang kita ko ang kanyang nakadipang panga, kumukuyom ito at tila nag pipigil siya ng galit. "Ang akala ko ay mahihintay mo ko." pahina nang pahina ang kanyang boses.

Mas lalo akong naguluhan dahil sa kanyang sinabi. "Ano bang sinasabi mo dyan, ha? Hindi kita maintindihan!" Huminga ako ng malalim at pinilit ang sariling kumalma.

"Tama na, aalis na ko." anya ko, sinukbit ko ng maayos ang bag ko sa aking balikat.

Tinalikuran kona siya at isang hakbang na lamang ang dapat kong gawin upang makalabas ng tuluyan ngunit bigla niya akong hinigit sa aking braso at naramdaman ko na lamang ang kanyang nanunuyang halik na ibinibigay niya sa akin.

Madiin at tila may hinahangad siya mula sa akin, tila may hinahanap siya. Kumalabog ng matindi ang aking dibdib.

Hindi ko alam kung saan ako nakakuha ng lakas upang itulak siya. Lumipad ang aking palad papunta sa kanyang pisngi.

Pareho kaming nag hahabol ng hininga, kung kanina ay kaya ko pang magpigil ng gamit ngunit ngayon ay parang malabo na ata.

"Ano pa bang habol mo, ah!? Kung gusto mo ulit ng laro, nag kakamali ka! Hinding hindi na ulit ako mahuhulog sa mga patabong mo!" Walang tigil ang pag baba't taas ng aking dibdib, rumaragasa ang galit sa dibdib ko.

Nandidiri kong pinunasan ang aking labi. May pumasadang sakit sa kanyang mga mata noong ginawa ko iyon.

"Hindi ko alam kung anong balak mo, pero binabalaan na kita. Tumigil ka na, dahil sa pagkakataong 'to, hinding hindi mo na ko makukuha." huling mutawi ko bago ko siya tinalikuran.

Ngunit ang pahabol na salita niya ay ang nagpagulo sa akin.

"Akin ka pa rin, Ele. Akin ka."

Wala akong kibo habang nasa daan kami ni Dani kanina, halos hindi ko na nga maintindihan ang mga sinasabi niya sa akin. Kung hindi niya pa tatapikin ang hita ko ay hindi ako mababalik sa aking sarili.

"Tabs, ayos ka lang? Hm? Kanina ka pa tulala.  Mukhang hindi mo nga naintindihan yung mga sinabi ko." At mahina siyang tumawa.

"H-Ha? Ah, ano. Sorry, ano nga ulit yung sinasabi mo?"

Ngumisi siya. "Ganyan pala ang epekto ko sayo, nawawala ka sa sarili mo." mapagbiro ang kanyang tono.

Tiningnan ko siya ng masama. "Ang kapal ng mukha nito."

"Ayos ka na ba? Baka gusto mo pang magpahinga? Hm? Hindi ba..." hindi niya matuloy tuloy ang gusto niyang sabihin.

Nagtaas ako ng kilay sa kanya. "Hindi na ano?"

Kinagat niya ang kanyang pang ibabang labi. "Hindi na ba... masakit?" Halos mabulunan ako sa sarili kong laway dahil sa kanyang tanong.

"Dani!" Pinalo ko siya sa kanyang balikat.

"Bakit? Tinatanong ko lang naman." maang maangan niyang sagot.

Ipinark niya ang sasakyan noong nasa tamang destinasyon na kami, lumapit siya sa akin ang tinanggal ang seatbelt ko, pag katapos niyon ay napatingin siya sa aking labi.

Marahang umawang ang labi niyang mamasa masa. "Ele..."

Agad kong tinakpan ang aking labi. Hindi ko kayang halikan siya, pakiramdam ko ay nagkasala ako sa kanya kahit wala naman akong ginawa.

Hindi ko maatim na hinalikan ako ni Grei. Isa iyong mapusok na pangyayari para sa akin.

Under the Moonlight:Hideous Trilogy#2 [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon