37

45 2 0
                                        

Rebound

Nanginig ang kalamnan ko dahil sa kanyang sinabi, gustong tumulo ng luha ko ngunit pinigilan ko ang sarili.

Higit higit ko ang aking hininga noong tumingin ako sa kanya, ngunit tila nalusaw ang puso ko noong hindi man lang siya tumingin sa akin.

Diretsyo ang tingin niya sa harapan, hapit na hapit ang pagkakahawak niya sa manubela. Kumukuyom ang kanyang bagang.

At ang pinaka kinadurog ng puso ko ay ang makitang sunod sunod na mag sisibagsakan ang luha niya. Hanggang sa marinig ko na lamang ang kanyang mahinang pag hikbi.

"E-Ele. . ." Halos mapaigtad ako noong nilipad niya ang tingin sa 'kin, punong puno na ng luha ang pisngi niya.

Kumawala ang luha sa 'king mga mata noong hinigit niya ako sa isang mahigpit na yakap. Isinubsob niya ang mukha niya sa leeg ko, sabay ng pagkabasa nf leeg ko ay ang pag kahikbi niya.

Gusto ko siyang gantihan ng yakap, gusto kong bawiin ang desisyon ko, gusto kong sabihin na ayos kaming dalawa. Gusto kong pawiin ang sakit na naibigay ko sa kanya.

Pero . . . alam ko, kapag ginawa ko ang gusto ko ay nakataya doon ang pangarap niya.

Pumikit ako ng mariin.

Ele . . . Huwag, huwag . . . P-please.

Ikinuyom ko ang kamay kong nangininig.  Pakiramdam ko ay pinapatay ako ng paulit ulit.

Hindi ko inaasahan na darating ako sa puntong hindi ko na siya pwede pang yakapin.

"E-Ele. . . B-Baby, m-may kasalanan ba 'ko?" Narinig ko ang pag piyok niya.

Pasimple akong tumingala upang pigilan ang luha ko.

Hindi ko kaya ang sakit sa boses niya, pakiramdam ko ay nawawasak ang kabilang bahagi ng pag katao ko.

"Kung m-may hindi ka nagustuhan, aayusin ko, b-babaguhin ko. Please, h-huwag . . . H-Hindi . . . H-hindi tayo mag hihiwalay . . ."

Basag na basag ang boses niya, alam ko sa sarili ko na kapag pinatagal ko pa ito ay baka bumigay ako.

Kaya kahit masakit ay pinilit ko pa ring makawala sa bisig niya, nahirapan pa ako dahil mas lalo niyang hinigpitan iyon. Nang makawala ako ay kitang kita ko ang pag hihinagpis niya.

Inihilamos niya ang kanyang palad sa mukha at nanginginig niyang inabot ang palad ko.

Nang dahil roon ay naramdaman ko ang panlalamig nito.

Umiwas ako ng tingin noong pilit niyang hinuhuli ang paningin ko.

"B-Baby, may nagawa ba 'kong mali? M-May problema ba tayo? B-Bakit nakapag desisyon ka ng g-ganyan?"

Nag likot ang paningin ko, ginagawa ko ang lahat upang umiwas sa mga mata niyang puno ng sakit.

Ngunit ikinulong niya ang mag kabila kong pisngi sa kanyang nanlalamig niyang palad, at pilit na ipinagtatagpo ang paningin namin.

"B-Baby, look at me, please . . ."

Wala akong nagaws kung hindi salubungin ang tingin niya, para akong pinapasok sa mga iyon.

Narinig ko ang malalim niyang pag lunok.

"May . . . problema ba tayo?" nanantiya ang kanyang tinig.

Hinawakan ko ang kanyang kamay at pilit na inalis yon ngunit hindi ako nag tagumpay noong ipinagdikit niya ang aming mga noo.

"D-Dani, bitawan mo 'ko." tila may bumabara sa 'king lalamunan.

Under the Moonlight:Hideous Trilogy#2 [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon