44

57 4 0
                                        

Plain

Muli akong tumikhim dahil parang may bumabara sa lalamunan ko. Nag ipon ako ng hangin sa aking dibdib 'tyaka tumayo.

Tumingin siya sakin, nag tama ang aming paningin.

Bumalik ang malamig niyang tingin, na parang wala siyang ibinunyag kanina.

Naglikot ang mga mata ko noong hindi niya inalis ang tingin sa 'kin. Pakiramdam ko ay hinahalukay nito ang pagkatao ko.

Bakit ba ganyan siya kung makatitig!? Mas lalo tuloy akong naiilang!

"M-Mag huhugas lang ako ng plato," pag sisinungaling ko.

Gusto kong batukan ang sarili ko dahil mautal ako sa harapan niya! Siguradong nahalata niyang naiilang ako sa kanya.

Pumaling ng bahagya ang kanyang ulo at tumingin sa bandang kusina, muli niyang ibinalik ang tingin niya sakin.

Napasadahan pa ng aking paningin ang pagkuyom ng kanyang panga.

"Iniiwasan mo ba 'ko?" sabi niya sa isang tuwid na boses.

Napalunok ako. Bumibilis ang tibok ng aking dibdib.

"H-Hindi naman . . ."

Pinilit kong huwag kitain ang mga tingin niya. Madilim iyon at madiin, hindi ko kayang makipag tagisan ng tingin.

"Hmm?" aniya.

Hindi ko alam kung bakit malambing ang dating noon sa 'kin.

Ano ba Ele! Umayos ka!

Pakiramdam ko ay pulang pula na ang aking buong mukha dahil sa mga pinaparamdam niya sakin.

Nang muli akong sumilip sa kanyang mukha ay nakita ko ang nakapaskil na ngisi sa mapula niyang labi. Tila natutuwa siya sa sitwasyon.

Pinag lalaruan niya ba 'ko?

Tinalikuran ko siya, ayoko na muna siyang makaharap. Gusto ko munang pagaanin ang nararamdaman kong pagkailang.

Nagpunta ako ng kusina at kinwaring may ginagawa roon kahit wala naman talaga.

Ramdam ko ang mga tingin niya sakin, dahil tanaw ang kusina mula sa sala. Pakiramdam ko ay sumisikip ang kusinang ito dahil sa mga titig niya.

Napapikit ako ng mariin.

Pwede ba damuho!? Tigil tigilan mo 'yang mga titig mo!?

Binukol ko ang dila saking pisngi.

Nagbuga ako ng hangin at pinakalma ang sarili.

Naramdaman kong tumayo siya mula sa kanyang kinauupuan, at alam kong dito ang pupuntahan niya.

Bwisit! Lumalayo na nga ako, eh! Tapos lalapit pa siya?

Napagdesisyunan kong umalis doon upang umiwas. Ngunit pagkatalikod ko pa lang sa lababo ay ang malapad na dibdib ni Dani ang bumungad sa 'kin.

Nanlalaki ang aking mga mata, at tila napigilan ko ang hininga ko noong mapagtantong halos mahalikan ko na ang dibdib niya.

Agad akong lumayo sa kanya, at alam kong bilog na bilog ang mga mata ko noong tumingala ako sa mukha niya.

Seryoso ang kan'yang kulay asul na mga mata, nakaawang ng kaunti ang labi niya.

Napalunok ako noong binasa niya iyon gamit ang kanyang dila.

Hindi ko alam kung bakit may nag tutulak sa 'king halikan ang lalaking ito, tila nahihimotismo ako sa taglay niyang kagwapuhan.

Hindi siya nag salita, nanatili siyang nakatitig sakin.

Uminit ang pisngi ko dahil sa mga titig niya.

Malambot pa rin kaya ang labi niya? Masarap pa rin kaya siyang humalik? Ilang babae na kaya ang nahalikan niya simula noong nagkahiwalay kami? Siguro ay marami na, dahil kilala ko si Dani. Masyado siyang mainit lagi.

Kung hindi sila ikinasal ni Nayya, siguradong ilang babae na ang nakatikim ng labi niya.

Kumirot ang dibdib ko dahil sa naisip.

Para akong napaso noong dahan dahan niyang ikinulong ang magkabilang pisngi ko sa kan'yang mainit na palad.

Mas lalo niyang idiniin ang sarili sakin.

"Alam kong nararamdaman mo rin ang nararamdaman ko ngayon, Ele . . ." masuyo niyang saad.

Napalunok ako. Iniwas ko ang paningin sa kanya ngunit pilit niyang hinuhuli iyon.

"Look at me, please,"

"D-Dani . . ." Hinawakan ko ang kamay niyang nakahawak sa mukha ko.

Nagsasalo kami sa mga tinginang ka'y lamlam.

"Tell me, Ele. Tell me . . . may nararamdaman ka pa ba para sa 'kin? K-Kahit kaunti?" nabasag ang boses niya.

Hindi ko siya sinagot. Bagkus ay sinunggaban ko siya ng halik.

Ang pait ng halik na 'yon, Natitikman ko na ang pait ng pagtitiis ko.

Sana sa pamamagitan ng halik na 'to ay masagot ko ang tanong niya.

Sobrang diin ng labanan ng aming mga labi. May namumuong luha sa 'king mata, hindi ko alam kung para saan iyon. Halo halong emosyon na nararamdaman ko. Sakit, pagkasabik, kasiyahan, iyan ang nararamdaman.

Mas lalo niyang pinalalim ang paglalaban ng aming labi. Ikinangla ko ang mga braso sa kanyang leeg noong binuhat niya ako.

Ipinulupot ko ang ng binti ko sa kan'yang buwang. Naramdaman kong naglakad siya papuntang sala, naramdaman ko na lamang ang malambot na sofa sa'king likod.

Bumaba ang maiinit niyang halik sa leeg ko na alam kong mag iiwan ng pulang marka.

Napaungol ako dahil doon.

Sa tagal ng panahon ay muli kong naramdaman ang init ng katawan, halos makalimutan ko na nga kung ano ang pakiramdam no'n dahil sa katagalan.

Umangat ang halik niya sa'king tainga at bahagyang kinagat ang tuktok niyon.

"Can i?" maaligasgas niyang tanong.

Pareho kaming nag hahabol ng hininga.

Mas lalong sumidhi ng nararamdaman ko dahil sa boses niya.  Miss na miss ko na talaga ang lalaking ito.

Taas baba ang dibdib ko, nanginginig pa ang labi ko noong nagsalita ako.

"Yes, please . . . I want you so bad, Dani." hindi ko na makilala ang boses ko.

Natigilan siya ng ilang sigundo, umangat siya para tingnan ang mukha ko. Kitang kita ko sa bughaw niyang mga mata ang apoy na nararamdaman niya para sakin.

Napalunok ako ng malalim. Ramdam ko ang tumutusok saking hita, tila bato iyon sa tigas.

Bahagya siyang tumaas, napapikit ako ng mariin noong dinampian niya ng isang masuyong halik ang noo ko.

Sumasabay ang mga patak ng ulan sa init ng aming katawan, nag hahalo ang init sa lamig.

At katulad ng isang kidlat na tumama sa kalupaan ay tila ganoon ang naramdaman ko noong pag gising ko ng umagang iyon ng wala na siya sa tabi ko, at mumuting sulat na lamang galing sa kanya ang naiwan.

"Forget what happened between us, is just a plain sex. I'm sorry. Mali 'yon, dapat hindi na nangyari ang bagay na 'yon. Umaasa ako na wala lamang sayo yon." — Dani.

Nalukot ang kapirasong papel na yon sa palad ko dahil sa sakit na nararamdaman. Namumuo ang galit sa dibdib ko. Ang sakit ay namumuo sa puso ko.

Umasa ko, umasa ko na pwede pa kaming dalawa.

Umasa ko na sa pamamagitan noon ay magkakabalikan kami. Pero hindi! Plain sex lang para sa kanya yon! All right! Naging parausan niya ako, ganoon ba!?

Tangina niya! Ang gago, gago niya! Wala siyang kwenta!

Under the Moonlight:Hideous Trilogy#2 [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon