29

37 3 0
                                    

Beautiful

Nakakuyom ang aking mga kamao habang ng aabang sa gate, hindi alam ni Dani ang plano kong ito, hindi na talaga kasi ako makapag pigil at kagabi pa ay gusto ko na siyang sugurin. Nanginginig ang kalamnan ko sa galit. Pinigilan na ako ni Dani na huwag munang pumasok ngayon dahil alam niyang ami ang suki ng chismis ngayon. Pero nag matigas pa rin ako, pumasok pa rin ako. Hindi k na kayang pigilan ang galit ko para sa babaeng iyon. Masyado na siyang sumosobra!

Lahat nalang talaga ay sinira niya! Lahat lahat! 

Kahit na masakit sa tainga na pinag uusapan ka ay tiniis ko. Pag pasok ko palang ng room kanina ay rinig na rinig ko na ang mga sinasabi nila sa 'kin. Hindi maiiwasan iyon dahil sikat si Dani sa unibersidad na ito. At sinisisi ko ang sarili ko kung bakit nasira ang reputasyon niya, wala naman siyang kasalanan dito. Biktima lang siya ng demonyong Hera'ng 'yon.

Kahit hindi niya sabihin ay alam kong naapektuhan din siya, kahit ngumingiti siya sa 'kin at sabihing maaayos ang lahat ay alam kng hindi. Kahit buong mag damag niya akong inaalo ay alam kong lutang pa rin siya sa mga nangyari, kagabi pa siya tulala. Tanginang Hera 'yan.

Mas lalong kumuyom ang kamao ko, kaunti nalang ay babaon na ang mga kuko sa 'king palad. Pumikit ako upang pakalmahin ang sarili. Ba 'ka mamaya ay mapatay ko pa ang babaeng iyon sa sobrang galit na nararamdaman ko.

Hindi ako papayag na ganito nalang, hinding hindi ako paayag na mag saya ang babaeng iyon! Pinalampas ko na ang pang aahas niya kay Grei, pati kay Dada ay nag sawalang imik ako dahil ayokong masaktan ang taong nag aruga sa 'kin. Pero nang dahil sa kanya, Nang dahil sa kanya ay nabuwag na ng tuluyan ang pag sasama namin ni Dada. 

Hindi na ako papayag na mag pakumbaba nalang, dahil sa pg kakataong ito ay may ibang taong nadamay! 

Sa di kalayuan ay nakita ko na ang inaabangan ko, malaki ang nakapaskil na ngisi sa kanyang labi habang nag lalakad, naka angkla ang braso niy sa kasama niyang lalaki na itim na itim ang mga mata. 

Kitang kita ko ang saya sa mga mata niya, tila walang kademonyohang ginawa. Gusto kong dukutin ang mga mata niya at ipakain sa kanya ng buo.

Wala namang reaksyon si Grei na nasa kanyang tabi, naka busangot ang lalaki habang si Hera naman ay walang mapag lagyan ng saya sa mukha.

Hindi pa nila ako napapansin, dahil nasa pinakagilid ako ng gate. Kinapa ko ang mga makakapal na singsing saking kaliwang kamay, nakita ko ito kagabi sa condo ni Dani kaya iinuot ko. Para mas lalo niyang madama ang galit ko. Four finger sana ang gusto kong suotin kaya lang ba 'ka hindi ako papasukin gwardiya.

Naninigas ang panga ko. Nag didilim ang paningin ko at alam kong hindi ko na makokontrol pa ang sarili ko dahil sa sobrang galit.

Noong papasok na sila sa gate ay hindi talaga nila ako napansin na nasa kanilang gilid. Noong dalawang hakbang nalang ang layo sa'kin ni Hera ay tinapik ko siya sa balikat ng dalawang beses. Nakangiti ang babae noong lumingon sa 'kin ngunit agad nawala ang ngiti niyang iyon noong dumapo ang kamao ko sa makinis niyang mukha. Nadapa siya dahil sa lakas no'n. Totoo ngang mas lumalakas ang tao kapag galit.

Napasapo siya sa kanyang mukha na ngayon ay dumudugo na, sinigurado kong naramdaman niya ang galit ko. Noong pasadahan ko ng tingin si Grei ay gulat ang bumalatay sa kanyang mata.

Agad niyang dinaluhan si Hera na ngayon ay subsob na sa simento. Marami ng nakatingin na estudyante samin at wala pang guard na lumalapit kahit may komusyon ng nangyayari.

Nang tumingin sa 'kin si Hera ay mas lalo kong napasadahan ng mabuti ang mukha niyang puno ng dugo. Galit na galit ang mukha niya.

Wala akong pakialam!

Under the Moonlight:Hideous Trilogy#2 [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon