36

41 3 0
                                    

Dahilan.

Lumuluha ang mga mata ko habang nakatanaw sa kanya, nakangiti ang kanyang mukha, masigla ang ipinapakita niya sa mga nakakasalamuha niya.

Pero alam kong peke ang lahat ng iyon . . .

Kaninang umaga niya pa 'ko tinatawagan, tinetext, chinachat sa social media. Pero kahit alin man sa mga iyon ay wala akong sinagot.

Tinatanong niya kung bakit daw wala ako sa condo, bakit daw wala ang mga gamit ko doon.

Hanggang sa bumaha na nang bumaha ng mga messages galing sa kanya. Pinigilan ko ang sariling replyan iyon.

Hindi ko alam kung nakatulog ba 'ko kagabi, ni hindi ko nga alam kung paano ako nakapunta sa apartment ni Erich.

Mabuti na lang at hindi siya nag tanong, ni kahit anong salita ay wala siyang sinabi. Niyakap niya lamang ako na parang naiintindihan niya ang nararamdaman ko.

Napangiti ako noong itinaas niya ang diploma niya habang ngiting ngiti siya. Tumawa pa siya noong pinalakpakan siya ng mga kaibigan niya.

Kahit nanlalabo ang paningin ko ay nakikita ko pa rin ang lungkot sa bughaw niyang mga mata kahit nakangiti siya.

Ganoon pala talaga,  'no? Kapag mahal mo ang isang tao ay alam mo kung kailan sila totoong masaya at malungkot. 

Pababa na siya ng stage ng Dumako ang mga mata niya sa 'kin,  agad akong tumalima noong biglang naging mabilis ang pag baba niya. Tumakbo siya papalapit sa 'kin, narinig ko pa ang pangalan ko na tinawag niya.

Pinunasan ko ang mga luha ko at humalo sa kumpulang mga tao upang hindi niya ako makita, noong alam kong hindi niya na ako maaabuta ay dumiretsyo na 'ko papalabas ng campus.

Agad akong pumara ng taxi at sumakay. Agad nang bumuhos ang ma luha ko. Ang sakit, ang sakit sakit lang.

Ngayon, hindi ko maiwasang hindi kwestyonin ang sarili kong desisyon. Tama ba? Tama ba ang ginawa ko?

Siguro pag lipas ng mga taon ay may patutunguhan ding magandang resulta ang desisyon kong ito, kailangan kong tiisin ang sakit para sa kanya.

Hindi ako ng pahatid sa apartment ni Erich,  dumiretsyo ako sa bar, alam kong maaga pa pero gusto kong uminom.

Pag karating ko sa bar ay wala pang masyadong tao, mas maayos sa 'kin ang ganito. Sa ganito ko na lang siguro maise celebrate ang graduation ni Dani.

Pumunta ako sa bartender at umorder ng margarita. Tatlong shot lang naman ang plano ko dahil maaga pa naman pero hindi ko na napansing nakakarami na pala ako.

Pagabi na at unti unti na ring dumarami ang tao. Nakakamangha lang na lumakas ata akong uminom ngayon. Mas mabuti.

Hindi ko na alam ang ginagawa ko, tuluyan ng nalamon ng alak ang sistema ko. Nakita ko na lamang ang sarili ko sa dagat ng mga tao habang sumasayaw.

Wala na 'ko sa 'king sarili. Basta ang alam ko ngayon ay mag sasaya ko. Mag sasaya ako kahit na sobrang sakit palang mag palaya ng isang taong mahalaga sayo.

Dapat lang na masaya ako dahil baka sa desisyon kong ito ay makamit niya ang matagal niya ng pangarap.

Marahan akong napadilat nang may maramdaman kong may humawak sa 'king baywang. Kahit umiikot ang aking paningin ay naaaninag ko pa rin ang pigyura ng isang lalaki.

Umungot ako at bahagya siyang itinulak, pero kumulang ang lakas ko dahil sa 'king kalasingan.

Mas lalo niya akong hinapit papalapit kaya napasandal ako sa dibdib ng lalaking nasa aking harapan.

Under the Moonlight:Hideous Trilogy#2 [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon