21

61 5 0
                                    

Rated SPG : please read at your own risk.

Pagsuko

Napakapit ako sa kanyang leeg dahil sa sobrang lalim nito, sa sobrang lalim ay hindi ko alam kung nakakahinga pa ba ako. Hindi ko naiwasang hindi kagatin ang pang ibabang labi niya, dahilan upang umangil siya.

Lumayo ako at hinawakan ang kanyang labi. "I-Im sorry. Nasaktan ata kita." Hindi ko alam kung bakit hindi ko na makilala ang sarili kong boses, hindi ko alam kung bakit nagustuhan ko ang paghalik niya sa akin.

Nanindig ang aking mga balahibo noong hinawakan niya ang kamay kong nasa labi niya at hinalikan ito, nagtaas siya ng tingin sa akin habang ginagawa iyon. Mainit ang tinging pinupukol niya.

Napalunok ako noong marahang umakyat ang kanyang halik papaakyat sa aking braso. Padampi dampi ang kanyang labi at halos makuryente ako sa ginagawa niyang iyon.

Noong nakarating ang labi niya sa braso ko ay pakiramdam ko ay malalagutan na ako ng hininga. Hindi pa rin nag babago ang kanyang ritmo, padampi dampi pa rin ito.

Anong ginagawa mo sa'kin Dani . . .

Biglaan akong napakagat sa aking labi noong lumipat ang kanyang labi sa aking leeg at lumakas ang kabog ng dibdib ko noong nagpakawala siya ng mainit na hininga doon. Halos manginig ang buong kalamnan ko sa ginawa niya.

Hindi ko mapigilang hindi magpakawala ng maliliit na halinghing noong bahagya niyang kinagat ang balat ko roon.

Napakapit ako sa braso niya. "Dani. . ."

Ang kalabog ng dibdib ko ay mas lumakas, mas humigpit ang pagkakahawak sa kanyang braso noong bahagya niyang kinagat ang tainga ko. "Hmm?" Bahagya siyang lumayo sa akin,  nagtama ang aming mga mata.

Parehong namumungay ang aming mata. Hinawakan niya ang pisngi ko at ipinagdikikit ang aming noo. "I want you,   Ele. . . And i know, you want me too."

Napahawak ako sa kamay niyang nakahawak sa pisngi ko. "Dani . . ." Gusto ko man pigilan ang pagsuko ko sa kanya, ngunit sa puntong ito ay mukhang talo ako.

"Say it. Tell me, love. You want me too." Dinampian niya ng kanyang hinlalaki ang pang ibabang labi ko. "I am right?"

Napapikit ako sa sensasyong lumukod sa akin, naramdaman kong hinimas niya ng kanyang hinlalaki ang labi ko. Nang dahil doon ay mas sumuko ako sa kanya.

Marahan akong dumilat at bumungad sa akin ang kanyang mga matang madilim na nakatingin sa aking labi habang pinaglalaruan ng kanyang hinlalaki ang labi ko.

Biglaan akong napalunok noong nag taas siya ng tingin sa aking mga mata. Inilapit niya ang kanyang labi sa tainga ko. "Please, say it. . . Dahil ba'ka sa mga susunod na minuto, hindi ko na mapigilan ang sarili ko." Naghahabol siya ng hininga, tumatama ito sa aking balat.

Hinarap ko ang mukha ko sa kanya at hinawakan ang magkabila niyang labi, tinabingi ko ang aking ulo upang mahalikan siya. Ang mababaw kong halik ay pinalalim niya.

Ngunit mukhang hindi niya ata nagustuhan ang paghalik kong iyon noong inilayo niya ang labi niya sa akin. Kinawit ko ang dalawang braso ko sa kan'yang leeg upang hindi siya makalayo sa akin.

"Dani. . ." Lumong-lumo ang aking boses.

Matigas siyang umiling. "Sabihin mo munang gusto mo 'to . . ."

Bahagya akong nainis dahil masyado niya akong pinapasabik. Nagtaas ako ng kilay sa kanya. "Hahalikan ba kita kung hindi ko 'to gusto?"

Marahang tumaas ang sulok ng labi niya. Mahina siyang tumawa. "My tabs is pissed." At muli niya akong hinalikan.

Under the Moonlight:Hideous Trilogy#2 [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon