Years.
Mabigat ang mga bawat hakbang ko, hapdi at gulat ang nararamdaman ko sa mga oras na ito.
Hindi ko alam kung paano ko haharapin si Dani at saan siya hahanapin, alam kong wala na akong mukhang maihaharap pa sa kanya.
Pagkatapos malaman iyon ay agad akong dinala ng mga paa ko sa restroom upang mag pakalma ng sarili.
Mag hilamos ako at itinukod ko ang aking mga palad sa lababo. Taas baba ang aking balikat.
Bakit? Bakit niya ginawa iyon? Bakit niya binayaran!? Gusto niya ba akong konsensyahin!?
Pumikit ako ng hangin at suminghap ng hangin.
Alam kong hiwalay na kami noong binayaran niya ang tuition fee ko. Ano bang gusto niyang ipamukha sa 'kin!?
Mag iinit ang mag kabilang parte ng aking mata hanggang sa dumaloy na ito pababa sa 'king pisngi.
B-Bakit, Dani? Bakit mo ginawa iyon?
A-Ang sabi mo ay aarte kang hindi ako kilala, pero bakit . . .
Sunod sunod nang tumulo ang aking mga luha at hindi ko na napigilan pa ang aking emosyon. Tuluyan na akong nilamon.
Hindi ko alam ang nararamdaman ko, basta't ang alam ko lamang ay nangingibabaw ang sakit sa puso ko.
Gusto ko siyang tanungin pero hindi ko alam kung paano siya haharapin. Gusto ko siyang murahin dahil ang tanga tanga niya!
Nakakainis siya dahil alam kong para sa ikabubuti ko ang ginawa niyang iyon.
Alam niyang wala akong aasahan, alam niyang wala na akong masasandalan, wala na akong magulang, wala akong kaibigang mapag kakatiwalaan . . .
Lahat nawala sa 'kin.
B-Bakit sa kabila ng sakit na naibigay ko sa kan'ya ay tinutulungan niya pa rin ako?
Nang sumapit ang gabi ay napagtanto kong tama ang hinala ko, dahil sa narinig received kong text messaged sa kan'ya.
From Damuho: I know by this time you already know that your tuition fee is fully paid. Don't ask me why I did that, just think that I don't want you to neglect your studies even if we are separated.
May pait na dumaan sa 'king panlasa. May bumabara sa aking lalamunan at alam ko sa anumang oras na ito ay lalamunin na naman ako ng kalugmukan.
Nang gabing iyon ay nakatulog ba naman ako dahil sa pag iyak. Sobrang bigat ng dibdib ko na hindi ko na alam kung paano pa nga ba ako nakakahinga ng maayos. Pakiramdam ko ay nawawala ang kabilang bahagi ng pagkatao ko.
Sa tuwing gigising ako ay pakiramdam ko ay parang may kulang, na may puwang, na may nawawala sa 'kin.
Wala na akong balita sa kanya pagkatapos ng text niyang iyon, ni isang balita ay wala akong narinig.
Ilang linggo na ang nag daan at tila tahimik ang mga tao patungkol sa banda nila, hindi ko alam kung makakabuti ba iyon sa sitwasyon ko o mas makakasama.
Kahit itanggi ko sa sarili ko ay alam kong gusto kong makakalap ng kahit kaunting balita patungkol sa kanya.
Kahit kaunti lang . . .
At tila isang piping hiling iyon, dahil nang isang buwan na ang nakakalipas simula noong nag text siya sa 'kin ay muling uminit ang kanyang pangalan sa campus.
Base sa mga naririnig ko ay umuwi na ito sa spain para doon mag sanay sa kumpanya ng mga mahulang niya.
Napatawa ako ng payak. Nag iinit ang aking magkabilang gilid ng mata. Timigil ako sa isang gilid at itinukod ang palad ko sa pader.
BINABASA MO ANG
Under the Moonlight:Hideous Trilogy#2 [ON GOING]
रोमांसEleir Cameno is a fat woman, nakipag hiwalay sa kanya ang kanyang kasintahan at ipinag palit siya sa kaibigan niya. Nang dahil doon ay nasabi niya sa kanyang sarili na hindi na siya mag titiwala pa. But Dani Nkivor Salazar came into her life, ginul...
![Under the Moonlight:Hideous Trilogy#2 [ON GOING]](https://img.wattpad.com/cover/279215706-64-k432282.jpg)