32

31 2 0
                                    

Fiancee

Napangiwi ako noong maamoy ko ang niluluto kong ulam para sa pananghalian naming dalawa, agad akong pumunta sa kusina upang tingnan ito. Mas lalong lumaki ang ngiwi ko sa labi noong nasunog ang manok na piniprito ko, wala talaga akong talento sa pag luluto. 

Agad kong inalis ang kawali sa apoy, mag sasalang san ako ng bagong kawali noong biglang may nag door bell. Sumilip ako sa pinto at inalis ang gloves sa 'king kamay. Inayos ko ang nakaipit kong buhok. Alam kong gulong-gulo ito dahil kanina pa ako nag lilinis ng condo. 

Hindi ko na tiningnan kung sino ang nag door bellat agad ko na lamang binuksan iyon. Bumungad sa 'kin ang isang sopistikdang babae, humagod ang tingin niya sa kabuuan ko bago siya napangiwi ngunit agad niyang itinago iyon sa kanyang magagandang ngiti. 

Sumama ang mukha ko. Sino ba ang babaeng ito? Hindi ko siya kilala at ngayon ko lamng siya nakita. Mukha siyang may lahi base na rin sa hubog ng katawan at mukha niya. 

Nagulat ako noong dumiretsyo siya ng pasok sa condo at hindi man lang nag paalam sa 'kin. Agad nang nag salungat ang mga kilay ko. Anong karapatan ng babaeng ito? Baka mali siya ng condo na pinapasok? Bakit ganito siya makaasta? Kung tumingin siya sa paligid ay para siyang may hinahanap. 

''Miss,'' tawag pansin ko sa kanya. Ngunit mukhang wala siyang narini dahil patuloy pa ring umiikot ang mga mata niya sa paligid. ''Miss mali ka ata ng---'' natigil siya sa pag sasalita noong nag salita siya.

''Where is he?'' kaswal na tanong niya.

He?

Mas lalong nag buhol ang kilay ko. ''Sino?'' hindi ko maitago ang pagkainis sa boses ko, mabigat ang loob ko sa babaeng ito. Hindi ko gusto ang hilatsya ng mukha niya. 

Pinag taasan niya ako ng plakado niyang kilay at sumagot, ''My fiancée.''
Fiancee? Mukhang nag kamali talaga siya ng pinasok na condo. Hindi ko mapigilang hindi matawa. ''Miss, sino bang tinutukoy mo? Wala kang fiancee dito. Nag kamali ka ata ng pinasok.'' naging salat sa emosyon ang tinig ko.

Bumilog ang kanyang mga mata. Aba't! Inirapan pa ako.

Siguradong nag kakamali lang talaga siya ng pinasok na condo, tapos siya pa ang may ganang mag taray ngayon?

''Ikaw ba ang maid niya, i am right?'' Bumagsak ang panga ko. Ang kapal! Mukha ba akong maid!?

Tuluyan na akong nainis, hindi ko na nagugustuhan ang tabas ng dila ng isang ito. Hindi ko na napigilan ang emosyon kong hindi ipakita sa kanya. ''Miss, hindi niya ako maid. At isa pa, mukhang nag kamali ka ng condo na pinasok at hindi ko alam kung sinong ponchopilatong fiancee ang tinutukoy mo.'' Nag ngingitngit ang ngipin ko. 

Sarkastiko siyang tumawa, ''Talaga? Hindi ka niya maid? Oh, i'm sorry. My bad.'' Pumalantik pa ang kanyang daliri sa ere.

Napakuyom ang kamao ko at ayoko ng nararamdaman kong kutob, hindi ko alam ang mararamdaman ko kung siya ang tinutukoy ng babaeng ito. Hindi ko ata makakya iyon, nanalangin na lamang ako na sana ay nag kakamali lang ang isang ito. 

Ngunit iba ang sinasabi ng kabog ng dibdib ko sa 'kin, masakit ang kabog nito at tila kinakapos ako ng hininga kahit pa hindi ko pa alam ang tamang sagot sa aking tanong. Napupuno naagad ng mga tanong ang utak ko. Paano kung si Dani ang tinutukoy niya? 

''Lintek,'' mariing bulong ko. ''Sino bag fiancee ang tinutukoy mo?'' Malakas ang kalabog ng dibdib ko at rinig na rinig ko ang pag tibok nitong mabilis, kahit wala pa ay para ng hinihiwa ang dibdib ko sa sobrang kaba.

''Si Da--- Oh! He's here na pala.'' Tumunog ang pinto ng condo at kahit nkatalikod ako sa pinto ay alam na alam ko kung sino ang dumating. Nanigas ang aking kabuuan at kuyom na kuyom ang aking palad. Ramdam ko ang mainit na lumulukob sa dibdib ko na may halong kirot. 

Agad sinalubong ng babae si Dani, hindi ko alam kung anong reaksyon niya ng makita niya ang fiancee niya. Masaya ba siya na sa wakas ay nandito na 'yang babaeng iyan?

Ramdam ko ang pag landas ng luha sa aking mga pisngi, hindi ko alam kung saan pa ako kumuha ng lakas upang punasan iyon.

''Nayya . . .'' natitigilan ang boses ni Dani.

Sa simula't sapul pa lang pala ay hidi na ako . . . 

Ginawa niya akong kabit . . .

Kahit na para akong nabibingi ay narinig ko pa rin ang pag hagikgik ng babae, ''Miss me, babe?'' malambing nitong ani.

Pumikit ako ng mariin, ito na lang ang nakikita kong paraan upang patigilin ang aking mga luha, ramdam ko ang pag kabasag  ko ng paunti-unti. Ayon ang masakit, eh. Yung unti-unti kang nababasag at bawat pag bitak nito ay ramdam na ramdam mo. 

Pinilit kong tuyuin ang mga mata ko at mabigat ang aking ulo noong lumingon sa lalaking minahal ko ng lubos. Mas naramdaman ko ang pagkabas ko noong nag sanga ang aming paningin. Sobra-sobrang takot ang nakikita ko sa kulay bughaw niyang mga mata.

Sa 'kin lamang nakapako ang kanyang mga mata kahit na nakapulupot ang mga braso ng babae sa kanyang leeg. ''Hmm? Babe? Miss me?'' pukaw sa kanya ng babae ngunit mukhang wala siyang naririnig. Mukha siyang hindi makagalaw dahil sa pagkabigla.

Kumuyom ang bagang ko at bumitaw ako sa mga tingin niya, hindi ko siya kayang tingnan ng matagal dahil mas nanunuot ang sakit. Ito 'yung sakit na sisira sa pagkatao mo ng buong-buo.

Tumalikod ako sa kanilang dalawa upang pumunta ng kwarto, gusto ko munang makapag isip-isip dahil nabibigla ako sa mga nangyayari. Hindi ko inaasahan na isang araw ay maisasampal sa pag mumukha ko na isa lamang akong kabit ng taong pinakamamahal ko at inalayan ko ng lahat-lahat.

Nakakagago.

Ilang hakbang pa lang ang nagagawa ko ay may humigit naagad sa kaliwag pulso ko, ayokong tumingin sa kanya, ayoko, ayoko dahil baka mas lalong madurog ang sarili ko.

Garalgal ang kanyang boses noong nag salita, ''P-Please . . . M-Mag-usap t-tayo, please. M-Magpapaliwanag ako.'' rinig na rinig ko ang kaba at takot ssa kanyang boses. Tila may sariling buhay ang ulo ko at tumango ito ng dahan-dahan, siguro mas maayos na rin na mag usap kami dahil ayokong mabaliw sa kakaisip kung bakit, kung paano niya nagawa sa 'kin iyon, bakit niya ako niloko. Baka sa pag uusap na ito ay makakuha ako ng sagot sa kanya.

Hinila niya ako papaabas ng condo at narinig ko pang umapila ang babae niya ngunit agad siyang pinagbawalaan ni Dani. Mali . . . ako pala ang babae niya sa 'ming dalawa.

Napupuyos sa sakit at galit ang puso ko, parang sasabog n rin sa mga tanong ang utak ko. Lahat nalang ay tinatalikuran ako, p-pati ba naman ang lalaking mahal ko?

Tumigil siyang maglakad sa fire exit at ng pag harap niya sa 'kin ay ang palad ko ang sumalubong sa kanya. Puos na puyos ng galit ang dibdib ko at kailanan kong ilabas iyon. Sarili ko na lamang ang natitira sa 'kin.

Natigilan siya sa ginawa ko at noong mag angat siya ng paningin sa 'kin ay namumla na ito at ano mang oras ay babagsak na ang kanyang mga luha. ''Ele . . .'' tila nang hihinang tawag niya.

Nang pag kasabi niya ng aking pangalan ay sunod-sunod ng pumatak ang mga masasagana kong luha. ''B-Bakit?'' unang salitang lumabas sa aking bibig, halos hindi na marinig iyon dahil sa sobrang hina. Hinihingal na rin ako dahil sa bigat ng aking dibdib. Mahapdi ito at tila sinusunog dahil sa sobrang init.

Nanginig ang kanyang labi at sunod-sunod na umiling, ''H-Hindi . . . Hindi, hindi. Mali ka ng iniisipm please. P-Please . . .'' pati ang boses niya ay tila sumusuko na.

Nag sasalo sa sakit ang aming mga paningin. ''Dani, sagutin mo 'ko kung bakit!'' Doon na ako napahagulgol, hindi ko kaya, hinding hindi ko makakaya. Siya na lang ang taong natira sa 'kin. Siya na lang.

''Hindi ko rin alam!'' Napasabunot siya ng kanyang buhok. Suminghapsiya sa hangin na tila ayon na lamang ang magpapakalma sa kanya. Muli siyang tumingin sa 'kin. Sunod-sunod na lumandas ang mga luha niya.

''Ele, h-hindi ko alam. Hindi ko talaga alam! Hindi ko alam na matutuloy ang engagement na 'yan!'' 

Umiling ako at pagak na tumawa, ''Talaga? Hindi mo alam? So, hindi mo alam na simula't sapul pa lang ay ginawa mo na akong kabit?''

Umawang ang kanyang labi dahil sa sinabi ko, bigla niya akong kinulong sa kanyang bisig at sumubsob ang kanyang mukha sa aking leeg. ''Hindi, hindi gano'n 'yon, h-hindi. Hindi kita kabit, Ele. Kahit kailan ay hindi ka naging kabit. Please, m-maniwala ka sa 'kin.'' 

Napuno ng hikbi niya ang fire exit, unang pag kakataon ko siyang nakita na ganito umiyak at mag makaawa. Ngunit mas nanindig ang galit ko. Paano pa ako maniniwala sa kanya ngayon kung unti unti nang nawawasak ang tiwala kong binuo para sa kanya?

Nag pumilit akong kumawala sa mga bisig niya at buong lakas siyang itinulak, nanghihina naman siyang napalayo sa 'kin. ''Hindi gano'n?! Paanong hindi gano'n!? Tangina, Dani! Hindi ko maintindihan! Bata ang naiintindihan ko lang ay ginawa mo akong isang kabit!'' Nanginginig ang aking kamay noong dinuro ko ang kanyang dibdib ng paulit-ulit. 

Noong napagod ang aking katawan ay napasubsob na lamang ako sa kanyang dibdib, naiinis ako, naiinis ako sa sarili ko dahil kahit sa mga oras na ito ay sa kanya pa rin ako kumukuha ng akas. At ayoko nito. Ayoko.

Humikbi ako nang humikbi sa kanyang dibdib, doon ko inilabas ang sakit, mahina talaga ako pag dating sa kanya . . . 

Niyakp niya ako ng mahigpit habang yumuyugyog ang aking balikat sa pag iyak.

Hinalikan niyaang tuktok ng buhok ko. ''I'm sorry . . . i'm sorry, i hurt you. Punish me if you want, but please . . . i-i begging you, d-dont fucking l-leave me . . .''

''Kahit kailan ay ikaw lang, ikaw lang . . . wala ng iba pa.''

    
____

Please, comment, vote and share. Thankyou so much! ^^

Hala, may nangangamoy heartache. 

Under the Moonlight:Hideous Trilogy#2 [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon