Stare
Marami ng nagbago sa 'kin, pero hindi pa rin siya umaalpas sa isip at puso ko. Sa mga naka lipas na mga taon ay siya ang ginawa kong inspirasyon.
Minsan, dumadaan sa isip ko kung kumusta na kaya siya? Siguro ay may anak na siya.
Sa mga nakalipas na taon ay sumikat nang sumikat ang bandang kinabibilangan niya. I'm so proud of him, alam kong matagal niya na 'tong pangarap, at ngayon ay natupad niya.
Natupad namin ang pangarap ng bawat isa ng hiwalay na kami, ganoon kasaklap ang tadhana para sa 'ming dalawa. Sabay kaming bumuo ng pangarap pero hindi namin 'to sabay na tinupad.
Ngunit kahit gano''n ay nag papasalamat pa rin ako sa kan'ya, dahil kung hindi ko siguro siya nakilala ay wala ako ngayon sa ganitong estado.
Matamis akong napangiti noong nakita ko ng papalabas si Ramiel sa airlines. Ang medyo kulot niyang buhok ay magulo, dahil isinasama ng hangin ito. Halata ang pagka maskulado sa kan'yang katawan dahil hapit i sa kan'ya ang unipormeng suot. Katamtaman ang kulay ng kan'yang balat na bumagay sa kan'yang mukha.
Nag lapat ang labi ko noong nag angat siya ng tingin sa akin, nakapamulsa siya sa suot niyang slacks habang may hila-hila siyang luggage.
Seryoso ang kan'yang ekspresyon ngunit noong makita niya ako ay may pumaskil na mapag larong ngiti sa kan'yang labi.
Nang makalapit siya sa 'kin ay agad niya akong inakbayan. Madali para sa kan'ya 'yon dahil hanggang balikat niya lamang ako.
"Gutom na 'ko. Tara kain muna tayo," haya niya.
Inalog ko ang balikat ko upang maalis ang kan'yang pagkaka-akbay ngunit agad niya akong hinapit upang hindi matuloy ang plano ko.
Narinig ko ang mahina niyang pagtawa. Pinilit ko pa ring makawala sa pagka-akbay niya nang may marinig kaming nag sisigawan na kababaihan.
Nakuha nito ang atensyon naming dalawa ni Ramiel, may mga hawak na banner ang mga babae, kumpol-kumpol sila.
May humintong van sa harapan at agad nilang pinuntahan iyon, mag kakagulo na sila, may tumitili pa ngang masakit sa tainga.
"May artista siguro," wala sa sariling bulong ko habang nakikiusyoso.
Naramdaman kong nag kibit balikat si Ramiel, naka akbay pa rin siya sa 'kin.
"Ba'ka," tanging sagot niya.
Hindi nag tagal ay bukas na ang pinto ng van, naging hudyat iyon para mas lalong magwala ang kababaihan. Pasimple akong napairap, sino na naman ba ang artistang ito? Bakit ganyan sila kung maka hiyaw.
Unang lumabas ang mga bodyguard.
Ngunit isang miyembro pa lamang ang lumalabas mula sa van at kumalabog na nang husto ang dibdib ko.
Sigurado ako na nandyan siya at sa anumang segundo ay lalabas na rin siya.
Kaya bago pa mangyari iyon ay hinila ko na si Ramiel paalis. Ngunit ang mga paa ko na mismo ang tumigil noong isinagaw na ng mga kababaihan ang pangalan niya.
"Nkivor! Nkivor! Nkivor!"
Tila nanigas ang binti ko at natulos ako sa kinatatayuan ko.
"Are you okay?"
Bumalik ako sa 'king sarili noong marinig ko ang boses ni Ramiel, malikot ang mga mata ko noong tumingin ako sa kan'ya.
Hindi ko alam kung guni-guni ko lamang ito o hindi, dahil ramdam kong may nakatingin sa akin. Isang tinging nanunusok. Kaya hindi ko napigilan ang sarili kong hindi lumingon kung saan nang gagaling ang tingin na iyon, at halos tumalon na ang puso ko noong magkatagpo ang aming paningin.
BINABASA MO ANG
Under the Moonlight:Hideous Trilogy#2 [ON GOING]
RomantiekEleir Cameno is a fat woman, nakipag hiwalay sa kanya ang kanyang kasintahan at ipinag palit siya sa kaibigan niya. Nang dahil doon ay nasabi niya sa kanyang sarili na hindi na siya mag titiwala pa. But Dani Nkivor Salazar came into her life, ginul...
![Under the Moonlight:Hideous Trilogy#2 [ON GOING]](https://img.wattpad.com/cover/279215706-64-k432282.jpg)