Video
Tigagal ako sa nalaman. Hindi ko alam kung gumagalaw pa ba ako. Pigil pigil ko ang aking hininga, hindi ko alam kung may kinalman ba siya dito. At hindi ko alam ang mararamdaman ko kung ganoon nga.
Dinuro ako ni Dada sa aking sintido, marahil hindi na niya alam ang ginagawa niya dahil sa sobrang gait. ''Kailan ka pa naging pakarat, Ele?!'' ang dahil sa sinabi niya ay sunod-sunod ng lumabas ang malalakas na hikbi sa 'king labi.
''D-Da . . . hindi ko po alam!'' nginig na nginig an boses ko habang nag sasalita.
Lumki ang butas ng kanyang iloong at dinuro ako sa 'king noo. ''Nangangatwiran ka pa, Ele!? Ha?! Ayan ba ang natutunan mo dito sa Maynila, ha?!'' Noong tiningala ko ang kanyang mukha ay pulang-pula na, umaagos na rin ang kanyang luha sa kanyang pisngi.
''Da . . .'' Hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin dahil nabibigla pa rin ako sa mga nangyayari, hindi pa rin maproseso ng utak ko ang mga nalaman ngayon. Pakiramdam ko ay hinahati ako sa dalawa sa sobrang hapdi ng aking dibdib habang nakatingin sa kanyang mga mata na puno ng galit at pagkadismaya.
''Huwag mo 'kong tatawaging ganyan! Hindi kita anak!'' punong pighati ang kanyang boses, tila sinusuka ako.
Gusto kong takpan ang mga tenga ko, ang salitang iyon ay parang lason na unti-unting pumapatay sa 'kin. Hindi ko inaasahan na lalabas sa labi niya ang mga katagang iyon. Sa taong minahal ko ng lubos. Mas masakit pa ata ito kaysa sa sinabihan niya ako ng pakarat.
Nanginginig ang kalamnan ko, pakiramdam ko ay may nakadagan sa dibdib ko upang hindi ako makahinga ng maayos. ''D-Da . . . ?'' Kahit nanginginig na ako ay sinubukan ko pa rin siyang hawakan ngunit nabigo ako noong lumagapakang aking pisngidahil sa kanyang sampal, napabaling sa kaliwang bahagi ang mukha ko dahil sa sobrang lakas niyon.
''Huwag mo 'kong hahawakang---'' Hindi niya natuloy ang dapat niyang sasabihin noong may tumawag sa pangalan ko sa di kalayuan.
''Ele---'' Sabay kaming napalingon ni Dada sa bandang pinto at namataan ko si Dani humuhungas habang nakatingin sa akin na may nag aalalang mga mata. Agad siyang tumakbo papunta sa akin at hinigid ako ng yakap. ''God, a-anong nangyari sayo, ah?'' punong-puno ng pag aalala ang kanyang mukha. Ibinion niya ang mukha ko sa kanyang dibdib at rinig na rinig ko ang bilis ng pintig ng puso niya.
''Siya ba 'yon, Ele, huh?'' may pag uuyam ang boses ni Dada.
Kumawala si Dani sa yakap at hinarap niya ang tatay kong nanggagalaiti. ''Ako na lang 'ho ang saktan ninyo. Ako nalang . . .'' matatag na sabi ni Dani. Napatingala ako sa kanya. Halo-halo ang nararamdaman ko ngayon.
Sinalubong niya ang isang malakas na suntok ni Dada, napatakip ako sa aking bibig noong may pumapatak na dugo sa sahig. Nakabaling ang kanyang mukha sa kanan dahil sa lakas ng impak ng suntok ni Dada.
Muling umayos ng tayo si Dani. Puno ng determinasyon ang nababasa ko sa kanyang mga mata. Pinunasan niya ang dugo sa kanyang labi at nag salita, ''Ako. Ako po ang saktan niyo, hiwag lang siya . . . huwag lang s-siya.'' gumaralgal ang kanyang boses ngunit hindi hindi lumuluha ang mga mata niya. Hindi sya natitinag sa mga masasamang tingin na ibinibigay sa kanya ni Dada. Kumakalabog sa kaba ang dibdib ko, hindi ko alam ang mangyayari.
''Gano'n?'' At muling sinapak ni Dada si Dani ngunit hindi pa rin natiinag ang lalaki.
''Dani . . .''mahinang tawag ko sa kanyang pangalan.
Lumingon siya sa 'kin at marahan akong ningitian. Na parang sinasabi ng kanyang malalamyos na mga mata ay magiging maaayos ang lahat.
Noong muli niyang ibinalik ang tingin kay Dada ay nawala ang lahat ng emosyon nang kanyang mga mata. ''Pero, pag katapos nito. Sa 'kin na uuwi si Ele, papanindigan ko siya sa ayawat sa gusto niyo. Kahit kasuklaman niyo pa ko, wala akong pakialam.'' Pag katapos ng katagang iyon ay hinigit niya ako sa aking kamay at hinila ako palabas ng pinto kung saan namataan namin si Grei na may nag aalalang mga mata at si Hera habang nakasandal sa pader habang nakahalukipkip, may nakakainis na ngising nakapaskil sa labi niya.
Base sa ngisi sa kanyang mga labi ay alam kong may kinalaman siya dito, alam ko ang ugali ni Hera, tumitira siya patalikod. Ginawa na niya sa 'kin ito noon kaya alam kong kayang-kaya niya muling gawin ngayon.
Nag ngitngit ang dibdib ko sa galit, nag lalagablab ang galit sa dibdib ko. Nandidilim ang paningin ko at nangangati ang palad ko upang saktan ang babaeng ito.
Akma ko siyang susugurin ng agad akong pigilan ni Dani sa aking braso. Nakapako ang matalim kong tingin kay Hera. Punong puno ng hinanakit ang nararamdaman ko para sa babaeng ito.
''Stop, please.'' pakiusap sakin ni Dani. Muli niya akong hinawakan sa kamay at tumingin siya ng diretsyo sa babae. ''Huwag kang mag alala, Ele. Sisiguraduhin kong manangot ang may kagagawan nito. Nag kamali siya ng kinalaban.'' puno ng kaseryosohan habang naka tingin sa babae.
''Ele, saan ka pupunta?'' tanong ni Grei. Tiningnan ko siya ng masama.
''Let's go.'' Muli akong hinigit ni Dani. Mabibigat ang mga hakbang niya habang papalabas kami ng gate.
Noong makarating kami sa kotse niya ay maingat niya akong pinaupo sa passeger seat. Hindi niya isinara ang pinto at umupo siya upaang mag kapantay ang aming paningin. ''Hindi ka na nila masasaktan, Ele.'' Hinawakan niya ang gilid ng aking labi kung saan may bahid ng dugo na ngayon ko lamang napansin.
''I'm so sorry . . . you don't deserve this. You deserve to be loved . . .'' Malamlam ang mga mata niya habang nakatingin sa akin. Tila hinehele ako.
''Pananagutin ko ang may gawa nito, huh? Please huwag ka nang umiyak, nasasaktan ako, eh.'' Pinunasan niya ang mga luhang pumapatak sa 'king pisngi na ngayon ko lamang napansin.
Kinulong niya ang mag kabilang pisngi ko sa kanyang mainit na palad at ipinadikit ang aming noo. ''I love you, te amo mi luna . . .'' Pinatakan niya ang noo ko ng halik at siyaka siya umayos ng tayo. Isinara niya ang pinto at umikot sa kabilang bahagi. Pumasok siya sa kotse at inistart iyon.
Ngunit bago siya umandar ay inabot niya muna ang ulo ko at marahang hinila pahiga sa malapad niyang balikat. Napangiti ako ng maliit, pakiramdam ko ay protektado na ako.
Hindi ko na napansin na nakatulog na pala ako sa balikat ni Dani, nagising ko noong may marahang humihimas sa 'king pisngi. Nang mag mulat ako ng mga mata ay bumungad sa akin ang kuulay asul na mga mata ng lalaki na ngayon ay malamlam ng naktingin sa 'kin. Magaan siyang ngumiti sa 'kin at nag salita, ''Nagising ba kita? Tara na sa condo para magamot ko'yang pasa mo.'' mahinahon ang kanyang boses at titig na titig ang kanyang mga mata sa 'king mukha na parang kinakabisa ang bawat parte nito.
Bigla akong pinamulahan, hindi ko rin alam ang itsura ko ngayon. Siguro ay puro galos at magulo ang buhok ko. Umahon ako mula sa pag kakasandal sa balikat niya. Noong makaayos ako ng upo ay agad niyang inunat ang mga braso niya at hinilot ang malapad niyang balikat.
''A-Ahh . . . nangalay 'yung braso ko, kailangan atang i-kiss.'' Mas lalong nag init ang mag kabilang pisngi ko dahil sa sinabi niya. Hindi ko alam kung bakit kumalala ang pag kamanyak ng isang ito.
Hinampas ko siya sa braso. ''Anong kiss ka d'yan? Napaka manyak mo talaga kahit kailan.'' asik ko sa kanya.
Humaba an nguso niya. ''Ako pa ang manyak ngayon? Sino kaya ang gumapang ang kamay kanina papunta sa loob ng pantalon ko habang natutulog?'' Nanlaki ang butas ng ilong ko at mga mata dahil sa sinabi niya. Hindi ko ginawa iyon!
''Kailan ko ginawa 'yon?! Hindi ko ginawa iyon, noh!'' Nag iwas ako ng tingin sa kanya. Malay ko bang hindi pala panaginip iyon? Nanaginip kasi ako kanina may hawak-hawak akong talong! Hindi ko naman alam na ibang talong na pala ang hawak ko!
''Okay,'' sagot niya at nag kibit balikat ngunit may nag lalaro pa ring pilyong mga ngisi na naka paskil sa mapula niyang labi. Pabiro ko siyang inirapan. Wala talagang pinipiling oras ang kamyakan ng isang ito, e.
Nang makapasok kami sa loob ng condo niya ay agad niyang dinukot ang telepono sa kanyang bulsa, may idinial siya doon at habang ginagawa niya iyon ay mag kasalubong ang kanyang makakapalna kilay, kulang nalang at mag buhol ito.
Tahimik akong umupo sa leather sofa niya habang naka tingala sa kanya. Binasa niya ang kanyang pang ibabang labi at inilagay ang telepono sa tainga.
''Balita? Nabura mo na ba ang lahat ng video?'' aeryoso ang kanyang tono, ng ngingitngit din ang kanyang mga ngipin habang nag sasalita. Madilim ang kanyang ekspresyon. Hindi ko alam kung sinong kausap niya sa kabilang telepono, pero alam ko kung anong topic ang pinag uusapan nila.
''God, thankyou dude.'' Namaywang siya at sumulyap sa 'kin. ''Yeah, yeah, i know. Huwag mo na kong pagalitan.'' umikibot ang kanyang labi.
Natahimik siya at mukhang pinaparinggan ng mabuti ang kausap. Ang kaninang madilim niyang mukha ay mas dumilit na ngayon. ''She pay for this.'' mariin niyang sabi at ibinaba ang linya.
Tumagilid siya sa 'kin at tumingala siya. Hinilot niya ng kanyang daliri ang mag kabilang gilid ng kanyang mata. Tila sumasakit ang ulo niya. Kahit nakatalikot siya sa 'kin ay alam kong kumukuyom ang kanyang bagang, alam kong padilim nang padilim ang kanyang ekspresyon. Napakagat ako ng labi, sino kaya iyong kausap niya . . . ? At bakit ganyan ang kanyang reaksyon?
Narinig ko ang pag singhap niya at pag buga niya ng hangin. Pinapakalma ang sarili.
Noong humarap siya sa 'kin ay may nakapaskil na ngitisa kanyang mga labi ngunit alam kong pilit iyon. Wala akong ibang ginawa kung hindi tingalain siya at pag masdan ang gwapo niyabg mukha.
Lumapit siya sa 'kin at umupo sa tabi ko, kinuha niya ang ulo ko at isinandal niya ako sa matigas niyang dibdib. Naramdaman ko agad ang init no'n.
Dinampian niya ng halik ang noo ko bago mag salita, ''Huwag kang aalis diyan, kukunin ko lang 'yung first aid para magamot 'yang galos mo.'' Tumayo siya at pumunta sa isang kabinet na di kaluyuan at may kinuhang box doon. Bumalik siya sa pag kakaupo at inayos ang mga gamot.
Bumalik siya at inayos ang mga gamot na kakailanganin Marahan niyang hinawakan ang baba ko at pinaharap sa mukha niya. Pinatakan niya ng alcohol ang bulak at magaan na pinahid iyon sa sugat na nsa gilid ng labi ko. Napapangiwi ako ng kaunti dahil sa kaunting hapdi.
Hindi ko maiwasang mapatulala sa gwapo niyang mukha, kahit na bahagyang magkasalubong ang mga kilay niya ay nag papadagdag iyon sa kagwapuhan niya. Ang mga mata niya ay para kang nilulunod sa sobrang ganda. Araw-araw ata akong mamamangha sa lalaking ito.
''Hindi ko akalain namagagawa sayo 'to ng papa mo.'' Kumuyom ang kanyang bagang. May dumaang hapdi sa dibdib ko.
Mapait akong ngumiti. ''S-Siguro nabigla lang siya . . .'' Pilit kong pinag tatakpan si Dada, kahit naman ako hindi koakalain na magagwa sa 'kin ni Dada iyon. Hindi ko akalain na hindi niya man lang pakikinggan ang side ko.
Umiling siya na tila hindi sang-ayon sa sinabi ko.
Ayoko munang oag usapan ang tungkol sa nangyari kanina sa bahay kaya nilihis ko ang usapan. ''Sino 'yung kausap mo kanina . . . ?''
''Si Connan.''
''Narinig ko na tungkol sa video ang pinag uusapan niyong dalawa. A-Anong balita?'' Natigil siya sa ginagawa dahil sa tanong ko, hindi nia alam kung sasabihin ba niya o hindi.
Pero sa huli ay sinabi niya din. ''Malinis na, burado nalahat ng copy ng video.'' Nag patuloy siya sa pag gamoy sa 'kin.
Binitawan niya ang baba ko at yumuko upang lagyan betadine ang bulak ngunit napahinto siya na parang may gustong sabihin. ''A-At . . . nalaman ko narin kung sinong may pakana ng lahat.'' Kumuyom ang bagang niya. ''Mag babayad siya.''
Tumabol ang kaba sa dibdib ko, napupuno na naman ng galit ang dibdib ko. ''S-Sino siya?'' pumiyok ang aking boses.
Nang ibalik niya ang paningin sa 'kin ay malamlam na ito. ''You're best friend . . . i mean, ex-best friend.''
Kumyom ang aking kamao, nag uunahang nag sipatakan ang mga luha ko. Hindi na talaga siya nakuntento!
Ikinulong ako ni Dani sa bisig niya habang hinihimas ang buhok ko. Napakapit ako sa damit niya at doon kumuyom ang kamao ko. Napuno ng iyak ko ang paligid ng kanyang tono.
''Hush, love. She pay for this, i promise that.''
BINABASA MO ANG
Under the Moonlight:Hideous Trilogy#2 [ON GOING]
RomanceEleir Cameno is a fat woman, nakipag hiwalay sa kanya ang kanyang kasintahan at ipinag palit siya sa kaibigan niya. Nang dahil doon ay nasabi niya sa kanyang sarili na hindi na siya mag titiwala pa. But Dani Nkivor Salazar came into her life, ginul...
![Under the Moonlight:Hideous Trilogy#2 [ON GOING]](https://img.wattpad.com/cover/279215706-64-k432282.jpg)