14

55 9 0
                                    

Steps

Napakunot ang noo ko dahil sa kanyang sinabi. Tutulungan? ngunit papaano? paano niya ako matutulungan kung ang sarili ko nga ay hindi ko mapapayat?

Magsasalita pa sana ako noong may biglang tumawag sa kaniya. Agad niyang kinuha ang kanyang telepono sa bulsa at kunot noong sinagot iyon.

"Oh?" bungad ni Dani.

"Oo, pupunta na. Sige, sige." aniya at ibinaba ang tawag. Wala akong alam kung sino ang kausap niya.

Tumingin siya sa akin. "Tabs, alis muna ako, kailangan kasi ako sa music room. Nandon 'yung mga kabanda ko. Sige, ah? Bye!" at bigla nalang siyang nagmamadaling tumakbo paalis sa rooftop.

Napatilampik na lamang ang bibig ko at napailing na lamang ako sa ugali ng lalaking iyon. Para siyang kabuteng pasulpot sulpot at biglang mawawala.

Napa buntong hininga na lamang ako at tumingin sa langit, napipikit pikit ako dahil sa sinag ng araw pero pinatili ko pa rin ang aking tingin doon. Ang aking buhok ay nililipad dahil sa hangin. Napangiti na lamang ako sa hangin at pinakiramdam ito.

Sa loob loob ko ay nag papasalamat ako kay Dani dahil kahit sobrang nakakairita at nakakainis siya ay kahit papaano ay napaparamdam niya pa rin sakin na hindi ako nag iisa, na kahit papaano ay nag eexist pa rin ako dito. Kahit ang hilig hilig niyang mang inis at minsan nga gusto ko na siyang salaksakin kapag nakikita ko siya dahil alam kong mang iinis na naman. Ewan ko ba sa lalaking iyon, pinaglihi ata sa kalokohan.

Natagpuan ko na lamang ang sarili ko na naka ngiti sa langit.

Bakit nakangiti ka Ele, huh?

Napangiwi ako noong nahuli ko ang sarili na nakangiti na parang buang. Bakit naman ako napapangiti? anong meron? Argh!

Niyugyog ko ang ulo ko dahil sa isiping 'yon at tinampal tampal ko ang aking magkabilang pisngi at pagkatapos noon ay pumikit ako ng mariin at bumuga ng hangin. Huwag kang ngumiti!

Nang mag time na ay bumaba na ako mula sa rooftop. Habang naglalakad ako sa initan upang pumunta sa susunod kong klase ay hindi ko maiwasang hindi mainsecure sa mga babaeng nakakasalubong ko. Mapuputi, mga balingkinitan ang katawan, makikinis. Hayst lahat ata ng babae dito ay magaganda. Bilang lang kaming mga kagaya ko.

Pagkapasok ko sa last kong subject para sa araw na ito ay nagkakagulo ang mga babae. Hindi ko sila inintindi at umupo na lamang sa tamang upuan ko. Agad akong sumandal doon dahil pakiramdam ko ay nanginginig ang mga fats ko. Pawis na pawis din ang aking mukha dahil sa init ng araw kanina. Pinapasalamat ko na lamang na wala akong singaw sa katawan o hindi mabaho ang amoy ko t'wing pinag papawisan. Ang sabi kasi nila ay mabaho daw pagpawisan ang mga matataba, well wala naman akong amoy.

"Really? bumalik na si Amara?" rinig kong sabi ng isa sa mga kablock mates ko. Napairap na lamang ako sa hangin. Sino na naman yung pinag uusapan nila?

"Oo, malamang at sa malamang magkakabalikan si Connan at si Amara. Kawawang Heaven, psh. Hindi naman siya bagay sa banda kahit maganda ang boses niya noh!" pag rarant ng isa.

Napailing na lamang ako. Hindi ko alam sa ibang tao kung paano nila nagagawang mamuri ng tao kasabay ang pag da-down. Nakaka irita. Skill na nga yata iyon.

Noong mag lunch break ay agad akong pumunta sa cafeteria dahil nagrereklamo na ang mga alaga ko sa tiyan.

Pagkarating ko sa cafeteria ay napahinga na lamang ako ng malalim at nag papasalamat dahil wala pang masyadong tao sa cafeteria.

Umorder na ako ng aking makakain at naghanap ng mauupuan. Umupo na ako sa isang bakanteng upuan at inayos ang mga inorder ko. Akmang susubo na sana ako noong may biglang nag alis ng aking pinggan sa lamesa. Natigilan ako at kalaunan ay nanlisik ang aking mga mata habang nag taas ng tingin sa salarin. Bumungad sa akin ang labi niyang naka ngiti ng malaki.

Under the Moonlight:Hideous Trilogy#2 [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon