Pigilan ang kahibangan
Para akong nag yelo sa kan'yang sinabi, ang kilabpt ay gumapang papunta sa aking puso at tila nag sitaasan ang aking mga balahibo kasabay niyon ang aking pan-lalamig. Hindi ko na napansin na nakatulala na pala ako sa kan'yang mukha. Noong bumalik ako sa aking sarili ay tumikhim ako nang dalawang beses at nagsalita, "A-Anong sabi mo?" tanong ko.
Nag iwas siya ng tingin habang namumula ang kanyang mukha. Siya naman ngayon ang tumikhim, "Ang sabi ko akin nalang 'yang inumin mo," hinawakan niya ang kanyang leeg habang hindi pa rin makatingin sa akin ng maayos, "Nauuhaw kasi ako." at doon na siya tumingin sa akin at biglang hinaklit ang aking unumin.
Bumagsak ang aking panga dahil sa kan'yang ginawa, agad niya iyong ininuman na parang wala lang sa kan'ya na nakainom na ako doon.
"O-Oy! Siraulo ka talaga! Nainuman ko na 'yan no! Hindi mo ba alam na kapag nakiinom ka sa baso nang iba ay parang naghalikan na 'rin kayo?!" asik ko sa kan'ya.
Nakanguso siyang nakatingin sa akin habang bimibilog ang kanyang labi. Basang basa ko ang hanga sa kan'yang kulay asul na mga mata.
Inilayo niya ang straw sa kan'yang labi at may pumaskil na mala demonyong ngisi sa kan'yang labi.
"Gano'n ba? E, ano naman? Di'ba nga hinalikan mo na ko?" mapangloko ang kan'yang tono. May nakikita akong kislap nang kalokohan sa kan'yang mata.
Gumapang ang init papunta sa aking pisngi, dahilan kung bakit ramdam ko ang pamumula noon.
Bakit ka ba nakakaramdam nang gan'yang emosyon Ele, huh? Hindi ka na ba nadala kay Grei? Tama na! Hindi mo dapat ito maramdaman!
Napapikit ako nang mariin at ikinalma ang aking nararamdaman sa kan'ya na hindi dapat, hindi dapat dahil alam kong ako lamang ang talo dito sa huli, ako lang ang mag dudusa, ayoko ng maulit pa ang nakaraang napagdaanan ko kay Grei, tama na iyon, tama na ang sakit na naramdaman ko sa lalaking iyon at hindi rin naman ako aasang may pag kakataon kaming dalawa nang gayong ito dahil bukod sa sobrang gwapo niya ay may karanyaan din siya sa buhay.
Paano ko nga ba mapipigilan ang pagbugso nang damdamin ko para sa lalaking kaharap ko ngayon? Hindi ko alam kung kailan ito nag simula, kung kailan bumilis ang pagtibok ng puso ko sa kan'ya basta alam ko. . . Isang araw ay gusto ko na siya. Nakakatawa man pakinggan ngunit oo, gusto ko ang lalaking kaharap ko ngayon at kung bibigyan man ako ng pagkakataon na pigilan itong nararamdaman ko sa kan'ya ay kakasahin ko ang pagkakataong iyon upang mawala na itong kahibangan ko sa kan'ya. Hindi naman ako sigurado na kaya niyang suklian 'tong nararamdaman ko para sa kan'ya, baka. . . Kaibigan lamang ang tingin niya sa akin.
Gusto kong pagtawanan ang sarili ko, inis na inis ako sa kan'ya noong simula ngunit noong nakilala ko na siya nang lubusan ay tila nag laho lahat ng inis ko para sa lalaking ito. Naalala ko pa ang sinabi niya sa akin noong isang araw. . .
Pareho kaming naliligo sa pawis dahil kalahating lang namin sa gym. Pagod na pagod ang katawan ko, napapangiwi ako kapag nakakaramdam ako ng panginginig ng aking kalamnan dahil sa sobrang pagod.
Pinunasan niya ng likod nang kan'yang palad ang noo niyang tumatagaktak sa pawis. Inayos niya ang pagkakasabit ng gym bag sa matitipuno niyang braso at tumingin sa'kin. Hindi ko sinasadyang mag tama ang aming paningin, kahit na sobrang pawis ang kan'yang katawan ay maaliwalas naman ang kan'yang mata. Ngumiti siya sa akin nang hindi labas ang ngipin niya at s'yaka siya tumingin sa harapan, patuloy pa rin kami sa paglakad. Papunta kami ngayon sa kanto namin kung saan lagi niya akong hinahatid.
Pinutol ko ang pagtingin sa kan'ya at tumingin na lamang sa harapan ngunit agad bumalik ang aking mga mata sa kan'yang mukha noong nagsalita siya bigla. Nasa harapan pa rin ang pwesto ng kan'yang ulo ngunit sa pagkakataong ito ay nakatingala na siya sa langit kung saan naroon ang maliwanag at bilog na bilog na buwan, nakalagay ang kan'yang dalawang braso sa kan'yang likod.
"Alam mo? Hindi mo naman dapat pinipilit ang sarili mong magpapayat, e. Kailangan mo lang tanggapin sa sarili mo kung ano ka ngayon, kailangan mo lang tanggapin ang estado mo ngayon dahil kung hindi mo tanggap ang sarili mo ngayon, paano ka sa mga susunod na taon? Paano kung pumayat ka nga at ikinakahiya mo naman ang sarili mo ngayon? Naging parte iyan ng buhay mo kaya dapat hindi mo ikinakahiya, hindi ba? Minsan kailangan na lang natin tanggapin ang mga bagay na ayaw natin upang maging masaya tayo. . ." mahabang litanya niya, hindi pa rin siya nag bababa ng tingin sa akin.
Hindi ko maiwasang hindi makaramdam ng kirot sa kan'yang sinabi, aminado naman ako na naiinggit ako sa ibang babae, kung bakit sila binigyan ng magandang katawan at samantalang ako ay hindi? Aminado din ako na ikinahihiya ko ang sarili ko. Kapag tumitingin ako sa salamin, ang repleksyon ko ay ang babaeng mataba. . . Lalo na noong pinagmukha akong tanga ni Grei, mas lalong lumala ang inggit ko sa iba at hiya para sa aking sarili. Mas lalong bumaba ang self confidence ko nang dahil sa naranasan ko.
Hindi ako sumagot sa kan'ya, nanatili lamang akong nakikinig.
Narinig ko ang hagikgik niya na tila may naaalala, "Noong unang kita ko sayo non sa park. . . Gandang ganda ako sayo." at doon na ako nag balik ng tingin sa kan'ya at nahigit ko na lamang ang sarili kong hininga noong nag baba siya nang paningin sa akin. Puno nang senseridad ang mga mata niya, walang halong biro o kahit ano.
"Nasabi ko sa sarili ko na. . . Kapag nakita ko ang gunggong na iyon ay bubugbugin ko siya, wala siyang kwenta para paiyakin ang isang babaeng katulad mo." mataman niya akong tiningnan.
Maya maya pa ay tila natauhan siya at ngumisi ng nakakaloko at pinitik ang aking noo. "Labas pa nga ang sipon mo 'non tabs." at sinabayan niya pa ito ng isang napakalaking halakhak.
Kumulo ang dugo ko kasabay ang pag iinit nang aking magkabilang pisngi dahil sa hiyang nararamdaman ko.
"Siraulo!"
Nagising ako sa aking malalim na iniisip noong pumitik ng dalawang beses si Dani sa harap ng aking mukha habang iniinuman ang inumin ko.
"Isip mo lumilipad." nakangusong anya at nauwi sa ngiwi. Ibinaba niya ang baso sa lamesa at hinarap ako at ipinagkrus niya ang kan'yang braso.
"Pagod na'ko Ele. Tama na. . ." aniya. Otomatikong napakunot ang noo ko dahil sa kan'yang sinabi.
Ano na naman bang nasa isip nang lalaking ito?
"Pagod saan?"
Umingos siya, "Lagi na lang akong tumatakbo d'yan sa isipan mo, pag pahingahin mo naman ako." asik niya ngunit alam kong pabiro lamang iyon.
Ngumisi ako at pinagkrus ko na rin ang aking mga braso, "Paano kung ayoko?" may halong kalokohan ang aking boses.
"Itatali kita." seryoso ang kan'yang mga mata, ". . . Sa kama." halos mabulunan ako sa sarili kong laway dahil sa sinabi niya.
A-Ano 'daw?
Ramdam ko ang aking dugo na gumapang papunta sa aking pisngi, dahilan upang bakit mamula ito ng sobra kasabay ang pagkabilis-bilis na kabog nang aking dibdib.
Kailangan ko nang layuan ang lalaking ito bago pa ako mahuli. . .
_________________
Hello! Good morning!Pasensya na kung maiksi ito, ah? Sinasakto ko kasi ang word count na kailangan kong ibeat. Hehe.
Pasensya na rin kung hindi ako madalas mag update. Hindi ko alam kung bakit nitong mga nakaraang araw ay tinatamad akong mag sulat, kahit na gustong gusto kong magsulat, hindi siya kagaya noong isinusulat ko pa ang hideous#1, pero humahanap pa naman ako ng panahon at pinipilit ko pa rin. Mahal ko ang nobelang ito, mahal ko ang pagsusulat kaya ayokong sukuan. Nagpapasalamat rin ako sa mga nagbabasa ng mga gawa ko, sobrang pinapataba niyo ang puso ko.
Naisip ko rin na kaya siguro ako nag kakaganito dahil sa mga sunod sunod na rejection na natanggap ko? I dunno, nawala yung self confidence ko sa pagsusulat, lalo noong napansin kong sandamakmak ng error ang novel ko.
Salamat sa mga nag memessage sa'kin! Hindi ko alam kung paano ko kaho kakausapin dahil sobrang nahihiya ako, pfft. Hindi ko alam ang sasabihin ko pero bagaman gano'n ay nag papasalamat pa rin ako. ☺
Comment naman kayo, gusto ko lang mag basa. Gusto kong bumalik yung sigla ko katulad dati noong sinusulat ko pa yung #1.
Thankyou! Mahal na mahal ko kayo!
BINABASA MO ANG
Under the Moonlight:Hideous Trilogy#2 [ON GOING]
RomantikEleir Cameno is a fat woman, nakipag hiwalay sa kanya ang kanyang kasintahan at ipinag palit siya sa kaibigan niya. Nang dahil doon ay nasabi niya sa kanyang sarili na hindi na siya mag titiwala pa. But Dani Nkivor Salazar came into her life, ginul...