24

46 4 0
                                    

Higit pa sa dati

Ramdam ko ang pag iinit ng sulok ng aking mata, hindi ko alam ang sasabihin ko, naubusan ako ng mga salita. Ang kanyang mga mata ay seryoso habang nakatingin sa 'kin, ngunit hindi niya mapag kakailang may itinatago itong sakit.

Nanlalamig ang mga palad ko at ramdam ko ang panginginig nito, unti-unti kong inabot ang kanyang kamay. Nag papasalamat ako dahil hindi niya ito iniwas. Hinawakan ko nang pakahigpit ang kamay niya. Nanlalabo na sa 'king paningin ang gwapo niyng mukha dahil sa nag babadyang mga luha na gustong pumatak sa pisngi ko.

Sinimulan kong ibuka ang labi ko upang mag salita. ''Dani... i'm sorry, sorry dahil ipinag kaila kita sa harap ni Dada.'' Pumikit ako ng mariin at muling nag salita. ''Alam kong nasaktan kita, kaya nga ako nandito para humingi ng sorry, hindi ako mapala---'' naputol ako sa pagsasalita.

''Shut up.'' aniya. Naramdaman ko na lamang ang kanyangmainit na labi na nakadampi ng mariin sa nakaawang kong bibig. Nanakop ang kanyang halik. Hindi pa siya nakuntento dahil kinabig niya ang batok at bewang ko upang mas mag dikit ang aming katawan. Ramdam ko ang init niyon. Ang amoy alak at mentol niyang hininga ay nakakapag palasing sa 'kin.

Napakapit ako sa suot niyang puting v-neck shirt. Nadadarang ako sa mga halik niya. Pakiramdam ko ay tinatakasan ako ng hininga dahil sa mga halik na ibinibigay niya sa 'kin ngayon. Nang hihina ang tuhod ko at nawawalan ako ng lakas upang sawayin siya. 

Kinagat niya ang pang ibabang labi ko at naramdaman ko na lang na nakapasok na ang mabagsik niyang dila rito. Kinakabisado ang bawat parte nito.

Maya-maya lamang ay napunta na sa 'king panga ang mga halik niya. Napakapit ako sa nammutok niyang braso. Naramdaman ko na lamang na sinipsip niya ang balat ko roon. ''Ahh... Dani...'' hindi ko maigilang halinghing.

Naramdaman ko ang paningas niya at bigla siyang lumayo sa 'kin. Lumayo siya sa 'kin at tila may nagawa siyang hindi maganda ng tingnan niya ako sa mgamata. Sinapo ng malalapad niyang palad ang mukha ko at ipinagdikit niya ang aming noo.

''I'm sorry, i'm just... fuck!'' mahina niyang mura, at muli akong pinatakan ng halik sa labi. Hinawakan ko ang mga kamy niyang nakahawak sa mukha ko at marahang ngumiti sa kanya.

Puno ng pag sisisi ang asul niyang mga mata. ''Nadala lang ako ng galit ko... I'm sorry, hindi ko gustong bastu---'' Hindi na niya natuloy ang sasabihin niya noong siniil ko siya ng halik.

Ano pa't tumanggi ako sa kanya? May nangyari na sa 'min. At siya lamang ang lalaking gusto kong makasalo sa kama. 

Naramdaman ko ang gulat niya,  base sa kanyang pagkaigtad ngunit agad namang nakabawi sa gulat ang lalaki dahil agad siyang gumanti ng halik sa 'kin. Tanggap ko na... tanggap ko ng para lang ako sa lalaking ito.

Muli niya ako kinabig sa baywang at naramdamn ko na lamang na nakalutang na ako at nasa kanyang mga bisug niya. 

At nang gabing iyon ay buong mag damag kong isinigaw ang kanyang pangalan.

Hinihimas niya ang aking buhok habang nakaunan ako sa kanyang dibdib, marahan kong dinama ang maiiksi niyang balahibo sa dibdib. Pakiramdam ko ay mamalat ako maya-maya dahil sa lakas ng mga halinghing ko kanina.

''Huwag mo nang uulitin 'yon, ah?'' basa niya sa katahimikan. Dinama ko ang payapa niyang pag hinga. Ramdam ko na tumatalbog ang puso ko dahil sa sobrang saya.

''Ang alin?'' tanog ko sa kanya. Nilalaro laro ko ang mumunti niyang mga balahibo.

Naramdaman ko ang pag buntong hinga niya. ''Ang... pag kakaila sa 'kin.'' humina ang kanyang boses sa huking salita, tila parang mabigat na salita 'yon para sa kanya. 

Muli namang bumalik ang konsensya ko sa dibdib. Hindi magandang mag tago ako ng sekreto sa kanya lalo na ngayong may relasyon kaming dalawa.

Umayos ako pagkakahiga sa dibdib niya at tumingala sa magagandang uri ng kanyang mata. ''I'm sorry... nalilito kasi ako, nalilito ko sa sitwasyon namin ngayon ni Dada--- ang tatay ko. Lumalayo na ang loob niya sa 'kin buhat noong nalaman niyang anak niya ang ex ko.'' Napakagat ako ng labi dahil sa huling salita. Hindi ko alam kung dapat ko pa bang ituloy ang pag kukwento sa kanya, ngunit mukhang kalamado naman siya. Hinihimas niya pa rin ang buhok ko.

''Ang liit ng mundo, noh? gulat din ako noong nalaaman 'yon, pakiramdam ko ay naisyapwera na 'ko dahil isa lang naman akong ampon. Alam mo ang mas malala? Doon din sa 'min nakatira si Hera, ang dati kong kaibigan na ipinagpalit sa 'kin ni Grei.'' may pag uuyam ang aking boses.

Mag papatuloy pa sana ako sana ako sa pag kukwento ngint bigla siyang nag salita. ''Do you still love him?'' pormal ang kanyang boses, tila naninimbang at nangangapa.

Tipid akong napangiti, teka? Nag seselos ba siya? 

Alam ko, alam ko sa sarili kong wala na akong nararamdaman para kay Grei, dahil nasa lalaking katabi ko ngayon ang puso ko, masmalala pa kaysa sa naramdaman ko kay Grei.

Umangat ako at muling tumingin sa mukha niyang sobrang seryoso ngayon. Pinisil ko ng marahan ang matangos niyang ilong, perpekto ang pagkakahulma nito. ''Teka? Nagseselos ka ba?'' may giliw ang boses ko.

Kumikibot kibot ang labi ko dahil sa pinipigilan kong ngiti. ''Nag seselos ka, no?'' Hindi ko napigilang hindi mapahagikgik. Isipin pa lang na talagang nag seselos siya ay kinikiliti na ang mga taba ko sa katawan. 

Napasimangot siya. ''Sinong hindi mag seselos? Kasama lang naman ng girl friend ko ang ex-boyfriend niya sa iisang bubong. Tsk! Ngayon pa lang may dahilan na 'ko para hindi mapalagay.'' seryoso ang boses niya at tila hindi na siya mapalagay sa ngayon pa lang.

Lihim akong napangisi. Hindi ko mapigilan ang kilig ko.

''May tiwala ka naman sa 'kin, hindi ba?'' malamyos ang pag tatanong ko. Lumamlam ang kanyang mga mata at hinimas ang pisngi ko. Napapikit ako dahil doon, sa kanya lang talaga ako nakakaramdam ng kapayapaan. 

Kumuyom ang kanyang panga. ''Oo may tiwala ako sayo, pero sa gagong 'yon, wala.'' Kumibot ang labi niya. ''Paano kung lapit-lapitan ka 'nong gagong 'yon? Hindi ako mapapalagay, maisip ko palang na tinitingnan ka niya, para na kong sasabog sa inis.''

Napangisi ako. ''Tama na, kinilig ako.'' Dahil kung hindi pa siya tumigil ay ba 'ka himatayin na ako sa kilig ngayon.

Sa mga sumunod na araw ay wala nang mas sasaya pa sa nararamdaman ko. Lagi akong nakangiti na kahit ata sa pag lio o pag dumi ko sa banyo ay nakangiti ako. Paano naman kaso, itong ai Dani ay bumalik na naman sa ugali niyang nag papadala ng kung ano-ano sa bahay. Takang taka na tuloy ang mga kasama ko dito kung kanio galing iyon. 

Katulad ngayon, kakalabas ko lang ng kwarto at bumungad na agad sa 'kin ang isang damukmok ng pag kain, bulakalk at kung ano ano pa. Narinig ko ang pag ismid ni Hera na ngayon ko lang napansin na nasa aking tabi. Kahit umismid pa siya nang umismid d'yan ay hindi mababawasan ang saya na nararamdaman ko ngayon. 

Palihim akong napangiti noong tiningnan ko ang nakasuksok na card sa bulaklak.

''Te amo, mi luna...''
- Your future husband.

Tila sinisilaban ang puwetan ko dahil sa sulat na 'yon, te amo lang naman ang naintindihan ko, pero ano 'yung mi luna? 

Tuloy na sana ang pag sasaya ko kung hindi ko lang narinig ang mahinang pasinghal na sabi ni Hera. ''Tss. Hindi na ko magtataka ung makikita kitang umiiyak, halata namang binobola ka lang niyan. Mukha mo, walang mag kakagusto sayo.'' Uminit ang sintido ko dahil sa narinig pero pinilit kong pakalmahin ang sarili ko. Ele, chill ka lang. Huwag mong sirain ang araw mo dahil sa talipandas na ito.

Ngumiti ako ng peke, inirapan lang ao ng babae. Mapang siya dahil wala si Dada dito, kaming tatlo ang naririto sa bahay. 

Pero pag nandito si Dada ay akala mo ay sinaniban ng anghel si gaga. Ginantihan ko siya ng irap.

Muli akong tumingin sa mga pinadala ni Dani nat akma kong kukunin iyon ng hiklatin ni Grei ang bungkos ng bulaklak at basahin ang nakasulat sa card.

''Akin na 'yan!'' Inaabot ko ito mula sa pag kakahwak niya ngunit nabigo rin ako dahil mas matangkd sa 'kin si Grei.

Pulang pula ang mukha ko dahil sa inis noong binasa niya ito. ''Te amo, mi luna?'' may ag uuyam ang kanyang boses. Narinig ko naman ang pag tawa ni Hera.

Buong lakas kong tinulak ang dibdib ni Grei, nakakairita talaga silang dalawa! Kung hindi lang dahil kay Dada ay matagal ko nasilang pinatulan. Nag hahabol ako ng hininga noong kinuha ko 'yon sa kanya. Kinuha ko lahat ng pinadala ni Dani at akmang aakyat na ako ng hagdan noong nag salita si Hera.

''Mukhang kano 'yang nag padala, ah? Wala na ba talagang paptol sayo kaya ka pumatol sa matandang hukluban?'' may pang iinis ang tono niya.

Siguro ang akala niya ay galing ito sa isang matandang pineperahan ko, sorry siya, dahil batang bata at sobrang gwapong sugar daddy ang nakuha ko.

Matamis akong ngumiti sa kanya. ''Wala akong panahon kumausap ng mga pokpok na kagaya mo.'' At muli akong nag lakad paakyat.

Pag kapasok sa kwarto ay daig ko pa ang bulkan dahil para akong sasabog sa inis!

''Nakaka irita kayong dalawa! Tangina niyo! Wala talaga kayong ibang ginawa kung hindi bwisitin ang araw ko!''

Kung hindi lang dahil kay Dada ay matagal na akong umalis sa bahay na 'to.
 

Under the Moonlight:Hideous Trilogy#2 [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon