The First Kiss
Bumagsak ang panga ko dahil sa kanyang sinabi, ano daw? araw araw niya akong ihahatid? mahihibang na ba talaga ang isang ito? ilang minuto pa bago ako naka ahon sa pagkagulat at napasadahan nalang ng aking paningin ang kanyang mukhang nakakaloko ang porma. "A-Ano nga ulit sinabi mo?araw araw mo akong ihahatid? nabubuang ka na ba talaga?" unti unting kumunot ang aking noo.
Mukha siyang nag isip at ngumuso at ngumiwi. "Tinatanong mo pa sakin kung ano yung sinabi ko pero inulit mo."at mahina siyang humalakhak.
Kunot na kunot ang aking noo habang naka tingin sa kanyang perpektong gilid ng mukha. Nakahawak ang kanyang kamay sa hawakan. Napaurong ang aking mukha noong bigla niyang ibinaling ang kanyang mukha sa akin. Ramdam na Ramdam ko ang pamimilog ng aking mga mata, samantalang tinitigan niya akong mabuti.
"Ganito pala ang feeling, noh?" mahinang aniya at dahan dahang umangat ang sulok ng labi niya.
"H-Huh?" nauutal na anya ko, hindi ako makapag pokus sa sinasabi niya dahil sobrang lapit ng kanyang mukha sa akin. Tanaw na tanaw ko ang kulay dagat niyang mga mata.
"Ang sabi—"hindi na niya na naituloy ang dapat niyang sasabihin sa akin ng bigla akong kinabig ng isa ko pang katabi gamit ang kanyang tuhod. Ramdam na Ramdam ko ang panlalaki ng aking mga mata at ang pag gapang ng aking dugo papunta sa aking mukha, dahilan upang mamula ako ng sobra. Ramdam ko ang malambot na balat na nakadampi sa aking labi. N-Nahalikan k-ko siya!
Parehong dilat na dilat ang aming mga mata noong mabarag akong lumayo sa kanya. Pareho kaming tigagal sa nangyari. Ele! nahalikan mo siya! nahalikan mo ang taong kinaiinisan mo!
Nang wala sa sarili ko siyang tiningnan ay naka awang ang kanyang labi habang nakadampi ang kanyang hintuturo doon. Tulala siya at tila hindi ma sink-in sa utak niya ang nangyari. Aba! parang siya pa ang babae sa aming dalawa, ah! as if naman na first kiss niya yon? imposible! siguradong maraming lumalanding babae dito. Baka nga hindi na siya virgin.
Ilang minuto pa ang aking hinintay bago siya mag salita. "Y-Yung f-first kiss ko wala na..." aniya habang naka dampi pa rin ang kanyang hintuturo sa labi niya.
Namilog at bumagsak ang panga ko dahil sa narinig, ako naman ngayon ang hindi mag sink in sa utak ang sinabi niya.
"Shit, yung first kiss ko Ele, ibalik mo." aniya noong dahan dahan siyang humarap sa akin.
Ano? paano ko naman ibabalik iyon?! hindi ko maibabalik iyon. Para siyang maiiyak na hindi ko alam, kung makaasta naman ang isang ito parang ginahasa ko siya.
Hindi ako sumabat dahil hiyang hiya rin ako sa nangyari, ako ang nakakuha ng first kiss niya!? pero papaano?!, huh! Ele! malamang hinalikan mo siya!
Hindi ako makatingin sa kanya at buong byahe ay nakayuko ako. Sa gilid ng aking mga mata ay nakikita kong nakatulala siya sa labas ng jeep. Nang huminto ang sinasakyan naming jeep sa kanto ay agad akong bumaba, nanginginig pa ang aking tuhod dahil sa sobrang kaba. Mabilis akong naglakad at wala na akong pakialam pa kung naka sunod ba o hindi sa akin si Dani.
Napahawak ako sa aking dibdib ng sobrang lakas ng kabog nito. Rinig na rinig ko ang kabog at nakakabingi ang lakas nito, kaba ba ito?
Napalunok ako noong tawagin niya ang pangalan ko. Hindi ako tumingin sa kanya o huminto man lang.
Muli niya akong tinawag ngunit sa pag kakataong ito ay hinigit na niya ang aking braso paharap sa kanya. Nilamon ng pag kailang ang hangin na nakapaligid sa aming dalawa. Napakagat ako ng aking pangibabang labi. Ano bang dapat kong sabihin sa kanya? sorry?, hindi ko sinasadya?, kalimutan na lang natin 'yon? Argh! ano bang dapat kong sabihin sa kanya? malay ko bang mahahalikan ko siya?! kasalanan talaga noong mamang katabi ko! kung hindi niya ako tinunggo edi sana matiwasay ang pag iisip ko ngayon.
BINABASA MO ANG
Under the Moonlight:Hideous Trilogy#2 [ON GOING]
RomanceEleir Cameno is a fat woman, nakipag hiwalay sa kanya ang kanyang kasintahan at ipinag palit siya sa kaibigan niya. Nang dahil doon ay nasabi niya sa kanyang sarili na hindi na siya mag titiwala pa. But Dani Nkivor Salazar came into her life, ginul...