Nakadepende.
Mahigpit ang pag kakahawak ko sa tasa ng kape, halos hindi ko pa ito napapakialaman dahil hindi ako mapalagay. Kagabi, tumawag
sa 'kin si Dada na gusto niya daw makipag kita sa 'kin kaya agad akong pumayag. Hindi ko naman siya mahindian kahit na may pag tatampo pa rin ako sa kanya, umaasa pa rin ako na mag kaka-ayos kaming dalawa.
Binasa ko ang pang ibabang labi ko, ibinaba ko ang tingin sa kapeng nasa harapan ko, umuusok iyon. Kahit na nakadampi ang mga palad ko sa tasa at nararamdaman ko ang init ng kape ay hindi pa rin mawala ang panlalamig ng aking kamay.
Maya-maya lamang ay may natanaw na akong isang lalaking babae kung gumalaw, kahit na malaki ang katawan niya ay babaeng babae naman ang kanyang porma.
Napalunok ako ng mariin noong nag tama ang aming paningin. Agad akong nag iwas dahil mas nakadaragdag lamang ng aking kaba. Hindi nakakatulong.
Prente siyang umupo sa harap ko, tinawag niya ang waiter at umorder. Napahigpit ang pag hawak ko sa tasa noong wala man lang pananabik sa kanyang mga mata. Bakit ganito? Bakit iba na ang palagay ko sa taong nag aruga sa 'kin? Ang taong nag bibigay saya sa 'kin dati, ngayon ay nag bibigay kaba na sa 'kin?
''Kumusta?'' panimula niya, walang kalatoy-latoy iyon, parang gustong manibago ng sistema ko. Bakit biglang nawala ang pag kalambing ng boses niya? Bakit hindi ko na nararamdaman ang pag aaruga ng isang magulang sa boses niya? B-Bakit nasasaktan ako? Bakit a-ang sakit-sakit . . . ?
Mas lalo akong napayuko. ''Ayos lang po, Da . . .''
Tumango siya. ''May hihilingin sana ko sayo.'' walang paligoy-ligoy niyang sambit.
Napataas ang tingin ko sa kanya. ''A-Ano po iyon, Da?'' Ilang na ilang ako sa mga titig na ibinibigay niya sa 'kin.
Hinawakan niya ang kamay kong nakakumyapit sa tasa, at nag salita, ''Ele, mapag bibibigyan mo naman siguro ako?'' Naging malamlam bigla ang kanyang mga mata.
Hindi ako umoo, ibibigay ko kung anong kaya kong ibigay sa kanya. Pilit akong ngumiti. ''Ano ba 'yung hiling niyo?'' mahina ang boses ko, halos wala ng lumabas sa 'king labi.
Humigpit ang pagkakahawak niya, ''Pwede bang bawiin niyo na ang kaso niyo kay Hera? Hindi ko na kasi alam kung sino pang lalapitan ko, ba'ka naman pwedeng ipasabi mo 'to sa boyfriend mo?''
Tumiim ang bagang ko, sa puntong ito ay alam ko ng hindi niya talaga inaalala ang kalagayan ko. Sinalubong ko ang tingin niya ''Mahirap gawin 'yon.'' Umiwas ako ng tingin.
Inalis niya ang pag kakakapit sa 'kin. ''Alam ko namang isang hiling mo lang diyan sa boyfriend mo ay agad niya ng ibibigay sayo, kaya anong mahirap don?'' bumalatay sa boses niya ang pagkairita.
Pumikit ko ng mariin at pinilit na pakalmahin ang sarili, noong dumilat ako ay sinalubong ko na ang kanyang mga mata na mabasik. ''Hindi naman gano'n kadali iyon, hindi lang naman ako ang naapektuhan dito. Hindi lang ako 'yung nasira 'yung reputasyon!'' pigil ang aking sigaw. ''Da, please. Tanggapin niya ang mga consequences niya, hindi dapat kinukunsinti ang babaeng iyon. Matagal na kong punong-puno sa kanya!'' Habol-habol ko ang aking hininga.
Umirap siya at tumayo. ''Kung gano'n---'' pinutol niya ang pag sasalita at tumingin ng mariin sa 'king mga mata, kahit masakit ay nilabanan ko ito. ''--Kalimutan mo nang tatay mo 'ko.'' Tinalikuran na niya ako ng walang lingon.
Napahawak ako sa kanto ng lamesa dahil nanghihina ako, gusto kong sumigaw sa sobrang sakit ngunit nanatiling tahimik ang bibig ko. Umiikot ang sakit sa dibdib ko.
Hinding hindi ko iuurong ang kaso kay Hera!
Tulala akong bumalik sa campus, walang professor ngayon kaya nag punta muna ko sa rooftop para makalanghap ng sariwang hangin, dahil pakiramdam ko ay mamamatay ako sa sobrang sakit ng dibdib ko. Patuloy na umaagos ang mga luha sa mga mata ko.
Anong nangyari? At nagkagano'n ka . . .
Napahawak ako sa railings at tinakpan ang aking bibig upang mapigilan ang mga hikbi ko, ang sakit . . . ang sakit sakit.
Ganon'n niya na lamang ba ako itatapon? Sa pag kakatanda ko ay ako pa ang anak niya, pero bakit ngayon ay hindi na. Totoo bang itinakwil na niya ko?
Lumakas ang hikbi ko noong muling pumasok sa aking isipan ang huli niyang sinabi bago ako talikuran. L-Lahat na lang talaga ay tinatalikuran na ako.
Siguro ito yung pangyayari sa buhay ko na mag bibigay ng malaking lamat sa pag katao ko, nakakatrauma, nakakabaliw.
Sa kalagitnaan ng aking pag hikbi ay may yumakap sakin mula sa likuran, kahit puno ng sipon ang ilong ko ay naamoy ko pa rin ang humahalimuyak niyang amoy. Agad agad humarap sa kanya at isinubsob ko ang mukha ko sa malapad niyang dibdib. Doon ko pinakawalan lahat ng sakit na nararamdaman ko sa oras na iyon.
''B-Bakit ba lahat nalang sila ay tinatalikuran ako? Ano bang mali, D-Dani?'' nag sasalita ako sa gitna ng aking pag hikbi.
Mahigpit niya akong niyakap. ''Iiyak mo lang, nandito lang ako sa tabi mo. Hinding-hindi kita tatalikuran, Ele.''
Hiyang-hiya na ako kay Dani dahil sa t'wing may dinaramdam ako ay siya lagi ang iniiyakan ko, siya lagi ang karamay ko. Siya na ang tumayong nanay, tatay, boyfriend sakin at mukhang pati pagiging bodyguard ko ay gusto na niyang gawin.
Siya ang nag silbing kandungan ko sa mga oras na lugmok na lugmok ako, sa kanya ako kumukuha ng lakas, sa kanya lahat . . . hiyang-hiya na ako sa kanya.
Pati sa pagkaso kay Hera ay siya na rin gumawa mag-isa, dahil hindi ako makausap ng matino, stress na stress ako nitong mga nakaraan at hindi ko na napapansin na nagkukulang na pala ako sa kanya.
Kaya maaga akong gumising ngayon para ipaghanda siya ng makakain bago pumasok. Gusto kong bumawi sa mga ginawa niya, hindi naman pwede na siya na lang ang laging nag bibigay sakin.
Pag katapos kong mag hain ay inilipit ko ang mga plate niya na nasa sala, ang mga art materals niya ay naka kalat. Pinagsama sama ko iyon at itinabi sa tamang lalagyan. May tinapos kasi siyang plate kagabi na pasahan na daw ngayon.
Nang okay n ay tumayo na ko para puntahan siya sa kwarto pero parang di na ata kailangan dahil kakalabas niya lang ng pinto. Bangag na bangag pa ang lalaki, pipipikit pikit pa ang mga mata niya. Lumalamlam ang mga mata ko habang nakatingin sa kanya ngunit agad ko iyong pinalitan ng magandang ngiti noong tumingin sakin ang pares ng kanyang mga mata.
Ibinuka niya agad ang mga braso niya habang nakangiti sakin, hinihintay akong lumapit sa kanya at mag payakap. Gawain niya ito tuwing umaga, parang baby lang.
Lumapit ako sa kanya at niyapakap siya. Tumingala ako sa kanya at hindi ko maiwasang hindi siya pag lamlaman ng mga mata ng kitang kita ko ang stress sa mukha niya, may itim na sa ilalim ng mga mata niya pero kahit na ganoon ay hindi ito nakakabawas sa kagwapuhan niya. Alam ko naman kung bakit, e. Pero nag bubulagbulagan ako.
Hindi lang dahil sa college life niya siya naiistress, dahil na rin sa humuhupang usap usapan samin, noong isang araw nga ay nabalitaan ko na nasa dean office siya dahil nakipag away siya sa kablock mate niya. Binastos daw ako nito sa harapan niya, nag pantig lang daw ang tainga niya. Mabuti nalang at mabait si Miss Dean at kilala siya nito dahil tita pala ito ng isa sa mga kabanda niya.
Alam ko . . .alam na alam ko kung bakit siya nag kakaganito. Dahil sakin, sapong-sapo na niya ko. Mula sa pagkain, sa mga pansariling gamit ko, sa baon ko. Lahat sagot niya.
Wala naman akong alam na pinag kakakitaan niya, ang alam ko lang ay nag babanda siya. Wala namang masyadong kita ang pag babanda, minsan nga ay hindi pa nga sila binabayaran pero ayos lang sa kanila para makatugtog lang. Magiging sikat sila barang araw.
Kaya hindi ko alam kung saan nang gagaling ang mga perang winawaldas niya sakin, hindi ko alam kung saan niya nadudukot iyon.
Bumitaw ako sa pag kakayakap at ngumiti sa kanya, inabot ko ang kanyang pisngi at hinalikan iyon. ''Kain na tayo? May pasok pa tayo.'' Hinila ko na siya sa kanyang kamay upang pumunta sa dining area, ako na mismo ang nag urong ng upuan niya. Umupo ako at ipinagsandok siya ng pagkain. Nakangiti lang ako habng ginagawa iyon.
''Kumain ka ng marami,''
Sinimulan na naming kumain. Hindi ako mapakali sa kinauupuan ko, dahil noong isang araw pa talagang may gusto akong sabihin sa kanya. Hindi ko alam kung papayagan niya ba ako.
''Ahh, Dani.'' pukaw ko sa kanya.
Tumingin siya sakin. Napalunok ako kahit na magaan naman ang tingin na ibinibigay niya sakin.
''May gusto sana akong sabihin sayo, actually nong isang araw pa.'' Napakagat ako ng labi.
Tinaasan niya ako ng isang kilang Nag tatanong.
''P-Pwede ba akong mag trabaho?'' halos mapangiwi na ako pag katapo kong sabihin iyon, alangan na alangan talaga akong sabihin sa kanya iyon dahil alam kong hindi niya ako papayagan.
''Umiling siya, ''No.'' pinal niyang sambit.
Napabitiw ako sa kurbyertos at humawak sa mga kamay niya. ''Please? Payagan mo na ko. Dyaan lang naman sa tapat ng university, sa may cafe? Malapit lang naman. Part time job lang naman.''
Hindi siya nag salitaat nakatingin lang sakin. Hiyang hiyang n kasi ako sa kanya, at hindi ko na ata makakaya ang kahihayan ko kung hanggang ngayon ay hahayaan kong pagkagastusan niya ko. Sinisingil na kasi ako ng tuition fee noong nakaraan, dahil private ang unibersidad na pinasukan ko ay malaki laki iyon. Kailangan ko na talagang kumayod.
Nag mamakaawa along tumingin sa kanya. ''Dani . . . please.''
Bumuga siya ng hangin at nag salita, ''Ayoko, lalo na sa mga restaurant or any cafe na malapit sa university natin, Ele. Alam mo naman na kahit burado na ang video at napatahimik ko na rin si Hera ay hindi pa rin maalis-alis ang usapan satin. Please. Pakinggan mo naman ako, ayoko lang na mapahamak ka.''
Napanguso ako. ''Edi sa iba na lang, sa malayo sa university? Ayos na ba?'' Pinag taasan ko siya ng kilay.
Umiling siya. ''Still no, Eleir.'' Mas nanulis ang nguso ko noong binagnggit niya ang buo kong pangalan, pag ganito siya ay seryoso siya.
''Hiyang-hiya na kasi ako sayo Dani, hindi naman ako papayag na sayo na lang lahat ang hirap! Ayoko! Mag tatrabaho ko. Sa ayaw o sa gusto mo.'' pag pupumilit ko. Hindi niya alam na hindi pa ako nakakabayad ng tuition fee, okay sana kung matalino ko para makakuha ako ng scholar kaso nung nagpaulan ata ng kabobohan sa langit ay ako na ang sumalo lahat.
Bumuntong hininga siya. ''Hindi, lunukin mo yang hiya mo. Ako ng bahala sa lahat.''
Tiningnan ko siya ng masama, para din naman sa kanya itong ginagawa ko. Ayoko natalagang umasa nalang sa kanya, ayokong nakadepende nalang ako sa kanya. Hindi kinakaya ng balat ko.
Lagi nalang siya ang nasusunod nitong mga nakaraang araw.
Tumayo ako. ''Ayoko na.'' Tinalikuran ko siya.
Naramdaman ko naman ang pag habol niya sakin at hinigit niya ako sa aking braso upang maiharap ako. Gulat at sakit ang bumabalatay sa kanyang mga mata. ''A-Anong ayaw mo na?'' pumiyok ang kanyang boses.
BINABASA MO ANG
Under the Moonlight:Hideous Trilogy#2 [ON GOING]
RomantizmEleir Cameno is a fat woman, nakipag hiwalay sa kanya ang kanyang kasintahan at ipinag palit siya sa kaibigan niya. Nang dahil doon ay nasabi niya sa kanyang sarili na hindi na siya mag titiwala pa. But Dani Nkivor Salazar came into her life, ginul...