20

91 6 3
                                    

Gustong-gusto

Hinimas niya ang likod ko at ulo, kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko. . . Katulad noong una ko siyang nakita, ay gano'n pa rin ang pakiramdam.

Humikbi ako at inalis ang pagkakabaon ng mukha ko sa kan'yang malapad na dibdib. Sinalubong ko ang kanyang mga matang punong puno ng pag aalala para sa akin.

Hinawi niya ang buhok kong nakahuladlad sa mukha ko, inipit niya iyon sa aking tainga at hinimas ng aking pisngi.

"Anong nangyari, huh?" muling tanong niya sa akin.

Nag tiim ang labi ko at pinunasan ko ang aking mga luha at tumingin ng diretsyo sa kanyang mga mata.

"A-Ayoko munang umuwi sa'min, Dani. Kahit isang gabi lang, kailangan ko munang makapag isip isip. . ." salat na salat ang pag mamakaawa sa aking boses.

Nagpakawala siya ng buntong hininga at marahang tumango sa akin. "You can stay in my condo for a while." tila nakahinga ako ng malalim dahil sa kanyang sinabi. Walang buhay akong ngumiti sa kanya.

Hindi ko talaga alam kung saan ako pupunta ngayong gabi, kaya nag papasalamat ako ng halik kay Dani dahil bigla siyang sumulpot. Minsan pala ay nakakatulong ang pagiging kabute niya.

Iminuwestra niya sa'kin ang van na binabaan niya, bigla akong nilamon ng hiya noong nandoon pala ang mga kabanda niya. Nakabukas ang pinto ng van kaya alam kong nakita nila ang pagyakap ko kay Dani.

Nasalubong ko ang tingin ng bokalista niya, Heaven ang pangalan. Marahan siyang ngumiti sa akin, hindi ko nagawang suklian ang ngiti niya. Hindi ko alam kung bakit mayroon sa dibdib ko na naiinis sa kanya, inis ba talaga ito o pagkaselos?

Nag iwas ako ng tingin sa kanya ngunit nahuli pa rin ng aking mga mata ang pag nguso niya at pag yuko niya dahil sa ginawa ko, tila napahiya. Bigla akong nakaramdam nang konsensya.

Nawaglit ang konsensya kong iyon ng may sumakop nag aking palad. Napatingin ako kay Dani. "Tara na?" aniya at marahang hinigpitan ang pagkakahawak sa akin. Hindi iyon sobrang higpit, may halong pag iingat pa rin iyon.

Lumunok ako, "Sige."

Hinila na niya ako at pinasakay sa van, napaupo ako sa tabi ni Heaven, agad akong napatingin sa kanya noong napansin kong nakayuko pa rin siya hanggang ngayon habang pinag lalaruan niya ang kanyang mga daliri.

Naramdaman kong tumabi sa akin si Dani at tumungo ang pinto, sinyales na sumara na ito.

Muling nabuhay ang konsensya ko para sa kanya, nag mukha sigurong sinungitan ko siya kanina.

"Uh, h-hi?" patanong na sabi ko. Naiilang siyang tumingin sa akin, "Hello. . ."

Mag lapat ang labi ko. Nag aalangan akong inilahad ang kamay ko sa kanya, "I'm Ele, Heaven di'ba?" patungkol ko sa kan'yang pangalan.

"Oo," aniya at tipid na ngumiti sa akin.

Hindi ko alam kung paano ko siya sisimulang kausapin, mukhang mahiyain siya kaya nakakapag takang ang isang mahiyain na babae ay naging bokalista. Mahirap iyon para sa sitwasyon niya. Mahirap mag adjust.

"Hi!" boritong boses ang lumamon sa aking pandinig. Galing iyon sa likurang upuan, tumingin ako doon at sumalubong sa akin ang gwapong mukha ni Firro, mukha din siyang may lahi ngunit hindi ko masabi kung ano. Kapansin pansin ang papuso niyang labi, na nababagay sa maganda niyang ngipin.

Nakalahad ang kamay niya sa akin kaya walang pag aalinlangan ko iyong tinanggap, samantalang tila may nanunusok na tingin mula sa gilid ko at alam ko kung kanino galing iyon, dinagundong ang dibdib ko ngunit agad kong pinalis ang reaksyon na iyon.

Under the Moonlight:Hideous Trilogy#2 [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon