Tinalikuran.
"NANADYA ka ba ha? Kuya?" pagsita ko sa kanya.
Tumingin siya sakin at pinag taasan ako ng kilay, agad akong napatingin sa kanyang kulay dagat na mga mata.
Para kasi siyang nang-iinis, hindi ba halatang umiiyak ako? Tapos magpapatugtog siya ng ganyan?
Ipapaubaya... Ipauubaya ko ba si Grei kay Hera? Kaya ko ba siyang ipaubaya? Kaya ko ba?
"Pinagsasabi mo?" nakataas pa rin ang kanyang kaliwang kilay, tila takang taka. Napabusangot ako dahil sa sinagot niya, gusto ko tuloy humagulgol nalang. Pwede bang huwag muna ngayon? Bakit ba sunod-sunod ang nagpapa inis sa akin?
Hinawi ko ang aking mga luha sa aking pisngi at pinukol ko siya ng matalim na tingin, "Wala,"sagot ko. Tumingin ako sa harapan at napabuga ng hangin. Ele, hindi mo siya kilala, hindi niya kasalanan kaya chill ka lang. Niyakap ko ang aking mga tuhod at itinukod doon ang aking baba. Hindi pa rin umaalis sa tabi ko ang lalaki at ang kanyang kulay asul at magagandang uri ng mga mata ay naka tingin sa maliwanag na buwan.
"Ang ganda ng buwan no?" mutawi niya habang hindi pinipigtas ang tingin doon. Inalis ko ang pagkakayukod ng aking baba sa aking tuhod at tumingala rin ako sa bilog na buwan. Buong buo ito at tila binibighani ako sa liwanag at ganda nito.
Tumango lang ako bilang sagot sa kaniya at hindi na nagsalita pa.
"Heartbroken?" muli siyang nag salita. Doon na ako nag baba ng tingin sa kanya at hindi ko inaasahan na titingin din siya sa akin.
Umiwas ako ng tingin, kahit madilim at tanging liwanag lang ng buwan ang kumakain sa buong paligid ay nakikita ko pa rin kung gaano nakakabighani ang kulay asul niyang mga mata.
"Porket ba umiiyak ay brokenhearted agad?Hindi ba pwedeng nag iinarte lang?" narinig ko siyang tumawa kaya muli kong naibalik ang aking tingin sa kanya. Umiiling iling ito habang natatawa. Tila isang nakakatawang bagay ang aking sinabi.
Bakit? Totoo naman ah? Hindi lahat ng umiiyak ay broken, yung iba gusto lang mag senti.
"So? Nag iinarte ka lang?" nakahawak pa siya sa kanyang panga at yumuyugyog ang kanyang mga balikat.
Umiwas ako ng tingin at muling tumingin sa harapan, "H-Hindi," napapikit ako ng mariin. Bakit ko ba kinakausap ang lalaking ito? Hindi ko naman siya kilala at wala naman siyang maitutulong sa pagkadurog ko ngayon.
"Kung hindi, edi brokenhearted ka." pinal na anya, tila nahuli na ako.
Napangiwi ako, "Oo na kuya, tama ka na. Brokenhearted na kung brokenhearted. Tsk!" binubunot bunot ko ang mga damo sa aking harapan at doon inilalabas ang pagkainis. Hindi ba pwedeng ako nalang mag isa dito? Para naman mailabas ko 'yong sakit.
"Pwede kang mag kwento. Hindi mo naman ako kilala at hindi rin kita mahuhusgahan. Masarap may kakwentuhan sa mga ganyang usapan." ang tono niya ay mahinahon at hindi ko alam kung bakit naka ramdam ako ng hindi ako nag iisa.
Muli kong itinigil ang aking paningin sa buwan, " Yung gagong 'yon, iniwan nalang ako at pinagpalit ako sa kaibigan ko." tumingin ako sa kanya,"Ang gago diba?" tanong ko at siya namang tinanguan niya.
"Ang gago nga," sumulyap siya sakin at muling tumingin sa buwan,"Tuloy ang kwento," humalakhak siya. Napailing ako at napangisi, ang buong akala ko ay buong gabi akong iiyak pero bakit ang nangyayari ay parang nakikipag kwentuhan lang ako sa kanto?
"Pinipilit niya akong maging mapayat... Ikinahihiya niya ako, ang gago niya." pag rarant ko pa. Para akong tinusok ng isang daang kutsilyo sa dibdib ng maalala iyon. Kung paano lumulukot ang mukha ni Grei sa tuwing nadadagdagan ang timbang ko, kung paano siya naiinis pag pinagtatawanan siya ng kanyang mga barkada.
BINABASA MO ANG
Under the Moonlight:Hideous Trilogy#2 [ON GOING]
RomanceEleir Cameno is a fat woman, nakipag hiwalay sa kanya ang kanyang kasintahan at ipinag palit siya sa kaibigan niya. Nang dahil doon ay nasabi niya sa kanyang sarili na hindi na siya mag titiwala pa. But Dani Nkivor Salazar came into her life, ginul...