41

39 2 0
                                    

Client

Iniwan ko siyang mag isa doon dahil hindi ko na kaya pang mag tagal pa ng ilang minuto pa, sumisikip ang simoy ng hangin na para bang pinag iiwanan ako ng hininga.

Ayoko ring mahalata niya na hanggang ngayon ay may malaking epekto pa rin siya sa 'kin.

Alam ko naman na noon pa ay darating ang panahon na ito, tinanggap ko na noon pa, tinanggap ko na ang magiging bunga ng dati kong desisyon.

Agad akong sumakay sa sasakyan ko at pinaandar iyon, hindi ko na alam kung saan ako patungo, sinisikil ang dibdib ko ng hapdi. Nabibingi ako at paulit-ulit sa aking tainga ang mga kataga niya kanina.

Dapat wala na, eh. Dapat hindi na 'ko nasasaktan! sampung taon na ang nakalipas, ngunit bakit nandito pa rin ako? Ni pakiramdam ko kahit kaunti hindi man lang ako naka-ahon sa kan'ya.

Isang kahibangan ba na may parte sa 'kin na umaasa pa? Na umaasa pang pwede kaming dalawa? Kahit na sinampal na ako ngayon ng katotohanan na kasal na siya? Kasal na siya sa babaeng kung saan ko siya ibinigay.

Hindi ko na napansin na nakarating na pala ako sa apartment ko kung saan ako tumutuloy ngayon.Wala ako sa 'king sarili noong bumaba ako ng sasakyan. Alam kong luhaan ang aking mga mata at ayoko nito! Ayoko  na hanggang ngayon ay mahina pa rin ako.

Sa dami na nang nag bago sa 'kin ay iisa lang ang naiwan . . . siya, ang dahilan kung bakit ako lumaban.

Nang makapasok ako sa loob ng apartment ay agad akong napaupo sa sofa, tumama ang aking mga mata sa litrato naming dalawa na naka sabit sa pader.

Ang mga mata ko doon ay puno ng buhay, hindi katulad ngayon na may itinatagong kalungkutan.

Kinabukasan ay pinilit kong iwaksi ang kalungkutang iyon, pinilit kong ingiti ang mga labi ko. Ang laki na nang kasinungalingan ko sa sarili ko, parang hindi ko na kilala pa . . .

Normal na araw para sa trabaho ko iyon, mag a-assist ng mga pasahero, mag dadala ng pagkain at kailangan ay hindi ka mawalan ng ngiti sa labi.

Alas dos ng hapon ay kakalapag lamang ng eroplano, at plano ko sanang dumeretso na sa apartment ko dahil guato kong mag pahinga, pakiramdam ko kasi ay pigang-piga ang utak at katawan ko sa pagod.

Ngunit hindi natuloy ang plano kong iyon ng may biglang tumawag sa telepono ko. Kahit unknown number ang nakalagay ay sinagot ko pa rin.

"Hello? This is Ele Cameno, who's this?"

"Hello, Ele! Si Sunshine 'to, uhm. Busy ka ba ngayon?" nangangapa ang kanyang boses.

"Hindi naman," sabi ko.

"Great! Pwede ba tayong mag kita ngayon? Gusto ko lang na mag bond tayong dalawa, matagal din akong nawala, so . . . gusto ko sanang lumabas tayong dalawa ngayon."

"Sure, itext mo na lang sa 'kin yung location."

Pagkabigay sakin ni Sunshine kung saan kami mag kikita ay agad na akong nag drive papunta doon. Isa 'yong restaurant, medyo malayo kaya medyo natagalan ako.

Pagkarating ko sa lugar ay agad na akong pumasok doon, ngunit pwes na si Sunshine ang aking makita ay si Dani ang aking namataan.

Huminto ako sa paglalakad at biglang nag alinlangan kung tutuloy pa ba ako. Kita ko sa kanyang mukha ang kanyang pagkainip, medyo magkasalubong ang kanyang mga kilay. Tumitingin tingin siya sa kanyang relong pambisig na tila inip na inip.

Huminga ako ng malalim, baka nag kakamali lang ako. Baka may katagpo talaga siya rito.

Ngunit agad na pinutol ng isang mensahe ang binubuo ko sa aking loob.

From Sunshine: I'm sorry, hindi kita mapupuntahan ngayon. May biglang nangyari, at hindi ako maka alis dito. I'm so sorry, Ele. Babawi ako.

Huminga ako ng malalim upang pakalmahin ang sarili ko, hindi ko alam ang dapat kong maramdaman. Hindi ko alam kung nananadya ba si Sunshine o totoo ang sinasabi niya.

Nang mag taas ako ng paningin ay agad tumama ito sa kulay karagatang mga mata. Biglang kumabog ng malakas ang dibdib ko, ito na naman ang emosyong hindi ko makontrol kontrol.

Pinagtaasan niya ako ng kilay. Nag tataka.

Kahit nanginginig ang aking mga binti ay pinilit kong lumapit sa kanyang lamesa, at habang ginagawa ko iyon ay hindi mapigtas pigtas ang seryosong mga tingin na ibinibigay niya sakin.

Nang makarating ako sa kanyang harapan ay hindi muna ako umupo, nakakainis dahil hindi ako makatingin ng diretsyo sa mga mata niya. Masyado iyong seryoso, sinasakal ako.

Nakahalukipkip siya habang nakasandal sa upuan, mariin akong tinititigan.

"Ikaw ba 'yung sinasabing client ko?" naramdaman ko ang kalamigan sa boses niya.

Nabigla ako sa kanyang tanong. Anong client na sinasabi niya? Wala akong kaalam alam sa tinutumpak niya.

"H-Ha? Ano?" nahihiwagaang tanong ko.

Umingos siya ngunit hindi nagbago ang kanyang emosyon.

Sinulyapan niya ang upuang nasa aking harapan, hudyat iyon na umupo ako. Kaya agaran akong umupo.

Pagkatapos niyon ay pormal niyang inilagay ang kanyang kamay sa ibabaw ng lamesa.

Itinaas niya ang isa niyang kamay upang mag tawag ng waiter.

Pagrating ng pagkain ay muli niya akong dinikdik sa kanyang paninitig.

"Kailan sisimulan ang project?" pormal niyang tanong.

Bahagyang kumunot ang noo ko. "Ano bang tinutumpak mo?"

Nagkibit balikat siya. "Well, ang sabi ni Sunshine kanina ay may client daw akong kikitain ngayon."

Bumagsak ang aking panga dahil sa nalaman. Sinet up talaga kami ni Sunshine!

Nalukot ang aking mukha, nakakaramdan na rin ako ng hiya dahil alam kong nag hintay siya kanina dito dahil may inaasahan siyang client.

Huminga ako ng malalim, tutal naman ay nag hahanap pa rin ako ng magaing na arkitekto para sa ipapagawa kong bahay ay pwede naman siya na lang ang kunin ko. Tutal naman ay alam ko ang mga works niya, magaling si Danu sa larangang ito.

"Well, oo," mahina kong ani.

"Hm, kailan sisimulan?" tanong niya.

Nag likot ang aking mga mata, hindi talaga ako mapakali sa mga titig niya.

Pinilit kong ngumiti. "Siguro next month? Mag hahanap pa kasi ako ng engineer."

Marahan siyang tumango. "Don't worry, I will take care of that. I know a good engineer."

"Okay. Uhm, siguro kukunin ko nalang yung calling card mo, para sa susunod na meeting natin . . ." pahina nang pahina ang aking boses.

May hinugot siya sa bulsa ng kanyang pantalon at hindi ko maiwasang hindi pagmasdan ang singsing na nasa kanyang daliri. May pait akong nalasan.

Kinuha niya sa wallet niyang isang calling card at inilapag niya 'yon sa mesa.

"This is my calling card, tawagan mo na lang ako sa susunod na meeting natin."

"U-Uh, sige," sabi ko habang dinadampot ang card sa lamesa.

Binalot kami ng katahimikan ngunit agad niyang niwasak iyon.

"I will go now. I still have a meeting to attend." Tumayo siya kaya natataranta naman akong tumayo.

Inabot niya ang kanyang kamay sakin. Agad ko namang inabot iyon, hindi alintanang kanina pa pala nanlalamig ang aking kamay.

"I am happy to work with you. Miss Cameno."

________________

Hello! Ang tagal ko bago makapag update, 2 weeks 🤣 malapit ng matapos 'to, kaunting kembot na lang talaga.

Under the Moonlight:Hideous Trilogy#2 [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon