Desisyon.
"Malapit na ang graduation ko." Isiniksik niya ang kanyang mukha sa leeg ko, kaya tumatama ang mainit niyang hininga sa balat ko.
Nakaramdam ako ng pait sa 'king labi, ilang gabi akong binagabag ng mga sinabi sa 'kin ni Nayya ng huli naming pag uusap.
Napapikit ako ng mariin noong muling bumalik sa isip ko 'yon.
Humalukipkip siya sa aking harapan at tinitigan ako ng mariin na para bang may gustong ipaintindi sa 'kin.
Muli na naman siyang pumunta dito sa cafe para kausapin ako.
Binasa ko ang pang ibabang labi ko. "Ano na naman bang kailangan mo, Nayya?" sabi ko habang tamad na nakatingin sa kanya.
Inalis niya ang tingin sa 'kin at tumingin labas ng salamin.
"Hindi na 'ko mag papaligoy-ligoy pa," sabi niya at tumingin sa 'kin. Umayos siya ng upo.
"Alam ko naman kung ano talaga ang sadya mo. Kaya bago ka pa mag salita ay sasabihin ko sayong wala kang magagawa." Nag salubong ang kilay ko habang nag sasalita.
Ngumisi siya, "Talaga? Kahit sabihin ko sayo na dito niya lang makakamit ang tanging pangarap niya? Oh! Come on, Ele! Don't be so selfish." Mas lalong lumaki ang ngisi niya.
"Hindi ako makasarili, Nayya. Tingnan mo ang sarili mo at baka para sayo ang salitang iyon," sabi ko.
Tumawa siya. "Siguro nga selfish ako, pero inaamin ko 'yon sa sarili ko. I don't like Dani, you know. All i want is my Inherance. All my life, Ele, itinaya ko ang buhay ko dito. At si Dani lang ang kailangan ko para matapos na ang pag durusa ko." pumait ang kanyang boses.
Kumuyom ang kamao ko. "Huwag mo ng guluhin si Dani, Nayya. Hindi ikaw ang kailangan niya. Kundi ako . . . Ako ang kailangan niya." tinigasan ko ang tinig ko.
"Paano mo nasisigurong ikaw talaga ang kailangan niya?" mapag laro ang tinig niya.
Tumingin ako ng diretsyo sa kanyang mga mata at nag salita, "Anong ibig mong sabihin?"
Umiling siya habang nangingisi. Tumayo siya at inilapit ang mukha sa 'kin upang bumeso. Nabigla ako kaya hindi na 'ko nakapag pa.
Bago niya ilayo ang kanyang mukha sa 'kin ay binulungan niya ako, "Hindi lahat ng pinag kakatiwalaan mo, totoo sayo." Tumuwid siya ng tayo.
Maaliwas ang mukha niya akong tinitigan. "I gotta go! Bye!"
Nang mawala na siya sa paningin ko ay nalunod ang isip ko sa mga maraming isipin, anong ibig niyang sabihin noong bumulong siya?
Ang gusto niya bang iparating sa 'kin ay hindi totoo sa 'kin si Dani?
Napangisi ako.
Gusto talagang lasunin ng babaeng iyon ang utak ko, para makuha niya na ang gusto niya. Napaka makasarili.
Pero hindi ko pa rin maiwasang mabagabag, nakakain ako ng mga salita niya. Alam kong hindi dapat pero hindi ko pa rin talaga mapigilan ang sarili ko.
Kahit na ayokong pumapasok iyon sa isipan ko ay bigla bigla ko na lang naaalala ang mga salita niya. Parang lason itong unti unting pumapatay sa pag titiwala ko.
Bumalik ako sa katinuan noong naramdaman kong kinagat ni Dani ng bahagya ang aking leeg. Napasinghap ako sa ginawa niya.
"Ano ba, Dani . . ."
Tumawa siya at umahon sa pagkakabaon sa leeg ko. "Ang lalim ng iniisip mo. Hmm? Care to tell me?" walang kasing lambing ang boses niya.
Humawak ako sa veranda at tumingin sa buwan na kalahati lamang ngayon. Naramdaman kong tumingin din siya roon.
BINABASA MO ANG
Under the Moonlight:Hideous Trilogy#2 [ON GOING]
RomantikEleir Cameno is a fat woman, nakipag hiwalay sa kanya ang kanyang kasintahan at ipinag palit siya sa kaibigan niya. Nang dahil doon ay nasabi niya sa kanyang sarili na hindi na siya mag titiwala pa. But Dani Nkivor Salazar came into her life, ginul...