Tutulungan.
Halos gusto ko na siyang sabunutan noong tumama ang paningin ko sa kanyang mukha na nakasimangot. Lagi na lang nangiinis ang lalaking ito! syaka yung halik!? aksidente 'yon! hindi ko sinadya! dapat nga ako ang umasal ng ganyan, parang siya ang dehado, ah!
Hinila ko ang upuan at pinanlisikan siya ng mata ngunit agad niya iyon hinila pabalik sa kanya. Tagisan ng tingin.
Anong problema mo!?
Bumuntong hininga siya at binitawan ang upuan, tila sumusuko na. "Sige Upo ka na, nag bibiro lang naman ako."at ngumiti siya.
"Psh."asik ko at umupo, nang hahaba ang nguso ko habang nakaupo. Nanatili lang siyang nakatayo sa aking gilid at ang kanyang mga kamay ay naka hawak sa sandalan ng upuan ko.
Umakyat na ang principal sa state at bumati. Sobrang tagal niyang mag salita ay halos antukin na ako, nagising lang ang katinuan ko noong may inabot sa akin si Dani na fish ball. Napakunot ang noo ko habang naka tingin sa isang cup ng fishball, dahan dahan kong dinala ang aking paningin sa kanyang mukha. Nakababa ang paningin niya sa akin habang ngumunguya siya.
"Oh, kumain ka ng hindi ka antukin."pormal na aniya. Tila parang close kaming dalawa.
Muli akong napatingin sa fish ball na hawak niya at napalunok. Marahan kong kinuha sa kanyang kamay iyon at nakita ko pa sa gilid ng aking mata ang kanyang matagumpay na ngisi, dahilan kung bakit muli kong ibinalik sa kaniya iyon. "Ayoko niyan."aniya ko. Mukha kasing may inilagay siya dito, nakaka demonyo yung ngisi niya.
Umawang ang kanyang manipis at mamula mulang labi. "Bakit? kinuha mo na nga e." aniya.
Napangiwi ako. "Baka mamaya may inilagay ka dyan, kaya huwag na." mas lalong umawang ang kanyang labi. "At saan mo naman nakuha yan?"tanong niya.
Nag iwas ako ng tingin sa tanong niya. "Wala, nakakademonyo kasi yung ngisi mo." at narinig ko na Lamang ang halakhak niya kaya napabalik ang aking paningin sa kanyang mukha. "Tinatawa tawa mo?"taas kilay na tanong ko.
Nag isang guhit ang kanyang labi na tila pinipigilan ang kanyang pag tawa. "Wala,"aniya at hindi na nagsalita pa hanggang sa matapos na sa pag sasalita ang Dean sa harapan. May gaganapin daw na pageant at sa bawat major daw ay dapat na may kalahok. Wala naman akong pakialam doon, hindi naman ako manonood at kung sa kaling manood man ako ay alam ko sa sarili kong tutubuan lang ako ng insecurities. Kaya huwag na.
Mabuti nalang at matiwasay ang naging buong mag hapon ko dahil sa maghapong iyon ay walang Dani'ng nang iinis, masaya na sana ang buong araw ko ngunit noong naka sakay na ako sa jeep ay nagulat na lamang ako noong bigla siyang sumakay at tumabi sa akin. Nanlalaki ang aking mga mata habang nakatingin sa pawisang Mukha niya. Tumingin siya sa akin ang ngumiti. "Wooh, buti umabot. Ang akala ko iniwan mo na ko."aniya.
Napakunot ang noo ko sa kanyang dahil pawis na pawis siya. "Bakit pawis na pawis ka?"nag tatakang taong ko.
"Galing akong music room, tapos pumunta ako ng room niyong pero wala ka 'ron. Mabuti nalang naabutan ko 'tong jeep." napaawang ang labi dahil sa sagot niya.
"Dani, bakit mo ba to ginagawa? anong meron ah?" takang taka na tanong ko. Ano ba talagang nasa utak ng lalaking ito.
Umiwas siya ng tingin at hindi na nag salita pa. Hindi ko na siya kinausap at hindi ko alam kung bakit ako nakakaramdam ng pag kailang.
Nang nasa kanto na kami ay sabay kaming bumaba at katulad ng lagi niyang ginagawa ay ginulo niya ang buhok ko na siyang ikinabusangot ko naman.
Nang nakapag pasalamat ako sa kanya ay tinalikuran ko na siya. Hindi ko alam kung anong intensyon niya, kung anong trip niya sa buhay at ginagawa niya ito.
BINABASA MO ANG
Under the Moonlight:Hideous Trilogy#2 [ON GOING]
RomanceEleir Cameno is a fat woman, nakipag hiwalay sa kanya ang kanyang kasintahan at ipinag palit siya sa kaibigan niya. Nang dahil doon ay nasabi niya sa kanyang sarili na hindi na siya mag titiwala pa. But Dani Nkivor Salazar came into her life, ginul...