03

78 8 1
                                    

Lumipat.

Ngumiti siya sakin at kumaway,tipid na tipid ang aking ngiti dahil ramdam na ramdam ko pa 'rin ang hapdi sa aking dibdib.Pumasok ako doon at wala sanang balak na tumabi sa kanya ngunit bigla niya akong tinawag.

"Miss!"anya niya habang kumakaway sa akin.Hindi ko alam kung paano makikipag usap dahil pakiramdam ko ay dinudurog ako ng paunti-unti dahil sa ginawa ni Grei sakin kanina.Tumingin ako sa kanya at nagdalawang isip pa ako kung lalapit ba o hindi, ngunit natagpuan ko na lamang ang aking sarili na naka-upo sa katapat niyang upuan.Malaki ang ngiti niya sa akin. Ang kanyang kulay asul na mga mata ay puno ng galak.

"Diyan ka'ba nag-aaral?"tanong niya.

Tumango ako at ngumiti"ikaw ba?"patungkol ko kung saan siya nag-aaral.

Umiling siya at tinawag ang waiter"Sa San Nicolas University ako, graduating ng architecture."ngumiti lamang ako ng tipid,hindi ko kayang ngumiti ngayon dahil naaalala ko ang mukha ni Grei kanina sa cafeteria.

Bigla na lamang akong nailang noong hindi niya inalis ang kanyang titig sa akin na tila binabasa ako, naputol lamang iyon ng dumating na ang waiter.Ngumiti siya sa walter at umorder.Nagulat na lamang ako ng pati ako ay dinamay niya doon.Napalunok na lamang ako noong inilapag ng walter ang tatlong klaseng cake sa aking harapan at malamig na chocolate.Matunog ang aking paglunok,naputol ang paninitig ko sa pagkain noong marinig ko siyang tumawa kaya napa-angat ang aking tingin sa kanya.

"Anong nakakatawa?"umiling siya at sinabing kumain na lamang kami.Agad akong sumubo doon at napapikit nalang sa sarap noong namuot sa aking dila ang lasa.

"Bakit ba lagi tayong nag kikita?"pabirong anya ko.

"Hmm?ba'ka destiny?"humalakhak siya.

Napangiwi ako, gusto ko sana siyang irapan.

"Luh?ba't ang sama ng mukha mo?hindi ka na lugi sakin."doon na ako napairap,may kahambugan din pala ang isang ito.

"Hambog ka rin no?"biro ko.

"Hindi ako hambog,sadyang honest lang ako. "tumaas ang sulok ng kanyang labi.

Noong natapos na kaming kumain ay babayaran ko sana siya ngunit agad siyang tumanggi.Nilunok ko na lamang ang hiya ko dahil sayang din iyon.

Inihatid niya ako hanggang gate ng unibersidad,tinanaw ko pa siya hanggang sa makasakay siya sa kanyang sasakyan. Nang tumalikod na ako syaka ko lamang naalala na hindi ko pa pala naitatanong ang kanyang pangalan.

Mabuti na lamang ay wala akong klase, naglalakad ako ng makasalubong ko ang dalawa. Nakaakbay si Grei sa kanya. Napatigil sila ngunit ako na mismo ang lumampas sa kanilang dalawa.

Ako ang inaakbayan niya dati, ako ang kasakasama niya dati, masaya siya tuwing kasama ako dati.

Dati iyon Ele...

Ang hapdi ay dahang dahang gumapang papunta sa aking dibdib.Pumikit ako upang pigilang mapaluha.

Dumiretso na ako sa room at umupo agad ako sa upuan. Hinihiling ko na sana mayroon akong kaibigan na mapag ka katiwalaan...o kaya ko pa bang magtiwala pagkatapos ng ginawa nila sa akin?

Nagbukas ako ng facebook at agad na bumungad sa akin ang relationship status ng dalawa.Nanginginig ang kamay kong pinatay ang aking cellphone.Hindi na talaga nila ako nirespeto man lang...kahit iyon lang. Kung umasta si Grei ay parang wala kaming pinagsamahan...parang hindi niya ako minahal...o minahal niya nga ba ako?

Lahat nang tanong iyon ay paikot-ikot sa utak ko, paikot ikot na parang sirang plaka.Kahit na dumating na ang professor namin ay hindi pa rin mawala sa isip ko ang mga tanong na iyon. Hanggang sa mag-uwian na ay akupado pa rin ng mga tanong iyon ang isipan ko, para akong lumulutang sa sakit na hindi ko alam kung kailan ako maka-bababa.

Under the Moonlight:Hideous Trilogy#2 [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon