34

29 2 0
                                    

Komplikado.

"Bumalik ka . . ." mahina ang boses niya at tila may dinadamdam, napakagat ako ng labi dahil ramdam ko ang pag iinit ng aking mata.

Mas lalo siyang gumitgit sa 'kin, tumatama ang mainit niyang hininga sa mukha ko.

"A-Akala ko, a-akala-shit. Hindi ba 'to panaginip?" Dumilat siya at pinag katutugan ako sa mga mata. Dahil sobrang lapit namin sa isa't isa ay kitang kita ko ang bughaw niyang mga mata. Basa ang kanyang mapipilantik na pilikmata, tanda na umiiyak siya.

"Hindi, hindi 'to panaginip. Pasensya na, pasensya na dahil naging padalos dalos na naman ako. Ni hindi ko man lang pinakinggan ng mabuti ang paliwanag mo, naging sarado 'ko. I'm sorry, d-dahil nag papadala na naman ako sa emosyon ko at alam kong hindi dapat 'yon." Tigmak ang luha ko habang nakatanaw ako sa mga mata niya.

Mali, maling mali na nag padala ako sa emosyon ko, nakakainis dahil ito na naman ako. Sinusunod ang utos ng utak ko, dapat nag tiwala ako sa kanya, dapat inalam ko muna ang side niya bago mag desisyon. Mahirap pala mag desisyon ng padalos dalos at halos 'di man lang pinag isipan. Dahil sa huli ay mag sisisi ka na mali ang pinili mong desisyon.

Totoo nga na ang malaki mong kalaban ay ang sarili mo.

Binitawan niya ang mag kabilang pisngi ko at sumusob siya sa aking leeg. Naramdaman ko agad ang pag kabasa ng balat ko doon dahil sa luha niya.

"T-Tangina . . . Natakot ako, e. Sobrang natakot ako. Na paano kung 'di ka maniwala sa mga paliwang ko? H-Hindi ko ata makakaya." Yumakap siya ng mahigpit sa 'kin na para bang ano mang oras ay mawawala ako sa tabi niya.

Gumanti ako ng yakap sa kanya. "Oo na . . . Hindi na, promise. H-Hinding hindi na." Kumawala ako sa pag kakayakap sa kanya at muli siyang tinitigan sa mga mata.

" 'Wag ka na ngang umiyak d'yan. Ang panget mo palang mag senti, 'di bagay sayo." Pabiro akong tumawa at pinunasan ang luha niya.

"Kalalaki mong tao, iyakin ka." Ngumisi ako, hinawakan ko ang biceps niya. "Tingnan mo nga, oh. Kabrusko mong lalaki, ta's iiyak ka ng ganyan?"

Bigla akong nailang noong 'di man lang siya nag salita o nag pakita man lang ng emosyon, sa pag kakataong ito ay seryoso na ang kanyang anyo.

Napalunok ako ng ng tama ang aming mga mata, bahagyang mag kasalubong ang makakapal niyang kilay. Seryoso ang bughaw niyang mga mata habang nakatingin sa 'kin.

"Kung ikaw ang iiyakan, wala na 'kong pakialam." Malagom ang kanyang boses na nag pakaba sa 'kin, ngunit sa kabilang banda ay umiinit ang puso ko dahil sa sinabi niya.

Umiwas ako ng tingin, bakit ba ganyan siya makatingin? Parang sinusuri niya ako ng maigi. At naiilang ako sa mga tingin niya, alam ko namang 'di pa kami totally na maayos. Kailangan pa naming mag usap.

''Saan ka natulog kagabi?'' nanantiya ang boses niya.

''Uhm, sa ano . . .'' Teka? Dapat kobang sabihin sa kanya na sa bahay ako ni Erich pumunta?

''Saan?''

Nag tiim ang labi ko, ''Sa bahay ng kaklase ko.'' mahinang sabi ko.

Pinaningkitan niya ako ng mga mata. ''Sinong kaklase?''

''Kay Erich.''

Naging normal ang kanyang anyo at tumayo. ''Ok,'' tipid na sabi niya. Napatingala ako sa kanya dahil sa tangkad niyang taglay. Pumunta siya sa kusina at nangalkal doon.

''Kumain ka na ba?'' mababaw ang kanyang pag sasalita, na mas lalong nag pakapal ng pag kailang ko sa kanya. May mali, may mali talaga.

Sinundan ko siya sa kusina at tinitigan ang kanyang likod. Pinapainit niya ang kawali at tila hindi ako napapansin.

Under the Moonlight:Hideous Trilogy#2 [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon