Last time
Buong araw ay masama ang timpla ko, mabuti na lang at wala akong flight ngayon.
Siraulong Dani yon!
Sa sobrang gigil ko sa kanya ay parang gusto ko siyang sapakin! Ang kapal ng mukha niyang sabihing pagkakamali lang ang nangyari samin! Pero bakit iba ang naramdaman ko habang ginagawa namin iyon? Iba ang ipinaramdam niya sakin.
Ang alam ko ay may concert sila ngayon. Pupunta ako doon para maningil, hindi ata ako matatahimik hanggat hindi ko nababangasan ang mukha ng lalaking iyon!
Manhid!
Alas sais palang ng hapon ay umalis na ko sa apartment para pumunta sa concert ng Thunderknight kahit na 10 pm ang simula ng concert.
Nakasuot ako ng sexy backless na hapit na hapit sa katawan ko, kitang kita ang hubog nito. Bagay na bagay kulay pula nitong tela sa suot kong puting high heels.
I feel confident.
Nakalugay ang mahaba kong buhok na abot hanggang baywang.
Tinext ko si Ramiel kung gusto niyang sumama, mabuti na lang at libre siya. Nagkita kami sa isang cafe, sa kotse niya na lang ako sumakay dahil wala ako sa hulong nag drive, nag commute lang ako papunta sa cafe.
"Hello, gorgeous," mapaglaro ang boses ni Ramiel noong sumakay ako. May nakapaskil na ngisi sa labi niya.
Nawala ang ngisi niya ng nakitang nakasimangot pa rin ako.
"Bakit masama ata ang timpla ng kamahalan ngayon? May problema ba?" Tiningnan niya kong mabuti, hindi niya pa inistart ang sasakyan.
Mabigat akong bumuntong hininga, paniguradong magkasalungat na magkasalungat ang mga kilay ko.
Pumikit ako ng mariin at noong dumilat ako ay tumingin ako sa kanyang gwapong mukha.
"Miel, anong gagawin o mararamdaman mo kung sinabi ng taong gusto mo na wala lang sa kanya ang nangyari sa inyo?" ramdam ko pa rin ang pag ngingitngit ng aking mga ngipin.
Pag naaalala ko ang sulat na bumungad sakin kanina ay parang gusto kong sumabog sa inis!
Bakit ko ba hinayaan ang lalaking iyon na makuha ulit ako!? Ang tanga tanga ko sa part na 'yon! Gago siya, ginawa niya akong parausan!
Nanliit ang mga mata ni Ramiel, tila inuusig ako.
"Don't tell me nakipag sex ka?" walang prenong tanong niya. May halong gulat sa kanyang tono.
Nag init ang pisngi ko, bigla akong nahiya.
"H-Hindi ako, ah! Y-Yung kaibigan ko yon! Oo iyon!" nagkanda utal utal ako sa pagsagot.
Ngumisi siya ng malaki. "Oh, com'on ako lang naman ang kaibigan mo, huwag ka ng magsinungaling. Huli na kita." humagikgik siya.
Bumuga ako ng hangin. "Hindi nga ako 'yon, okay?"
Ngumuso siya ngunit naka ngisi pa rin ang loko. "Okay? Eh, bakit parang triggered ka?"
Mas lalong nag init ang pisngi ko.
"Kalimutan mo na nga yung tanong ko, tara na nga." pag iiba ko ng usapan.
Narinig ko ang mahina niyang pagtawa habang binubuhay ang makina.
Maya maya lang ay nag salita siya, "Kung wala lang sa kanya ang nangyari sa 'min? Siguro masasaktan ako, natural lang 'yon dahil parang pinaasa niya 'ko. Pero kung wala lang sa kanya yon, ibig sabihin wala siyang nararamdaman para sakin, kaya titigilan ko na siya," mahabang aniya.
BINABASA MO ANG
Under the Moonlight:Hideous Trilogy#2 [ON GOING]
RomanceEleir Cameno is a fat woman, nakipag hiwalay sa kanya ang kanyang kasintahan at ipinag palit siya sa kaibigan niya. Nang dahil doon ay nasabi niya sa kanyang sarili na hindi na siya mag titiwala pa. But Dani Nkivor Salazar came into her life, ginul...