Buwan at Bituin
Nalulunod ako sa kan'yang asul na mga mata. Nagulat ako sa tanong niya kaya hindi agad ako nakasagot.
Umiling siya at umiwas ng tingin.
"Nevermind," aniya.
Kinikinita ko sa kan'yang mukha ang dipaggusto. May pait akong nalasahan dahil sa ipinapakita niyang reaksyon.
"Tumawag si—— Ele?" Naputol ang pagkatitig ko sa mukha ni Dani dahil may nagsalita mula sa aking likod. Lumabas sa restroom.
Sa boses niya pa lang ay kilala ko na. Ang kanyang awra ay pamilyar na pamilyar sa 'kin.
Ang pait na nalalasahan ko kanina sa aking bibig ay mas lalong lumala, tila may kumabig sa dibdib ko na hindi ko maipaliwanag.
Hindi ko maiwasang hindi mapatingin sa aking likod kung saan nang gagaling ang boses na iyon. Kitang-kita ko sa magagandang uri ng mga mata ng babae ang pagkagulat.
Kahit na ayoko, ay hindi ko maiwasang hindi ikumpara ang sarili ko sa kanya, naiinis ako sa sarili ko dahil ipinangako ko sa 'king sarili na dapat hindi na 'ko mainggit sa iba. Pero ano itong nararamdaman ko ngayon?
Mas lalong hinubog ng panahon ang kagandahan niya, ang maalon-alon niyang buhok dati ay naka ayos na ngayon. Mas lalo rin siyang tumangkad, mas lalong naging maldita ang kanyang dating ngunit hindi pa rin naaalis doon ang pagiging sopistikada niya.
Ang porselana niyang balat ay tila pinaliguan sa gatas sa sobrang ganda. Dahil sa suot niyang bistida ay makikita mo kung gaano kaganda ang pagkahubog ng kanyang katawan.
Inaamin ko. Naiinggit ako.
Hindi pa rin mawala-wala ang pagkagulat sa mukha ni Sunshine nang niyakap niya ako ng mahigpit. Tila natulos ako sa kinatatayuan ko kaya hindi na 'ko nakaganti pa ng yakap sa kanya hanggang sa pakawalan na niya 'ko.
"Oh my god, Ele! I miss you! I didn't expect to see you. By the way, how are you?" nag hahalo ang pagkalambing at excitement sa kanyang boses. Hawak-hawak niya pa ang kamay ko habang nag sasalita.
Pasimple akong mag iwas ng tingin dahil ayokong mabasa niya sa mga mata ko ang pait doon.
"Ayos lang . . . Ako rin, h-hindi ko inaasahan . . ." Sumulyap ako sa lalaking matiim ang titig sa aming dalawa ngayon ni Sunshine, pahina nang pahina ang boses ko.
Kumuyom ang panga ng lalaking nag tataglay nang asul na mga mata. Pairap siyang umiwas ng tingin. Inis na inis sa 'kin.
Anong nangyari sa 'yo? Bakit naging gan'yan ka . . . ? Bakit ang sakit-sakit mo nang tingnan ngayon?
Tumingin ako kay Sunshine noong kinuha niya ang atensyon ko sa pamamagitan ng pagpapalupot ng braso niya sa braso ko.
"Ang tagal na nating hindi nagkita. Gusto kong makakwentuhan ka. Teka? Saan ba 'yung lamesa mo? Pwede ba kaming makisalo na lang ni Dani? May kasama ka ba?" sunod sunod na tanong ni Sunshine.
"No. Let her be, Sun. There are many more chance for you to talk, we can only disturb her," matalas niyang anya.
Timingin sa kanya ang babae na may nag papaawang reaksyon. "Pretty please? Hm?"
Bago pa sumagot si Dani ay inunahan ko na siyang magsalita.
"Ah, Sunshine. May kasama kasi ako? Siguro sa susunod na araw na lang. If, free ka." nag aalangan ang aking boses. Baka maoffend ko siya dahil tila gustong gusto niya akong makakwentuhan.
Nawala ang pagkaka excite sa mukha niya, ngunit agad namang ngumiti.
"Gano'n ba? Sayang naman. Sige, pwede bang pahingi ng contact number mo?"
BINABASA MO ANG
Under the Moonlight:Hideous Trilogy#2 [ON GOING]
RomanceEleir Cameno is a fat woman, nakipag hiwalay sa kanya ang kanyang kasintahan at ipinag palit siya sa kaibigan niya. Nang dahil doon ay nasabi niya sa kanyang sarili na hindi na siya mag titiwala pa. But Dani Nkivor Salazar came into her life, ginul...