Dagat na mga mata
Nag iinit ang aking magkabilang pisngi ng lagpasan niya ako.
Bakit ko naman kasi inisip na sinusundan niya ako?at bakit niya ako susundan di'ba? hay Ele!napaka inggrata mo.
Nagmamadali akong pumasok sa classroom at pabarag na inilagay ang aking bag sa upuan,umupo ako at humalukipkip.
Naiinis ako sa kanya at mas lalong naiinis ako sa sarili ko!
Akala pa naman noong una ay mabait siya,ayon pala ay katulad din siya ng iba na titingnan at bubuyuin ako.Hindi rin pala siya naiiba...animal,tsk.
Nakabusangot ako hanggang sa matapos ang unang professor ko.Hindi ko talaga mapigilan hindi pakuluan ng dugo dahil ang pinaka ayaw ko sa lahat ay yung tinatawag akong 'mataba'dahil alam na alam ko na iyon, hindi na kailangang ipangalandakan pa sa pamumukha ko.
Hanggang sa mag break na ay salubong na salubong pa rin ang aking kilay.
Dahil gusto kong magpalamig ng aking ulo ay napagdesisyunan kong tumambay sa rooftop.Bumili muna ako ng makakain sa cafeteria.Habang bitbit ko ang mga maraming pagkaing dala ko ay naglalakad ako sa corridor.Hindi ko naman naiwasang hindi pakinggan ang naguusap na babae na aking nadaanan.
"Na-expelled si Erica,ah?"sabi ng babaeng maiksi ang buhok.
"Hindi ba siya yung cheerdancer?naka away ni Ramirez kahapon 'yon,ah?"sabi noong pandak na babae.
"Lagi naman nakaka-away ni Ramirez 'yon.Si Ramirez pa talaga tinira,eh malakas kapit non sa university."napakunot ang noo ko.Sinong Ramirez? cheerdancer?hindi ba iyon yung naka away namin ni Sunshine kahapon?
Pero posible rin namang hindi siya iyon.Maraming cheerdancer dito.
Nagkibit balikat na lamang ako at pinagpatuloy ang paglalakad.
Pagkarating ko sa rooftop ay malamig na hangin ang bumungad sa akin.Nanunuot sa aking balat ang lamig nito.Marahan akong pumikit at lumanghap ng hangin.
Nanatili akong nakapikit ng may marinig akong tunog ng gitara.Tamang tama ito sa lamig ng boses ng kumakanta.
Teka?kumakanta?
When I see your face
There's not a thing that I would change.Hindi ko idinilat ang aking mga mata,pinakikinggan ko ng mabuti ang kanyang malamig na boses.Bagay na bagay ito sa gitara.Marahan ang pagpitik niya sa mga string na sumasabay sa kanyang boses.
'Cause you're amazing
Just the way you are
And when you smile
The whole world stops and stares for a while
'Cause girl, you're amazing
Just the way you are
Yeah.Sumasabay sa simoy ng hangin ang boses niya.Ang kaninang pagkapahiya at inis ko ay biglang nalusaw.
Her lips, her lips
I could kiss them all day if she'd let me.
Her laugh, her laugh
She hates, but I think it's so sexy
She's so beautiful and I tell her everydayWhen I see your face
There's not a thing that I would change
'Cause you're amazing
Just the way you are
And when you smile
The whole world stops and stares for a while
'Cause girl, you're amazing
Just the way you areThe way you are
The way you are
Girl, you're amazing
Just the way you are.Marahan akong nagmulat ng mga mata at agad nitong nasalo ang animoy dagat na mga mata.Biglang nanlaki ang mga mata ko dahil sa pagkabigla.
BINABASA MO ANG
Under the Moonlight:Hideous Trilogy#2 [ON GOING]
RomansaEleir Cameno is a fat woman, nakipag hiwalay sa kanya ang kanyang kasintahan at ipinag palit siya sa kaibigan niya. Nang dahil doon ay nasabi niya sa kanyang sarili na hindi na siya mag titiwala pa. But Dani Nkivor Salazar came into her life, ginul...