02

79 9 0
                                    

Nauna na.

MABIGAT ang dibdib ko habang tanaw-tanaw si Hera na papalayo sa akin.Bakit ganoon?bakit niya nagawa sa akin lahat ng iyon?sa pagkakatanda ko ay wala akong ginawang masama sa kanya.Unti unting nag-init ang magkabilang gilid ng aking mga mata at natagpuan ko nalang ang sarili na yumuyugyog na pala ang aking balikat.

Kapatid ang turing ko sa kanya,ngunit bakit mukhang hindi niya nakita 'yon?

Suminghap ako nang hangin upang pigilan ang aking mga luha,ngunit wala rin iyong nagawa dahil naiiyak pa rin ako.Hindi na ako naka kain at pumunta na lamang sa kwarto.

Ngayong araw...dalawang tao ang nawala sa buhay ko.Dalawang taong minahal ko ng lubos,pero sinaktan lamang nila ako.

Handa naman akong tanggapin si Hera basta't mag paliwanag siya at bigyan niya ako ng panahon para makapag isip-isip,ngunit hindi niya ginawa...ang mas malala pa ay hindi niya ako tinuring na kaibigan.

Humiga ako sa kama at nagtalukbong ng kumot.Buong gabi akong umiiyak at nasa ganoong kalagayan,ni hindi na ako nakaligo at nakakain dahil sa sobrang sakit.Tinraydor ako ng dalawang taong mahal ko,tinalikuran at ginawang tanga.

Papasikat na ang araw pero ito ako,patuloy pa ring lumuluha habang naka tingin sa dingding ng aking kwarto.Kung hindi pa kakatok si Dada sa pinto ay hindi ko pa ma-mamalayan na umaga na pala at kailangan kong gumayak at pumasok sa kursong hindi ko naman gusto.

Dahil sa katabaang ito ay pati ang pangarap ko ay hindi ko makuha,hindi ko maabot.Ni hindi ko man lang maisip na naka suot ako ng pang flight attendant dahil sa taba ko.

"Ele?gising ka'na ba?gumayak ka na,nagluto na ako.Bumaba ka nalang ah?" anya ni Dada sa labas ng aking pinto.

"Nandyan na po," matamlay na sagot ko sa kanya.Tumayo na ako kahit sobrang bigat talaga ng dibdib ko,and gusto ko na lamang ay humiga buong araw sa kama at umiyak ng umiyak,gusto ko munang ilabas ang lahat ng sama ng loob ko bago ko sila harapin,ngunit hindi pupwede.Kailangan kong pumasok dahil doon na lamang ako bumabawi,hindi ako magaling sa academics,accountancy ang aking kurso ngunit hindi ko talaga ito gusto.

Gumayak na ako at bago ako lumabas ng pinto ng kwarto ay nagbuga muna ako ng hangin bago pihitin ang saradura nito,ngumiti ako dahil ayokong makita ni Dada na nalulungkot ako,ayokong mag-alala siya sa akin.Dahil alam kong marami 'rin siyang problema at ayoko ng dumagdag pa.

"Ele,halika na.Kain na tayo." nag-aayos ng hapag kainan si Dada ng lumabas ako.Mas nilakihan ko pa ang aking pagkakangiti,kahit na salungat iyon sa aking nararamdaman.

"Ang bango naman 'yan Da! the best ka talaga,maganda ka na,magaling ka pang magluto." sinubukan kong paga-anin ang aking nararamdaman sa pamamagitan nito.Mabuti na lamang ay nilagyan ko ng maraming concealer ang ilalim ng mata ko,kung kayat hindi niya napansin ang pangingitim nito.

Umupo na ako at nagningning ang aking mga mata ng makita ang mga pagkain sa lamesa,kumalam ang sikmura ko dahil kagabi pa nga pala ako hindi pa kumakain.

Mas mabuti pang dito ko na lamang ibuhos sa pag kain ang lahat ng sama ng loob kaysa sa umiyak.

Kumuha ako ng maraming kanin at ulam,halos gabundok na ang nilagay ko.

"Hay na'ko,matagal ko ng alam na maganda ko,etchos kang bata ka.Gusto mo lang ata ng dagdag baon!"biro niya habang natatawa.

Tumingin ako sa kanya na nasa aking harapan"Pwede ba?"ngumisi ako.

Ngumuwi siya"Ano namang ipangbibili mo ri'ne ha?"

"Pagkain." sabay kaming humagikgik.

"Sige mamaya,tapusin mo muna 'yang pagkain mo.Nasa harapan mo na ang pagkain,tapos pag kain na naman yang nasa isip mo." sinasabi niya iyon habang sinasandukan pa ako ng kanin kahit punong puno na ang pinggan ko.

Under the Moonlight:Hideous Trilogy#2 [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon