18

61 5 0
                                    

Pag baliktad ng mundo

Hindi ako makagalaw at tila nawala ako sa tamang wisyo dahil sa kan'yang sinabi. A-Ano raw? Sisiguraduhin niyang malulunod ako sa kan'ya? Nasisiraan na ba siya ng bait!?

Tinatagan ko ang aking sarili at tumingin sa kan'yang mga matang seryoso ngunit may halo iyong emosyon na hindi ko maipaliwanag kung ano.

Lumunok ako at nag ipon ako ng lakas upang maitulak siya palayo. Kung ayon ang kondisyon niya ay ba'ka hindi na ako makaahon pa! Alam kong matagal ang proseso nang pag papayat ko kaya hindi ako papayag sa gusto niya!

Umawang ang kaniyang labi dahil sa aking ginawa, gulat na gulat ang kan'yang mukha at kahit na madilim ay hindi pa rin nakatakas sa aking paningin ang pag kislap nang sakit sa kaniyang mal dagat na mga mata.

Nang dahil doon ay napaiwas ako ng tingin.

"Ele—," asta siyang mag sasalita ngunit agad ko na siyang pinutol. Pinukol ko siya nang masamang tingin, "Layuan mo na ko Dani, huwag mo na akong kakausapin. Please, nakikiusap ako sayo." hindi ko alam kung bakit nanginginig ang aking boses habang isinasatinig ng mga katagang iyon. Dahil ba ito sa pakiusap? Sa pang hihinayang? Sa gigil? O sa sakit. . . ?

Namaywang siya at hinilot ang pagitan ng kaniyang mga mata, tila sumasakit ang ulo at hindi mang sink in sa kaniya ang mga sinabi ko. Kalaunan ay tumawa siya ng mapakla.

Muntik na akong mapag igtad noong nagbalik siya ng tingin sa akin, "Bakit pakiramdam ko gustong - gusto mo na kong mabura sa buhay mo?" at tumingin siya sa kan'yang kaliwa at umulbok ang pisngi niya.

Natigagal ako sa kan'yang sinabi. Nasaktan ko ba siya nang sobra? Pero ito lang ang paraan na nakikita ko para hindi tuluyang malunod sa taong ito.
  
Napayuko ako.

Kinagat ko ang loob ng aking pisngi. Hindi ko alam ang sasabihin ko, napupuno ng konsensya ang sistema ko.

"Bakit ba pasukan kayo nang pasukan sa buhay ko kung may plano din pala kayong umalis? Darn it." napatingin ako ng diretso sa kan'ya noong may pait akong nakapa sa kan'yang boses.

Pinigilan kong huwag mag - init ang sulok ng aking mga mata. Nahigit ko ang aking hininga noong sinalubong niya ang mata ko. Mamula mula ito at tila kanina niya pa pinipigilang huwag maiyak. Ang dating mamula mula niyang pisngi ay sobrang pula na ngayon hanggang sa kan'yang leeg.

"P-Pati ba naman ikaw?" gumaralgal ang kan'yang boses.

Hindi ko alam kung bakit may nag tulak sa'kin na talikuran siya at tumakbo papalayo sa kaniya. Ramdam na ramdam ko ang pag tulo ng taksil kong mga luha sa aking pisngi.

I'm so sorry. . .

Naninikip ang dibdib ko bawat hakbang na ginagawa ko. Atomong tumingin sa kaniya, ayoko.

Buhat nang araw na iyon ay muli akong nauwi sa pakiramdam na mag - isa lamang ako, lalo na ngayon na hindi ko na masyadong nakakausap si Dada at hindi ko alam kung ano ang pinag kakaabalahan niya sa probinsya.

It's been 3 weeks  buhat noong tinalikuran ko si Dani at sa tuwing mag kakasalubong ang mga mata namin ay nakakapanginig ang lamig nito. Umaasta siyang hindi niya ako kilala, umaasta siya na katulad ng hiniling ko sa kaniya. . .

Ito ang hiniling ko di'ba? Pero bakit nasasaktan ako ngayon?

Pero sa loob ng tatlong linggong iyon ay wala pa rin siyang paltos na mag iwan ng pagkain sa loob ng locker ko. At sa tuwing lunch o break naman ay magugulat na lamang akong may magdadala sa akin ng sandamakmak na pagkain sa lamesa ko, sa tuwing tumitingin ako sa lamesa nang mga kabanda niya ay umiiwas siya ng tingin at tila hindi ako nakita. Katulad ngayon. . .

Under the Moonlight:Hideous Trilogy#2 [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon