26

52 5 0
                                        

Deeply

Iniwas ni Sunshine ang tingin niya doon at tumingin sa 'kin, ngumiti siya sa 'kin, katulad ng ibinibigay niyang mga ngiti sa 'kin dati sa t'wing mag kakausap kaming dalawa. Hindi ko naman nararamdamang peke ang pag ngiti niyang iyon. Tunay at puro.

Gumanti ako ng ngiti sa kanya. Mali ngang pag selosan ko ang babaeng ito, hindi tama, hindi dapat siya madamay sa mga insecurities ko sa katawan. Wala naman siyang ginagawang masama kaya hindi talaga tama na tingnan ko siya nang ganoon. 

Ngumiti sa 'kin si Dani. ''Kanina ka pa?'' Umiling ako sa tanong niya. Ito na naman iyong pakiramdam na para akong nahuhumotismo sa ngiti niya. 

''Kakarating ko lang, mag sisimula na ba kayo?'' tanong ko.

Tumango siya at tumingin kay Sunsine. ''Gusto niyo bang sa back stage nalang?'' Sabay kaming umiling ni Sunshine. Hiniklat ni Sunshine ang isa kong kamay para mapatabi ako sa kanya, nagulat ako sa kanyang ginawa. 

Nag taas siya ng isang kilay kay Dani. ''Yung ganitong kagandang girlfriend dapat ipinapakita sa tao Mr. Salazar, hindi itinatago.'' Umirap siya kay Dani.  Napanguso ang lalaki at hinawakan niya ang libre kong kamay. 

''Paano kung may lumapit d'yan na lalaki? Ha? Hindi ako mag dadalawang isip na bumaba ng stage at sapakin 'yung gunggong na 'yon.'' Kumuyom ang kanyang panga.Napangiwi ako dahil sa kanyang sinabi. Imposibleng may lumapit sa 'kin.

inalis ko ang pag kakahawak sa 'kin ni Dani at kinurot siya sa kanyang tagiliran. ''Huwag ka ngang OA d'yan.'' nakangiwing anya ko.

 Mas lalo siyang napanguso, hindi mawala wala sa mukha ko ang pag kangiwi. Narinig ko ang mahinang pag tawa ni Sunshine. ''Huwag mong masyadong higpitan 'yan, sige ka. Ba 'ka kumawala sayo 'yan, ikaw rin.'' Kumindat siya kay Dani at muli akong hinigit papunta sa kanyan tabi. 

''Tsk, kaya ko nga hihigpitan para hindi kumawala sa 'kin.'' Umirap siya kay Sunshie at nag baba siya ng tingin sa akin. '' 'Di ba? Kakawala ka ba?'' Natakataas ang kanyang kilay habang nag tatanong sa 'kin. 

Ningiwian ko siya. ''Bakit? Gusto mo bang kumawala ako sayo?'' Numisi ako, '' . . . pwede naman.'' pag papatuloy ko sa aking sinasabi.

Nanlaki ang kanyang asul na mga mata. ''No, fucking way.'' Umiling siya na tila biglang natakot. 

Sabay kaming natawa ni Sunshine dahil sa kanyang reaksyon, maya-maya lamang ay tinawag na siya ni Drix para mag practice saglit. Nag paalam siya sa aming dalawa ni Sunshine at bago siya tuluyang lumisan ay pinatakan niya munaako ng halik sa aking noo.

Ramdam ko ang pag iwas ng tingin sa amin ni Sunshine, gusto ko sanang iiwas ang noo ko kay Dani dahil nasa harapan namin ang babae ngunit ba 'ka naman mag tampo ang isang ito. Matampuhin pa naman.

Hinla na ako ni Sunshine sa isang vacant seat sa harapan ng stage. Unti-unti na ring nag sisidatingan ang mga tao sa bar, hanggang sa mapuno na ito. Mabuti na lamang na maaga akong pumunta.

Pabilog ang upuang inakupa namin ni Sunshine, maya maya lamang ay may nag baba ng alak sa lamesa namin kaya napatingi ako kay Sunshine. Umorder pala siya?

Ngumiti siya sa 'kin at inabutan ako ng isang lady's drink. Hindi naman malakas ang tama niyon kaya tinanggap ko na rin. 

Dalawang minuto ang lumipas bago lumabas ang banda sa stage, parang sinisilaban ang puwetan ko dahil sa pag ka excite na mapanood silang mag perform. Agad kong kinuha ang ginawa kong tarpaulin at itinapat iyon sa stage. Narinig ko ang pag singhap ni Sunshine dahil sa pag kamangha.

''Grabe, Ele! Effort, ah? Matutuwa si Dani niyan.'' wala akong nakakapang pag uuyam sa kanyang boses. Tumingin ako sa kanya at malaki siyang ningitian.

May mukha ni Dani ang tarpaulin at may naka lettering doon na Mi Love.

Under the Moonlight:Hideous Trilogy#2 [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon