Like
Natameme ako sa kanyang sinabi. Ano daw?
Bigla niyang ginulo ang aking buhok at tumawa. Sinanggi ko ang kanyang braso upang maalis sa aking ulo.
"Sinungaling," sinangga ko ang kanyang braso at nilagpasan. Napaungol naman ang lalaki dahil sa sakit.
"Bagay sayo yan, sinungaling ka. Psh."paangil kong ani.
Kahit nakatalikod na ako sa kanya at naramdaman ko pa rin ang malaki niyang ngisi.
"Mas bagay tayo,"napakunok ako dahil sa kanyang sinabi. Haharapin ko na sana siya noong nakita ko na lamang siya na naglalakad palayo.
Nababaliw na ba 'yon?
Hindi mo ako makukuha sa matatamis mong salita!
Ang dami talagang sinungaling na mga lalaki, bakit hindi pa sila maubos? magagaling lang sa simula, nakakairita sa huli.
Inirapan ko ang kanyang likod.Pababa siya ngayon ng hagdan at ako nama'y paakyat.
Marami pa ring tumitingin at umiiwas sa akin tuwing nakakasalubong ako dahil na rin siguro sa aking katabaan. Pero hindi ko na lamang sila pinapansin.
Pagkapasok ko ay natamaan ng aking paningin si Erich na nakadukdok sa kanyang desk at nakatakip ang kanyang buhok sa kanyang mukha. Mapanuring hininga ako, dapat na akong kasama sa kanya hindi ba? dahil lagi naman siyang ganyan. Kung hindi natutulog ay naka earpods naman at mukhang walang pakialam sa paligid. Hindi ko rin alam kung bakit inihatid niya ako kahapon, naaawa ba siya sa akin? dahil kung naaawa siya sa akin ay ayokong tanggapin iyon, ayokong kinakaawaan ako ng ibang tao.
Hinihiling ko na sana ay hindi niya narinig ang pag aaway namin kahapon sa bahay dahil wala akong mukhang ihaharap sa kanya, ayokong malaman ng ibang tao na magulo ang pamilya namin.
Inalis ko ang tingin sa kanya at umupo na sa aking upuan. Nangalumbaba ako at tumingin sa labas ng pinto ng marinig ko siyang mag salita.
"Ayoko na..." napakunot ang aking noo at tumingin sa aking likod kung nasaan siya. Tulog pa rin siya noong tiningnan ko.
Akmang hahawakan ko sana ang kanyang balikat upang gisingin ng dahan dahan niyang idinilat ang kanyang mga mata. Hindi ko alam ngunit kumislap ito, dahil lang ba sa araw... o umiiyak siya?
Dumaan ang tingin niya sakin at umayos siya ng upo. Umiwas siya ng tingin at kinuha ang kanyang earpods at inilagay ito sa kanyang tenga. Pagkatapos ay humalukipkip siya at sumandal sa upuan at pumikit. Nag isang guhit ang aking labi at inalis ang tingin sa kanya.
Ayos lang kaya siya?
Nang dumating na ang professor namin ay umayos na ako ng upo. Kahit anong pilit ko ay wala akong maintindihan sa mga sinasabi ng babaeng professor na ito.
Sa kalagitnaan ng pagsasalita niya sa gitna ay may kumatok sa pinto. Dahil nasa gilid ako ng pinto ay unang pumasada ang aking paningin mula sa kanyang paa, pataas. Bumungad sa akin ang kanyang kulay asul na mga mata na naka tingin sa akin habang siya ay naka ngiti. Pinagtaasan ko siya ng kilay, nagtataka.
Inalis niya ang tingin sa akin ng tawagin siya ng professor ko.
"What do you need Mr. Salazar?" professor.
Pumasok si Dani sa loob at sa bawat hakbang niya ay tumutunog ang takong ng kanyang sapatos, ramdam na randam ko naman na pigil na pigil ang tili ng mga kababaihan dito.
May dala dala siyang mga papel at inilagay niya iyon sa teacher desk.
"Pinabibigay po ni Professor Herrera," at ningitian niya ito.
BINABASA MO ANG
Under the Moonlight:Hideous Trilogy#2 [ON GOING]
RomanceEleir Cameno is a fat woman, nakipag hiwalay sa kanya ang kanyang kasintahan at ipinag palit siya sa kaibigan niya. Nang dahil doon ay nasabi niya sa kanyang sarili na hindi na siya mag titiwala pa. But Dani Nkivor Salazar came into her life, ginul...