Pagkaila.
HINDI ko alam ang dapat kong maramdaman, nakokonsensya ako, nakokonsensya ako dahil pakiramdam ko'y nagkasal ako kay Dani. hindi dapat ginawa ni Grei iyon, lalong lalo na at may relasyon silang dalawa ni Hera, ayoko ring mapalapit akong muli kanya, tama na ang isang beses na ginulo niya ang buhay ko.
Kung ano man ang dahilan niya ay ayoko nang alamin pa, at wala rin naman akong pakialam. Wala akong pakialam sa kanilang dalawa ni Hera.
Siguro'y gusto niya lamang akong pangtripang muli, gusto niya talaga akong nakikitang nasasaktan. Hindi pa ba siya masaya sa lahat ng nagawa niya sa akin?
Hindi ko naman ginusto na halikan ako ni Grei, kaya bakit ako makakaramdam ng konsensya? Hindi dapat, dahil wala namang dahilan.
Tumingin ako kay Dani na ngayon ay nakanguso na habang nakatingin sa harapan, nakahawak siya sa manubela. Hindi ko maiwasang hindi mapangiti dahil para siyang batang inagawan ng candy sa kanto, ang mamula-mula niyang pisngi ay mas lalong namumula ngayon.
Hindi ko alam kung bakit lagi siyang namumula sa t'wing nagtatampo, siguro ay ganoon talaga siya.
"Woi." pagtawag pansin ko sa kan 'ya.
Sumulyap siya akin. "Ano?'' At muli niyag ibinalik ang tingin sa harapan.Nag-tatampo nga ang damuho.
"Pst! Damuho!" Lihim akong napangiti noong nagtagumpay akong makatingin siya sa akin.
"Paki-ulit nga 'yung tinawag mo sa 'kin?" Nanliit ang kanyang mata, kinagat ko ang loob ng aking pisngi upang hindi matawa. Mukha talaga siyang bata sa t'wing namumula siya.
"Bakit? Totoo namang damuho ka di 'ba?" mapaglaro ang aking tono.
Kinilabutan ako noong biglang umangat ang sulok ng kanyang labi. Alam ko ng may kalokohan na naman na tumatakbo sa isip niya!
Napaurong ang aking ulo noong inilapit niya ang kanyang mukha sa mukha ko, sinasabi ko na nga ba't!
"Gaano ba ako kadamuho? Hmm?" may laman ang kanyang boses.
Bakit ba masyadong naging pilyo ang lalaking ito? Hindi naman siya ganito dati!
Ganyan ba tlaga kapag may lahi?
"Can i... kiss you?'' maungas ang kanyang boses.
Namumungay ang kanyang mga mata habang palipat-lipat ang tingin niya sa aking labi't mata.
Napakagat ako sa aking pang ibabang labi dahil sa antipasyon, ang kaninang pag aalinlangan ko ay biglang nalusaw sa kakapiranggot niyang galaw.
Hindi ko na siya sinagot at agad ko nang siniil ng isang banayad na halik ang kanyang labi. Hindi naman ako nabigo dahil agad naman itong sinuklian. Ang kanyang mainit na palad ay marahang humaplos sa aking balikat patungo sa aking batok.
Kapwa naghahabol kami ng hininga noong humiwalay ang kanyang labi sa akin. Ramdam ko ang kanyang hininga na tumatama sa aking tainga.
"Mukhang kaka-adikan ko na ata ang labi mo...'' Naghahabol pa rin siya ng hininga.
Hindi ko maiwasang hindi pag mulahan ng pisngi. Sumosobra na nga sa kapilyuhan ang ang lalaking ito!
Dahil sa sobrang pagkamula ay hindi ko napigilan ang aking kamay na hindi siya kurutinkurutin sa kanyang tagiliran.
Napa angil siya dahil doon. ''Napaka pilyo mo!'' anya ko.''Aray ko naman!'' Hinawakan niya ang parteng kinurot ko. ''Ikaw? Bakit mas lumalala ang pagka amazona mo!?''
Lumaki ang butas ng ilong ko dahil sa pagsigaw niya sa akin. ''Aba, bakit naninigaw ka?'' Nagtaas ako ng kilay sa kanya.
BINABASA MO ANG
Under the Moonlight:Hideous Trilogy#2 [ON GOING]
RomanceEleir Cameno is a fat woman, nakipag hiwalay sa kanya ang kanyang kasintahan at ipinag palit siya sa kaibigan niya. Nang dahil doon ay nasabi niya sa kanyang sarili na hindi na siya mag titiwala pa. But Dani Nkivor Salazar came into her life, ginul...