Mababaw
Iniwan ko siya mag isa doon sa fire exit pag katapos ko ulit siyang sampalin. Ayokong magpadala sa damdamin ko, dahil kapag hinayaan ko ang damdamin ko ang kumontrol sa 'kin ay baka mas lalo akong mabasag.
Mas lalo kong binilisan ang pag hakbang dahil ramdam ko ang kanyang pagsunod sa 'kin. Nang maabutan niya ako ay hinawakan niya ang puso ko upang pigilan. Alam koong ligwak na sa luha ang mga mata ko, at alam kong ganoon rin siya. Tuigil ako sa paglalakad ngunit hindi ako lumingon sa knya. Pakiramdam ko'y napapaso ako sa hawak niya at mas nadadagdagan nito ang sakit na nararamdaman ko kaya tinabig ko 'yon paalis sa kanyang hawak ngunit hindi ako nagtagumpay ng hinigpitan niya ang kapit niya sa 'kin. Ramdam ko ang panginginig niya. Gusto ko siyang saktan ng paulit ulit ngunit nanghihina ako, nanghihina ako sa nalaman kong katotohanan na hindi pala ako iisa sa buhay niya. Pakiramdam ko ay tinraydor na naman ako sa pangatlong beses at ito ata ang pinaka masakit sa lahat.
''S-Saan ka pupunta?'' mahina at nanginginig ang boses niya.
Nanigas ang aking panga, suminghap muna ako ng hangin bago nagsalita. ''Binatawan mo 'ko, Dani.'' mariing sabi ko sa kanya. Piniigilan ko ang sariling paningigan ng boses.
Ayoko ng mahina, ayoko na . . . dahil kapag pinagpatuloy ko pa ang pagiging mahina ay baka mabasag ako ng tuluyan at mawala na ako sa katinuan.
''Hindi. Hindi kita bibitawan.'' Matigas talaga ang ulo ng isang ito, bakit pa nga ba ako nag sabi kung alam ko namang hindi niya susundin?
Mukhang wla talaga siyang balak na pakawan ako kaya wala akong nagawa kung hindi harapin ang mukha niyang ligwak na ligwak sa luha ngayon. Namumula ang mga mata niya, basang-basa ang kanyang pisngi. Pulang pula na rin ang kanyang mukha at lumalabas na rin ang ugat sa leeg niya.
Nag baba ako ng tingin sa sahig. ''Hayaan mo muna 'ko, hayaan mo muna akong makapag isip-isip. Dahil hindi ko alam ang dapat na maramdaman ko. P-Please . . .'' pumiyok ako. Nag taas ako ng tingin sa kanyang mga mata, sinalubong niya ang paningin ko.
''N-No.'' tumigas ang kanyang boses, ''--Dahil alam kong pag hiyaan kita ngayon, hindi mo na 'ko babalikan.'' Nag iwas siya ng tingin sa 'kin.
Umawang ang labi ko dahil sa kanyang sinabi, hindi ko napigilang tumulo ang luha sa 'king pisngi. G-Ganyan ba kababaw ang tingin niya sa pagmamahal ko? G-Ganyan ba? Na hindi ko siya kayang ipaglaban?
Natawa ako ng pagak, pinunasan ko ang mga takas na luha sa 'king pisngi. ''Alam mo? Ngayon ko lang nalaman na ganyan pala kababaw ang tingin mo sa nararamdaman ko para sayo.'' Doon na napabalik ang tingin niya sa 'kin. Dumaan ang pag sisisi sa kanyang mga mata.
Nalilito siyang umiling, ''Hindi gano'n ang ibig kong sabihin, Ele.''
Doon na 'ko napuno. ''Hindi mo sasabi ang mga salitang 'yan kung hindi iyan ang nararamdam mo!''
Pumikit siya at yumuko, umiling siya at hinawakan ang dalawang kamay ko. ''Please . . .''
Nang maramdaman kong lumuwag ang pagkakahawak niya sa 'kin ay marahan kong inalis ang kapit niya sa mga kamay ko. ''Bigyan mo 'ko ng oras.'' Tinalikuran ko na siya at iniwan, hindi na siya nagtangka pang habulin ako.
Pinilit kong tuyuin ang mga luha ko at umalis sa building na iyon. Hindi ko alam kung saan ako pupunta, para akong binagsakan ng langit at lupa habang naglalakad. Ilang beses ko na bang nakita ang sarili na nasa ganitong kalagayan? Pamilyar na sa pakiramdam ko ang ganitong eksena, ang kaso nga lang wala akong malalapitan ngayon. Wala, wala na talagang itinira sa 'kin.
Masakit na ganoon pala ang tingin ni Dani sa 'kin, na agad akong susuko sa kanya. Ang gusto ko lang naman ay makapag isip, sarili ko muna. Kahit ilang araw lang.
Hindi ko na alam kung saan ako dinala ng mga paa ko, namalayan ko na lamang nakatayo na ako sa harapan ng gate ng bahay ni Dada . . .
Bakit ba dito ako dinala ng mga paa ko? Wala naman akong mukhang maihaharap sa kanila kahit na sila ang nagkasala sa 'kin.
Umiling ako sa hangin at ngumisi ng mapait. Walang wala na pala talaga akong makakapitan ngayon.
Mabigat ang aking mga paa noong tinalikuran ko ang bahay na iyon. Muli akong humakbang at hindi ko nanaman alam kung saang lupalop ako dinala ng aking mga paa, natagpuan ko na lang ang sarili ko na patawid ng kalsada at dahil mabagal ang paglalakad ko at wala ako sa sarili ay muntik na akong mabangga ng motor, mabuti na lang at agad itong nakapreno.
Base sa hubog ng katawan ng driver ay alam kong babae ito. Teka? Pamilyar sa 'kin ang motor na ito, ah? Umiling ako, maraming ganyang motor.
Nag tanggal ng helmet ang driver at kahit nilalamon na ng dilim ang paligid ay naaninagan ko pa rin ang kanyang mukha na salat sa emosyon.
''Gabing gabi na.'' tanging sabi niya.
Ngumiti ako ng mapait sa kanya at nag patuloy sa pagtawid ngunit natigilan ako noong nag salita siya. ''Woy,''
Tumigil ako at tuminging muli sa kanya. ''Sakay.'' Bigla niya akong hinagisan ng helmet, mabuti nalang at katulad ng dati ay nasalo ko 'yon. Kahit nalilito ay sumakay ako, pinaandar niya ang motor at pinaharurot ito.
Huminto kami sa isang department store, bumaba siya kaya bumaba rin ako, inalis niya ang helmet at isinabit iyon sa manubela. Ganoon din ang ginawa ko.
Inayos niya ang nagulong buhok at tumingin sa 'kin. ''Tara,'' Hindi na niya ako hinintay at nagpatiuna ng pumasok doon. Agad ko siyang sinundan, kahit kailan talaga ay mabilis siyang maglakad. Parang lalaki lang.
Agad siyang kumuha ng beer in can at binayaran 'yon sa counter. Tinitingnan ko lang ang bawat galaw niya. Matagal na kaming hindi nagkakausap ni Erich dahil parang may sariling mundo ang baae, kung hindi naman siya tulog sa klase ay wala naman siya. Inilalayo niya ang sarili sa tao, wala ring gustong makipag kaibigan sa kanya dahil sa ugali niya.
Lumabas kami ng department store at umakupa ng lamesa doon sa gilid. Nang makaupo ay binuksan niya ang isang beer at binigay niya sa 'kin, agad ko namang tinanggap iyon. ''Salamat,'' Hindi siya sumagot.
Doon siya humarap sa kalsada habang lumalagok, nakadekwatro pa ang kanyang binti. May sarili talagang mundo ang isang 'to.
''Pangarap mo bang mamatay ng maaga?'' bigla siyang nagsalita. Napatingin ako sa kanya, doon lamang siya lumingon sa 'kin.
''Bakit mo naman naitanong 'yan?'' kumunot ang noo ko.
Nag kibit siya ng balikat, ''Wala lang, parang trip ko lang managasa ngayon. Ano? Kakasa ka?'' Hindi ko alam kung nagbibiro siya o ano, wala naman kasing emosyon ang kanyang mukha at hindi ko alam kung ano ang tumatakbo ang isipan niya.
''Ang wirdo mo.'' hindi ko napigilan ang sarili kong hindi magkomento sa ugali niya.
Narinig ko ang kanyang mahinang pagtawa at matunog na pag ngisi. ''Binibiro lang kita.''
Kumibot ang labi ko, ''Nakakatakot kang magbiro.''
Bumukol ang kaliwang pisngi niya habang nakangisi. ''Madalas tinototoo ko ang mga biro ko.''
Lumagok ako ng alak. ''Ngayon lang ako naka encounter ng tao na pwes nakakatawa ang biro, eh, nakakatakot.''
Doon na siya humagalpak ng tawa, inabot niya ang buhok at ginulo ito.
''Namumugto ang mga mata mo.'' Iniwas ko ang tingin sa kanya na para bang maitatago ko pa ang mga mata ko sa kanya.
Binalot kami ng katahimikan, nakatungo na siya habang pinaglalaruan ang alak, iniikot ikot niya iyon ng marahan.
''Anong gagawin mo kung isang araw nalaman mo na lang na hindi ka pala iisa sa buhay ng taong mahal mo?'' pasimple kong tanong sa kanya. Gusto kong malaman kung ano ang gagawin niya kung nangyari sa kanya ang kalagayan ko ngayon.
Tumingin siya sa 'kin ngunit nakatungo pa rin. Umayos siya ng upo at sumandal sa banko. Nilagok niyang lahat ang natitirang alak sa lata at hinagis iyon sa trash bin. ''Depende.'' simpleng sabi niya.
''Depende 'yan sa sitwasyon. Kung kumakapit pa naman siya sa 'kin, edi ipaglalaban ko siya hanggang kamatayan kahit na sobrang sakit ng ginawa niya. Gano'n ang buhay, kailangan mong sumugal para wala kang pagsisihan sa huli, dahil mas masakit na malamang nagkamali ka pala na hindi mo siya ipinaglaban at wala ka ng magagawa kung hindi tanggapin dahil huli kana.
Hindi naman masamang piliin ang bagay na nakakasakit sa 'tin dahil minsan, ito 'yung mga pangyayari na nag bibigay sa 'tin ng malaking aral. Hindi ka naman tatatag kung 'di ka masasaktan. Gano'n din ang isang relasyon, hindi kayo tatatag kung hindi kayo masasaktan. Matatanong mo sa sarili mo kung bakit nangyari ang bagay na 'yon, pero sa pagdaan ang panahon masasagot mo ang tanong mo.'' Tila malalim ang mga pinanghuhugutan niya sa bawat bigkas ng mga salita.
Sinalubong niya ang aking mga mata at pinag krus ang braso niya sa dibdib. ''Ikaw? Anong gagawin mo?''
Napayuko ako. ''Ang gusto ko sana . . . magtago nalang ako sa anino ng sakit, pero dahil nakausap kita, gagawin ko ang gagawin mo.''
Magaan siyang ngumiti sa 'kin.
Tumayo siya mula sa pagkakaupo. ''May mauuwian ka ba ngayon?''
Tumingala ako sa kanya at nagdadalawang isip kung iiling ba o tatango.
Ngunit hindi niya ako hinintay na makasagot. ''Tara,'' Hinawakan niya ang braso ko at tinulungan akong tumayo. Muli kaming sumakay sa motor. Maya-maya lamang ay lumiko kami sa eskinita at inihinto niya ang motor sa tapat ng gate na kulay berde.
Nang makapasok ami sa loo b ay inilibot ko agad ang paningin ko doon. Simple lang at walang masyadong gamit, malinis in ang paligi. Maliit lamang ito at tamang-tama lang para kay Erich. Nangungupahan daw siya at siya lamang ang mag isa dito.
Pinahiram niya ako ng damit para makaligo ako, pag kalabas ko ng banyo ay nakahanda na ang ang panghapunan. Nahihiya naman akong umupo doon.
Tumingin siya sa 'kin habang inaayos ang mga plato. ''Kain na.'' Wala akong ibang nagawa kung hindi lumapit at umupo sa hapagkainan.
''Salamat . . . ako na ang mag huhugas ng pinggan.'' Inilingan niya lamang ako at sinimulan niya ng kumain. Wala kaming kibuan habang kumakain at mas lalo akong naiilang. Pag katapos kumain ay nagpresinta na 'kong alko ang mag huhugas ngunit hindi siya pumayag.
Sa sofa na lamang ako natulog, gusto niya pa sanang ako na lang sa kama at siya ang nasa sofa ngunit ako ng ang hindi pumayag, sobrang nakakahiya na kung ganoon.
Buong gabi kong insip ang dapat kong gawin, kung anong tama at anong makakabuti sa 'ming dalawa. Hindi siya nakapag explain ng maayos sa 'kin kanina dahil pinangunahan ako ng galit.
Tama ang sinabi ni Erich, mahirap ng magsisi sa huli.
Kaya kinabukan ay nag paalam na ako kay Erich na aalis na, todo tanggi ko noong nag presinta siyang ihahatid ako sa condo ngunit hindi ko siya napigilan. Mas okay na 'yon, wala naman akong pamasahe, kakapalan ko na lang ang mukha ko.
Natupi ang labi ko noong nasa harapan na 'ko ng pinto, hindi ko alam kung bubuksan ko ba iyon, nandito pa ba ang babaeng 'yon? Mag kasama kaya sila buong gabi? Ano kaya ang ginawa ni Dani?
Pumikit ako ng mariin at humugot ng lakas para i-enter ang pass code. Agad iyong bumukas at marahan kong binuksan iyon.
Pag kapasok ko ay bumungad sa 'kin ang mabahong amoy ng suka at alak. Inilibot ko ang paningin ko sa buong condo, sobrang gulo, maraming basag na bagay. Marumi rin ang paligid.
Natigil ang paningin ko sa lalaking nakaupo sa sofa at nakabuyangyang ang katawan. May hawak siyang bote ng alak na nangangalahati na ang laman. Sa harapan niya ay nandoon ang lamisita na punong puno ng basyo ng alak.
Nakatingala siya sa kisame habang nakasandal. Mariin ang pagkakapikit ang pagkakapikit ng mga mata niya. Nag tataas baba ang bukol niya sa leeg.
Napabuntong hininga ako at lumamlam ang aking mga mata, lumapit ako sa kanya at lumuhod sa kanyang harapan.Hinawakan ko ang kanyang pisngi upang mabling ang tingin niya sa 'kin. Parang nagising naman siya sa kalasingan at gulat na tumingin sa 'kin. Binitawan niya ang bote ng alak na hawak at ikinulong ang mukha ko sa mainit niyang palad. Pinag dikit niya ang aming noo.
BINABASA MO ANG
Under the Moonlight:Hideous Trilogy#2 [ON GOING]
RomanceEleir Cameno is a fat woman, nakipag hiwalay sa kanya ang kanyang kasintahan at ipinag palit siya sa kaibigan niya. Nang dahil doon ay nasabi niya sa kanyang sarili na hindi na siya mag titiwala pa. But Dani Nkivor Salazar came into her life, ginul...