09

59 9 4
                                    

Madali

Halos maging kutsilyo na ata ang aking mata sa sobrang pagkatalim nito ng tumatawa siyang nilampasan ako.Napabuga ako ng hangin at inayos ang aking buhok.

Wala na nga ang mga senior pero napalitan naman ng isang siraulong Dani Salazar! hindi ko alam ang trip niya, ni hindi konga alam ang nasa isip niya, hindi ko alam kung bakit ang hilig niyang inisin ako.

Napatigil ang ang matalim kong tingin ng padaan si Erich sa aking harapan. Walang emosyon ang mukha nito nang tumama ang tingin niya sa akin.

"Ayos ka lang? pulang pula ka."tanong niya.

Muli akong nag buga ng hangin at pinakalma ang aking sarili.

"Ayos lang ako...uuwi ka na ba?"tanong ko sa kanya.

Inayos niya ang pagkakasukbit ng kanyang nag sa balikat at tumango.

"Oo,"aniya. Binasa ko ang pang ibabang labi ko at pumantay sa kanya sa hagdan, "Pwede sumabay?"tanong ko.

Sabay kaming bumaba nang hagdan at kung mamalasin ka nga naman,ay malayo pa lang ay tanaw na tanaw ko na ang nakakainis na lalaki. Nakikipag tawanan siya sa kabanda niya—Firro ata ang pangalan. Nasa pinaka dulo sila ng corridor at nakasandal silang dalawa doon,wala kaming—akong choice kung hindi dumaan sa gilid nila dahil nasa tabi nila ang hagdan pababa.

Pigil ang hininga ko noong dadaan na kami sa tabi nila, ayokong mapansin niya dahil alam kong may bagong pang aasar na naman siya.

"Pare,wala akong pake."Firro.

"Bakuran agad,"humalakhak si Dani st sinuntok ng pabiro ang braso ni Firro.

Makakahinga na sana ako ng maluwag dahil pahakbang na kami nang hagdan ngunit may sademonyo ata itong si Dani dahil tinawag ako!

"Tabs!mamaya,ah?"tumingin ako sa kanya ng masama.

"Pare, ampanget mo namang bumakod,"humalakhak si Firro.Siniko siya ni Dani.

Napangiwi ako at umiling,tinalikuran ko na sila at sinundan si Erich na nasa baba na pala. Ang bilis talagang mag lakad nang isang iyon, daig pa lalaki.

Nang naabutan ko siya ay halos mawalan na ako ng hininga.

"Ang bilis mo namang mag lakad!" reklamo ko sa kanya.

Hindi niya pinansin ang reklamo ko bagkus iba ang sinabi niya "Sumasakay ka ba sa single?"hindi siya tumitingin sa akin,tuwid pang ang tingin niya sa daan.

"Ha? bakit?"anya ko.

"Ihahatid kita,"doon lamang siya tumingin sa akin, "Baka mahirapan ka na namang sumakay ng trycicle."

Noong mga nakaraang araw kasi ay nahihirapan talaga akong sumakay, atomo na ring dumaan sa eskinitang iyon dahil baka may makita na naman akong nag bubugbugan.

"Huwag na.Kaya ko naman,e."anya ko.

"Tsk,"inirapan niya ako,"Sumabay ka,sasabay ka sakin." Pinal na sabi niya.

Napabuntong hininga ako.

Wala akong nagawa.Natagpuan ko na lamang ang sarili ko na naka sakay sa motor niya, sobrang bilis niyang mag patakbo kaya kapit na kapit ako sa kanyang baywang.

"Erich dahan dahan lang!"

Lumuwag naman ang aking dibdib nang bagalan niya ang pagtakbo.

Itinuro ko sa kanya ang bahay namin. Agad na dinagundong ng kaba ang dibdib ko ng ilang metro palang ay rinig na rinig ko na ang sigawan na nagmumula sa bahay namin.

Nang huminto ay nag aalala akong bumaba ng motor at agad na nag pasalamat kay Erich.

Pagkapasok ko pa lang ay basag basag na mga vase ang bumungad sa akin.

Under the Moonlight:Hideous Trilogy#2 [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon