Palayaw.
Dahil sa sobrang kabang nararamdaman ko ay dumeretso ako sa banyo.Pumasok ako sa isang cubicle doon at umupo sa nakasarang kubeta.Sunod sunod na tumulo ang aking maiinit na luha.Ang Akala ko ay paglumipat ako ng university ay magiging maayos na ako, magiging payapa na ang buhay ko...pero Hindi,nagkamali ako.
Yakap yakap ko ang aking tuhod habang nakayuko doon.Paniguradong aabangan nila ako sa labas...paniguradong bubuyuin nila ako.
Patuloy lamang akong umiiyak doon nang may kumalampag sa pinto kaya napa-angat ang aking tingin doon.
Kumalampag ulit ito dahil sa pagsipa.
"Lumabas ka,"seryoso ang kanyang boses.
Nanlaki ang aking mga mata.
Ang babaeng tumulong sakin!
Napatigaltagal akong binuksan ang pinto,bumungad sakin ang seryoso niyang mukha at ang dumudugo niyang labi.
"Hoy,"unti unti siyang lumapit sakin,napalunok ako.
"B-Bakit?"dibadagundong ng kaba ang dibdib ko.
Pinagliitan niya ako ng mga mata at nakahinga lamang ako ng may matiwasay ng tinalikuran niya ako.Papalabas na sana siya ng pinto ng muli siyang humarap sakin at pinukol ako ng bagot na tingin.Nabigla ako ng may ihagis siya sakin, Tumingin ako doon.
Masanas?
"Kumain ka,"muli Niya akong tinalikuran.
Ngunit bago siya tuluyang lumabas ay may tumatak siyang sinabi sa akin "Huwag na huwag kang magmamaka awa sa mga taong walang kwenta."at tuluyan na siyang lumabas.
Napatulala ako sa sinabi niya at bumagsak ang aking tingin sa mansanas na hawak ko.
Nang matauhan ako Ay kumaripas ako ng takbo upang maabutan siya.Hindi naman ako nabigo dahil nakita ko siyang naglalakad sa hallway.Agad ko siyang tinawag.
"Miss!"ngunit Hindi niya ako pinansin,hindi ko alam ang pangalan niya.
Kaya wala akong nagawa kung hindi tumatakbong lumapit sa kanya at higitin siya sa braso.Hinahabol ko ang ating hininga.
"P-Pwede bang gamutin ko yang sugat mo?"salat sa emosyon ang kanyang mata.Tinitigan niya ako Kaya medyo nakaramdam ako ng pagkailang.
Ngunit dahan dahan siyang tumango.Ngumiti ako sa kanya, kahit ito nalang ang pagsasalamat ko.
"Kumain ka muna, "mahina niyang sabi.
Tinalikuran niya ako at naglakad na,napabuga na lamang ako ng hangin at sumunod na sa kaniya,lakad takbo ang aking ginagawa dahil ang bilis niyang maglakad kaya nahuhuli ako.Napahinto lamang ako noong papalabas na siya ng gate, himinto siya at lumingon sakin na may kunot noo sa kanyang makinis na noo.
"Bakit ka himinto?"tanong niya.Hinahabol ko pa rin ang aking hininga,pakiramdam ko at pinagkakaitan ako ng hangin sa sobrang pagod.
"A-Ano...bakit tayo lalabas?hindi ba pwede sa cafeteria?"lalong nangunot ang kanyang noo dahil sa aking tinanong.
"Alanganamang sa cafeteria tayo?marami ng seniors 'don,tsk."inirapan niya muna ako bago nagpatuloy sa paglalakad.
Napangiwi ako,kung wala lang akong utang na loob sa kanya ay baka sininghalan ko na siya.
Pumasok siya sa isang pizza-han at sumunod na lamang ako sa kaniya.Napapikit ako noong malanghap ko ang masarap na amoy,nanunuot ito sa aking ilong.Bigla akong nakaramdam ng gutom,hindi ako nakakain ng maayos kanina dahil sa mga senior.Hindi ko maintintidan kung bakit ginagawa nila iyon,hindi ba't sila dapat ang matured saming mga junior?hay,mga tao mga naman.Gagawin at gagawin nila ang lahat ng gusto nila kahit nakakasakit na sila ng iba.
BINABASA MO ANG
Under the Moonlight:Hideous Trilogy#2 [ON GOING]
RomanceEleir Cameno is a fat woman, nakipag hiwalay sa kanya ang kanyang kasintahan at ipinag palit siya sa kaibigan niya. Nang dahil doon ay nasabi niya sa kanyang sarili na hindi na siya mag titiwala pa. But Dani Nkivor Salazar came into her life, ginul...