17

52 5 1
                                    

Kondisyon para sa damdamin.

Natahimik ako dahil sa kanyang sinabi, hindi ko alam ang isasagot ko o mas tamang sabihin na hindi ako makapag salita dahil sa pag iinit nang aking magkabilang pisngi. Gusto kong pigilan itong nararamdaman ko sa kanya, ayoko ng maulit pa ang pahinang pinagdaanan ko kay Grei.

Bigla siyang humalakhak kaya napatingin ako sa kanya. Sinamaan ko siya ng pisngi upang hindi mahalata ang pag kakapula ng pisngi ko, atomong malaman niya na naaapektuhan ako sa mga pinag sasabi niya, atomong malaman niya na may epekto sakin lahat ng galaw niya. Sa maiksing panahon ay nakilala ko na ang ugali niya, alam kong iinisin niya lamang ako nang iinisin kapag nalaman niya.

Noong mahimasmasan siya sa pagtawa ay nginitian niya ako, "Pulang - pula ang pisngi mo tabs." nang dahil sa sinabi niya ay agad akong napahawak sa magkabilang pisngi ko at dinama iyon.

Nahalata niya ba? Hindi pwede! Ba'ka isipin ng kolokoy na 'to ay may gusto ako sa kan'ya!

Tumikhim siya at muling humigop, "Libre ka ba biyernes? Gusto sana kitang hayain sa gig ko para makita mo naman akong nag peperform."

"Sige manonood ako. Text mo lang sakin kung saan." sagot ko sa kanya, gusto kong mapanood kung paano siya hangaan ng karamihan.

Nagkibit balikat siya at ngumisi, "Malay mo kapag napanood mo'ko, doon mo mapagtanto na gusto mo pala ko." at nag tama ang aming paningin.

Pinilit kong ikunot ang aking noo, "Ang kapal mo!" asik ko. Bakit ka ba nagkakaganyan Ele? Bakit ka naaapektuhan sa mga pinagsasabi nang siraulong ito?

Humagikgik siya at nagulat na lang ako noong abutin niya ang aking magkabilang pisngi at pisilin ito, "Mas lalo kang nagiging cute kapag namumula 'yang pisngi mo tabs!" basang basa ko ang saya sa kanyang mga mata habang ginagawa iyon. Kahit pa nakakurot ang kamay niya ay hindi pa rin nakatakas sa akin ang mas lalong pagkainit nang pisngi ko dahil sa kanyang sinabi.

A-Ano? Cute 'daw ako. . . ?

Pinakawalan niya ang aking pisngi at ginulo ang aking buhok, dahilan upang totoong mapabusangot ako. Ang pinaka atomo sa lahat ay yung ginugulo ang bugok ko.

Natigil ang pag tingin ko sa kanya noong nagsalita yung babaeng nagluluto ng burger, "Ang cute niyo naman pong dalawa, sana po magtagal kayo." at ngumiti siya sa aming dalawa ni Dani.

Nanlaki ang aking mga mata at hindi ko alam ang magiging reaksyon ko.

"Hindi kami!"

"Salamat miss."

Sabay naming sabi ni Dani, agad na lumipad ang paningin ko sa babae at umiling. Agad akong napatiangay noong bigla akong akbayan ni Dani at nagpaalam doon sa babae.

Habang naglalakad ay nag aaway pa kami sa daan, nakakainis kasi siya! Bakit hindi niya itinanggi? Bakit?

"Sabihin mo siraulo ka, tsk! Ang daling itanggi 'non Dani."

Napaurong ang ulo niya habang nakanguso, namamangha, "Waw, parang ikaw pa 'yung hiyang hiya, ah? Dapat nga masaya ka pa, e." at pinitik niya ang noo ko.

Agad akong napahawak doon, "Aww,"

Pagkauwi ko sa bahay ay agad kong ibinagsak ang aking katawan sa aking kama at tiningnan ang phone ko. Nabuntong hininga ako noong maski isang text ay walang ipinadala si Dada.

Nag tipa ako nang sasabihin sa kanya.

To Dada: Da, kumusta ka na? Kailan ka po ba uuwi?

Nilulukob ng lungkot ang dibdib ko, hindi ko maiwasang isipin kung ano ba ang ginagawa niya doon? Halos mag iisang buwan na, kung tapos na ang problema sa pamana ni lola ay ano ang inaasikaso niya?

Under the Moonlight:Hideous Trilogy#2 [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon