I lied
Napapikit ako ng mariin noong naramdaman ko ang mainit niyang labi na dumapo sa 'kin. Napahawak ako sa mga kamay niyang nakasaklop at pilit na inalis yon sa mukha ko.
Nang nakaipon na ko ng lakas para maitulak siya ay napahiwalay siya sakin. Nag hahabol ako ng hininga noong nag taas ako tingin sa mgamata niyang sobrang bigat ng tingin na ibinibigay sakin ngayon, punhay na pungay ito.
Hindi ko alam kung bakit niya ako hinalikan! Baka dahil lasing siya! Hindi niya alam ang mga ginagawa niya.
Muli sana niya akong hahalikan ngunit agad ko siyang pinigilan. Mali ito, maling mali ito dahil may asawa na siya!
Mukhang natauhan siya sa ginawa niya at napahawak siya sa kanyang ulo. Kalaunan ay pumikit siya ng mariin. Hinilot niya ang sintido.
Nang sinalubong niya ang mga mata ko ay may nabasa akonggalit sa mga yon. Kumuyom ang bagang niya at tyaka umiling kalaunan. Tila isang kalokohan ang ginawa niya.
''Bakit mo 'ko hinalikan, Dani?!'' sigaw ko sa kanya.
Binasa niya ang pang ibabang labi.
''I'm sorry . . . I was drunk, but sorry to say, i didn't regret that i kiss you.''
Lumalim ang pagkakakunot ng noo ko. Anong sinasabi niya?! Nababaliw na ba talaga siya?
''Why?! Dahil ba sa alak ay nakalimutan mo nang kasal ka? Nasisiraan ka na ba ng bait, Dani?! Hindi ko alam kung ano ang pumasok d'yan sa utak mo para halikan ako ng walang dahilan!'' Habol habol ko ang hininga ko, pakiramdam ko ay napaka bigat ng dibdib ko.
Kung wala na siya sa katinuan, ay baka nga!
Umiwas siya ng tingin sa akin.
''I lied,'' mahinang sabi niya. Halos lamunin na ng mga patak ng ulan ang boses niya dahil sa sobrang hina nito. Ngunit hindi pa rinito nakaligtas sa pandinig ko.
Umawang ang labi ko, hindi ko mahanap ang tamang salita.
''W-What do you mean?'' naguguluhan ang boses ko. Huwag niyang sabihing . . .
'' I lied to you, Ele. Nagsinungaling ako sayo no'ng sinabi ko sayong kasal na 'ko kay Nayya,'' nanginginig ang boses niya, sa bawat salitang bitibitawan niya ay parang mahirap para sa kanyang isatinig 'yon.
Hindi ako makapag salita. Hindi ko alam ang dapat kong maramdaman sa bagay na 'yon.
''B-Bakit?'' Sa daming tumatakbong tanong sa isip ko ay iyon ang naisatinig ko.
Narinig ko ang mapait niyang pagtawa. Dahilan kung bakit naibalik ko ang paningin ko sa kanyang mga mata.
''Dahil gusto ko ng pigilan ang walang kwentang nararamdaman ko. It's been a fucking ten years, but I'm still there, still drowning to you! I'm still the man you left apart! And I fucking despise it!'' Namumula na ang mga mata niya, kitang kita ko ang hinanakit sa mga iyon.
Bigla akong nakaramdam ng guilty, mas lalo akong naramdam ng pagsisisi sa naging desisyon ko. Ang akala kong makakabuti para sa kanya ay mukhang kabaliktaran ang nangyari.
Suminghap ako ng hangin dahil pakiramdam ko ay sinasakal ako sa mga salita niya.
Bukas sara ang bibig ko, nag hahanap ako ng tamang salita, ngunit wala akong makapa.
Nag tiim ang labi niya. ''Now tell me, Ele. Paano ako makakabangon mula sayo?'' Pulang pula na ang pares ng kanyang mata.
''Okay na sana, eh . . .nasanay na 'ko, pero bumalik ka, nakita na naman kita . . .'' pahina nang pahina ang boses niya.''
Nagngitngit ang ngipin ko. Bakit hindi sila naikasal ni Nayya? Anong nangyari? Kung ganoon nabasura lahat ng sakripisyo ko? Kung ganoon ay . . .
Yumuko siya at inihilamos ang palad niya sa mukha. Tumawa siya ng pagak.
''Shit, i'm look so pathetic,'' bulong niya.
Nang iniangat niya ang tingin sakin ay ngumiti siya sakin ng mapait. ''I'm sorry, i'm just drunk. Pasensya na sa istorbo. Mabuti pa't kalimutan mo na 'yung mga sinabi ko. Pumasok ka na, baka maulanan ka pa.'' Sobrang lamlam ng mga mata niya habang nag sasalita.
Wala na 'kong magawa kung hindi sundin siya dahil mukhang hindisiya mag papatalo. Pumasok na ako sa loob kahit na nangangatog ang mga tuhod ko.
Noong pagkasara ko ng pinto ay agad akong napasandal doon. Nag uunahang bumagsak ang aking mga luha. Ilang segundo na ang lumipas ngunit wala akong narinig na makina ng kotse niya.
Teka? Umalis na ba siya?
Binuksan ko ang pinto upang i-check kung umalis na ba siya, ngunit agad akong napatalon sa 'king kinatatayuan noong nakita kong nakasandal siya sa gilid ng pader na katabi ng pintuan ko. Mataman siyang nakasandal doon habang nakalagay ang kanyang mag kabilang kamay sa kanyang bulsa. Nakatitig siya sa buhos ng ulan, ngunit naputol ang pagtingin niya doon at inilipat ang tingin sa 'kin.
Alam kong kitang kita ang gulat samga mata ko. Agad kong pininasan ang mga luhako ngunit alam kong huli na 'yon dahil nakita na niya ito.
Napa-ayos siya ng tayo. Bahagyang kumunot ang kanyang makinis na noo.
''Bakit ka pa lumabas? Baka mag kasakit ka,'' seryoso ang kanyang boses.
Mas lalong lumalim ang pag kakakunot ng kanyang noo. ''Umiyak ka.''
Hindi iyon isang tanong, kundi isang pag dedeklara.
Umiwas ako ng tingin sa kanya. Mariin akong napalunok.
''Bakit hindi ka pa umaalis?'' mahinang tanong ko.
Hindi siya sumagot, muli siyang tumingin sa mga patak ng ulan.
Napatahimik ako, kumakapal ang pagkailang sa hangin.
Mga ilang minuto rin kaming tahimik noong naisipan kong hayain siya sa loob. Lumalamig na rin kasi ang paligid, at lasing pa siya. Hindi naman siguro masama kung papasukin ko siya sa loob.
''Uhh, Dani? Gusto mo bang pumasok sa loob? Lumalamig na rin kasi.
Tiningnan niya ako gamit ang pormal niyang mga mata. Agad akong napaiwas ng tingin at napalunok ng mariin.
Hindi siya nag salita at tumango na lamang. Napakagat ako ng pang ibabang labi. Nilakihan ko ang pagkakabukas ng pinto upang makapasok siya. Nang nasa loob na kaming dalawa ng bahay ay agad akong nag tungo sa kusina upang mag timpla ng mainit na tyokolate, upang mahimasmasan na rin siya.
Umupo siya sa sofa.
Habang nag titimplaako ay panaka nakang sumusulyap ako sa kanya. Prente siyang nakaupo sa kanyang pwesto habang inililibot ang paningin sa paligid ng sala ko.
Mabuti na lamang ay nakapag linis ako kahit papaano kanina.
Bumuga ako ng hangin bago ko dinala ang mainit na tyokolate sa sala. Ilang na ilang ako habang ibinababa iyon sa lamesita na nasa kanyang harapan.
Tumikhim ako upang makuha ang atensyon niya, at para na rin mabawasan ang pag kailang na nararamdaman ko.
''Mag tyokolate ka muna. . .'' Bahagya kong nakagat ang pang ibabang labi ko. Umupo ako sa katapat niyang upuan.
''Salamat,'' pormal na sabi niya.
Pinanood ko ang pag kuha niyang tasa sa lamesita, bawat galaw niya ay nakabantay ako.
Tumikhim siya, tila napansin niya ang pag tingin ko sa bawat galaw niya.
Pumikit ako ng mariin. Ang kaninang pag kailang na nararamdaman ko ay mas lalong lumala.
Parang mali ata ang desisyon kong hayain pa siya dito sa loob ng apartment ko!
BINABASA MO ANG
Under the Moonlight:Hideous Trilogy#2 [ON GOING]
Roman d'amourEleir Cameno is a fat woman, nakipag hiwalay sa kanya ang kanyang kasintahan at ipinag palit siya sa kaibigan niya. Nang dahil doon ay nasabi niya sa kanyang sarili na hindi na siya mag titiwala pa. But Dani Nkivor Salazar came into her life, ginul...