Buwan at bituin
Napatigagal ako dahil sa narinig, hindi maiproseso ng utak ko ang mga salitang binigkas niya. Hindi matanggap ng puso ko ang sinabi niya sa akin.
Talaga bang pinag lalaruan ako ng tadhana? O isa lamang itong masamang panaginip? Oo tama, panaginip lang ito. Hindi ito totoo!
Asta niya akong hahawakan ngunit agad kong iniharang ang aking palad, pinapahinto siya.
Hindi ko maipaliwanag ang emosyon ko ngayon. Basta ang alam ko lang ay nasasaktan ako sa katotohanang totoo ngang mag-isa lamang ako at wala talaga akong kadugo.
Hindi ko alam kung kumukurap pa ba ako, ang alam ko lamang ay sunod-sunod na bumabagsak ang aking mga luha sa pisngi ko. Naka awang aking labi, hindi ako makapag salita at pakiramdam ko ay tinulos ako sa kinatatayuan ko ngayon.
Bumalik lamang ako sa katinuan noong may nagsalita mula sa likod ko. Inilingon ko roon ang aking ulo at napuno nang puot ang dibdib ko.
Si Grei. . .
"Tsk tsk tsk. Nagulat ka ba Ele?" at ningisian niya ako.
Hindi ko pinigtas ang pag tingin sa kan'ya at sinamaan ko siya nang tingin. Nag tiim bagang ako ngunit mas lalo lamang lumaki ng kan'yang pagkakangisi.
Pumikit ako ng mariin at pinilit ang aking sarili na kumalma.
Muli akong tumingin kay Dada at tila nabasag ang puso ko noong nakita ko ang kan'yang mga mata na luluha, "I'm sorry, Ele." aniya at dahan-dahang yumuko. Hindi siya makatingin sa akin ng maayos.
Binasa ko ang aking pang ibabang labi. Hindi ko alam kung paano ko siya kakauspin hindi ko alam kung paano ko tatanggapin, hindi ko alam! Naguguluhan ako. . .
Umiling ako at nag salita, "Pupunta muna ko sa kwarto ko." tinalikuran ko na siya at naglakad papunta sa hagdan.
Kaya ba? Kaya ba madalang niya na lamang akong makausap? Kaya ba halos pinapatay niya ako sa pag aalala dahil may anak siya sa iba?
Nadaanan ng aking paningin ang mata ni tiya Lili na may halong lungkot at awa habang nakatingin sa akin.
Agad akong umiwas ng tingin at patakbong umakyat sa hagdan, pakiramdam ko ay sasabog ang dibdib ko sa sobrang bigat nito.
Kahit mabigat ang aking mga paa ay nakarating pa rin ako nang matagumpay sa kwarto ko.
Ngunit agad akong napahinto at napatigagal noong nadatnan kong gulo-gulo ang mga gamit ko. Nagkalat ang aking mga damit, ang kama ko ay gulo-gulo.
Dumako ang paningin ko sa babaeng nakatalikod sa akin at may hinihilang kahon na sigurado akong laman niyon ang mga gamit ko.
"Hera! Anong nang ginagawa mo?!" at agad akong lumapit sa kan'ya at bahagya siyang tinulak upang mahinto siya sa ginagawa.
Tuliro akong inaayos ang mga gamit ko, nanlalabo ang aking mga mata ngunit hindi ko alam kung bakit ayaw tumulo ng aking mga luha.
Naptigil ako sa ginagawa noong umasik si Hera, "Sinasayang mo lang ang pagod mo." mapaglaro ang kan'yang tono.
Napatuwid ako ng tayo at lumingon sa kan'ya. Nakasandal siya sa hamba nang pintuan habang nakahalukipkip, dahilan kung bakit mas nakita ang laki ng kan'yang hinaharap sa suot niyang sando, sobrang nipis ng tela niyon.
"Anong sabi mo?" hindi makapaniwala ang aking boses. Ningisian niya lamang ako, "Hindi mo na 'to kwarto. Kwarto ko na 'to." at bumukol ang kan'yang pisngi.
"Naglolokohan ba tayo dito? Huh? Kailan mo pa 'to naging kwarto?" hindi ko mapigilan ang galit sa aking boses. Lasang-lasa ko ang pait sa aking boses.
Akma siyang sasagot sa akin ngunit biglang pumasok si Dada at Grei sa kwarto.
BINABASA MO ANG
Under the Moonlight:Hideous Trilogy#2 [ON GOING]
RomanceEleir Cameno is a fat woman, nakipag hiwalay sa kanya ang kanyang kasintahan at ipinag palit siya sa kaibigan niya. Nang dahil doon ay nasabi niya sa kanyang sarili na hindi na siya mag titiwala pa. But Dani Nkivor Salazar came into her life, ginul...