Guhit.
Tinulak ko siya ng bahagya sa dibdib upang mapalayo siya sakin. Hindi na kasi tama na umaaasa na lang ako sa kanya.
''Ayaw m-mo na, huh? Ele?'' Namumula ang kanyang mga mata, humigpit ang pag kakahawak niya sa 'kin. Napakunot ang noo ko.
''Oo ayoko na, Dani! Ayoko ng umasa sayo! Gusto kitang tulungan, tulungan ang sarili ko! Huwag mo namang akuin ang lahat! Alam kong nahihirapan ka, hindi naman dapat na ikaw nalang lagi 'yung gumagalaw. Gusto kong mag tulungan tayo.'' mariin ang pag kakasabi ko sa kanya.
Tila nakahinga siya ng maluwag sa sinabi ko, napapikit siya ng mariin at nagpakawala ng hangin. Hinigit niya ako sa isang mahigpit na yakap at ibinaon niya ang kanyang mukha sa leeg ko.
Mahigpit ang yakap niya, na tila ano mang oras ay mawawala ako sa paningin niya. ''A-Akala ko ayaw mo na . . . tangina hindi ko alam ang gagawin ko kapag nawala ka sakin.'' Mas humigpit ang yakap niya.
Parang may humaplos sa puso dahil sa kanyang sinabi. ''Ba't naman kita iiwan? Ang swerte ko na nga sayo kahit madalas na nakakainis ka.'' pambalubag loob ko.
Umahon siya mula sa leeg ko. Mamula mula ang kanyang mga mata. ''Talaga? Hindi mo 'ko iiwan?''
Tumango ako at pinisil ang kanyang ilong. ''Paiyak na ang damuho.''
Bigla siyang umiwas ng tingin. Nahiya.
Pinaliwanag ko sa kanya ang side ko, gusto ko talagang makatulong. Sa huli ay wala rin siyang nagawa kung hindi payagan ako. Pero nag kasundo kami na hindi ako mag tatrabaho sa ano mang stall sa unibersidad. Agad naman akong pumayag dahil may nakita naman akong hiring sa di kalayuan sa condo.
Lumuwag ang dibdib ko noog pumayag siyang mag trabaho ako.
Nag simula akong mag trabaho bilang barista sa isang cafe na kakabukas lang, ayos lang naman ang sweldo at mabuti na lamang at mabait ang amo ko dahil kasyang kasya ang pang tuition fee sa sinasahod niya sa 'kin.
Lumipas ang mga araw at buwan at maayos naman ang takbo ng buhay namin ni Dani. Nawala na rin ang mga usap-usapan tungkol sa min. Sa mga buwan na iyon ay maraming nangyari attmarami akong nalaman tungkol sa kanya. Nakilala ko siya ng lubos.
Katulad na lang ng issue niya sa pamilya niya, lagi daw itong wala at halos hindi na rin sila nag kikita. Ramdam ko ang pananabik sa boses niya habang nag kukwento. Hindi daw sila mag kaayos ng papa niya, at ang mama naman niya ay malayo ang loob niya. Hindi ko maisip na ganoon pala ang sitwasyon sa pamilya niya. Napaka lungkot . . .
Madalas niya ring nasasabi sa 'kin na ang tanging pangarap niya lang daw ay mag kaayos sila, ang madama niya kung paano mag kapailya, at maramdaman niya ang pag aaruga nito. Hindi iyong lagi na lang daw trabaho ang inaasikaso ng mga mgulang niya.
Habang pinapakinggan ko siya ay hindi ko maiwasang mabasa ang pangungulila sa mga magaganda niyang mata. Kinaasam-asam niya iyon at gusto kong matupad niya ang pangarap niyang iyon sa pag daan ng panahon.
Hindi ko maiwasang hindi makita ang nararamdaman niya sa nararamdaman ko, nag sasalo kami sa sakit. Hindi ko alam na ganito pala kalalim ng pinag huhugutan ni Dani, na sa likod ng magaganda niyang ngiti at tawa ay may lungkot pala siyang itinatago.
Ang sitwasyon naman namin ni Dada ay indi ko na matansya, minsan nag tetext ako sa kanya, nangungumustta ako dahil namimiss ko din siya. Ang kaso nga lang ay maski isang reply ay hindi niya ipinagkaloob sa 'kin.
Siguro ay masaya na siya, masaya na siya dahil sa wakas ay nakawala na si Hera sa kulungan. Ayokong mag tanim ng sama ng loob sa 'kin si Dada, kaya nitong isang linggo lamang ay pinaki usapan ko si Dani na iatras na ang kaso. Siguro naman ay nakuha na ni Hera ang aral niya.
Inayos ko an suot kong boat neck. Tiningnan ko rin ang itsura at kung maayos ba ang make up ko. Noong nakuntento na ako sa ayos ko ay lumabas na ako ng kwarto. Ang sabi ni Dani ay mag kta na lang daw kami sa restaurant, itinext niya sa 'kn kung saan ang location. Ang totoo ay medyo nag tatampo ako sa lalaking iyon, lagi na lang kasi siyang umaalis at pumupunta sa condo ni Firoo, hindi ko alam kung ano ang ginagawa. Kapag naman tinatanong ko ay agad siyang umiiwwas sa 'kin.
Ito nga ohh. Ang akala ko nga ay hindi niya matatandaan ang anniversary namin ngayon, kundi mag tatampo na talagaako sa damuhong iyon.
Nag cab na lang ako papunta sa restaurant. Hindi ko alam kung anong pinag kakaabalahan niya nitong mga nakaraang araw, pero ang lagi kong napapansin, t'wing uuwi siya ay madumi ang damit niya. Hindi ko alam kung uling ba o ano.
Pag karating ko sa restaurant ay agad akong pumasok. ''Reservation for Dani Salazar, miss?'' tanong ko sa babaeng nasa front desk.
Itinuro niyasa 'kiin kng saan ang table at agad na bumaagsak ang aking paningin sa lalaking nakaupo roon, sa malayo lang ay alam mo ng mabango, nakasuot siya ng black polo shirt na mas bumagay sa kanyang maputing balat. May suot siyang rolex sa kaliwang kamay, medyo magulo ang kanyang buhok ngunit hindi nakabawas iyon sa karisma niya.
Nag salubong ang aming mga mata. Agad siyang napatayo habang may nakapaskil na ngiti sa kanyang labi. Para namang nag wawala ang puso ko sa sobrang kalabog nito. Bakit ba habang patagal nang patagal ay pagwapo nang pagwapo ang siraulong ito?
Umiwas ako ng tingin sa kanya dahil ramdam ko ang pamumula ng aking labi. Para akong nalulusaw na kandila dito sa kinatatayuan ko ddahil sa mga ngiting ibinibigay niya. Parang bibigay ang mga binti ko.
Kahit nag sasama na kami sa condo ay hindi pa rin ko masanay-sanay sa kagwapuhan niya. Araw-araw niya pa rin akong pinapahanga.
Inilibot ko ang paningin ko sa restaurant para makaiwas sa tingin niya. Nag iinit talaga ang pisngi ko.
Light brown at white ang combination ng restaurant na nag bigay ng romantic vibes dito, marami ring chandelier sa taas.
May biglang tmikhim sa harapan ko, amoy pa lang ay alam ko na. Tumingin ako sa kanya na namumula pa rin ang pisngi. Nabigla ako sa biglag pag pisil niya sa mag kabilang pisngi ko. ''Ang cute naman ni Tabs, pwede ng maging nanay ng mga magiging anak ko.''
Itinago ko sa sama n tingi ang kilg na nararamdaman ko. Tinabig ko ang kamay niya. ''Magiging anak daw, sus.'' Narrinig ko ang mahina niyang tawa na nakakahalina.
Ipinag tulak nia ako ng upuan, nag hanap ako ng nakalapag na pwede niyang ipang regalo sa 'kin, ngunit agad nan napatikwas ang kilay ko noong wala akong makita maski isang oras. Ano? Wala siyang regalo sa 'kin? Okay.
Umupo siya sa harapan at ngumiti. ''Wala kang regalo sa 'kin?''
Ngumisi siya sa 'kin. ''Pwede ba 'yon? Syempre meron.''
''Nasaan?''
May nag lalarong mala demonyog ngisi sa kanyang labi. ''Masyadong kasing malaki 'yung regalo ko sayo. Baka hindi mo ma-take, baka maiyak ka pa.''
Uminit ang pisngi ko, may namataan akong tissue sa tabi, agad akong kumuha at inihagis sa kanya. ''Bastos!''
Pinag taasan niya ko ng kilay. ''Anong malaki ba ang nasa isip mo? Ikaw, ah. Masyado ka nang bastos. Di ko ma-take.'' Tumawa siya.
''Sira,''
Sinimulan na niyang mag order. Habang hinihintay namin ang pagkain ay siya naman ang nag tanong.
''Ikaw? Anong regalo mo sa 'kin?'' nakangusong anong niya.
Hindi ko maiwasang mangiti. Inilabas ko ang pinag ipunan ko nitong mga nakaraang araw. Inilagay ko iyon sa lamesa. ''Tingnan mo.''
Kinuhaniya ang pahabang box sa lamesa at binuksan iyon.
Kinuha niya ang laman niyon sa kahon. Isa iyong dogtag na may guitara na palawit, bagay na bagay saa kanya t'wing tumutugtog. Tumingin siya sa 'kin. Dumukwang siya upang halikan ang noo ko. ''Salamat.''
''Anong salamat? May bayad 'yan.'' biro ko.
Kumunot ang kanyang noo. ''Ano? May bayad 'to?''
Natawa ako dahil sa pag kalukot ng kanyang mukha. ''Biro lang, ito naman.''
Wala talaga siyang dalang kahit ano, dahil kahit noong lumabas kami ng restaurant ay wala siyang ibinibigay sa 'kin. Gusto ko sanang mag tampo kaso sa sobrang gwapo niya ngayon ay hindi ko ata kaya. Ayos lang naman sakin, basta magkasama kami ngayong importanteng araw.
Pinagbuksan niya ako ng pinto ng sasakyan, pumasok siya sa kabila at agad niyang kinuha ang kamay ko noong pag kabuhay niya ng engine.
Habang bumabyahe ay bigla siyang kumanta. ''Bakit nag uulap ang iyong mga mata? Unang tanong sa 'king isipan.''
Napatingin ako sa kanya dahil pamilyar sa 'kin ang kantang 'yan . . . narinig ko na 'yan dati.
Tumingin siya sa 'kin at muling ibinalik ang paningin sa daan. ''Ang 'yong mga mata'y nangungusap habang nakatitig sa liwanag ng buwan.''
Pag katapos niyang banggitin ang stanza na 'yon ay humalakhak siya at tinapunan ako ng tingin.
Nagsalita siya, ''Alam mo ba? Kanta ko dapat sayo 'yon, ang kaso hindi ko natapos.'' Muli kong narinig ang kanyang halakhak.
Tumaas ang sulok ng labi ko. ''Ang gusto ko tapusin mo 'yon, gusto kong marinig ang kanta mo balang araw, Dani.'' Dinala ko ang kanyang kamay sa aking labi at hiagkan ito.
''Balang araw,'' Tumango siya, hindi maalis-alis ang ngiti sa kanyang labi.
Pag kauwi namin sa condo ay sobrang dilim nito. Bubuksan ko na sana ang ilaw noong bigla akong pigilan ni Dani at tinakpan niya ng kanyang palad ang mga mata ko.
Tumaas ang mga balhibo ko sa 'king leeg noong bumulong siya sa 'kin. ''Gusto mo na bang makita ang napaka laki kong gift?'' Humalakhak siya sa puno ng tainga ko, may kuryenteng dumaloy sa 'king katawan.
Napakagat ako ng labi.
Lumakad kami at hindi ko alam kung saang bahagi ng condo niya ako dinala. Narinig ko ang pag sara niya ng pinto. ''Excited ka na bang makita ang big gift ko sayo?'' pilyo ang kanyang noo.
Kinapa ko ang kanyang tagiliran at kinurot ito. ''Siraulo ka talaga! Ba 'ka mamaya kung anong kagaguhan 'to, ah?''
Tinawanan lang ako ng loko. ''One . . .'' Tinulungan niya akong makaupo, kinapa ko ito at umupo doon. Alam kong kama ang pinag upuan ko.
''Handa ka na ba?'' muli niyang tanong. Napapiksi ako. Pag lkalokohan ito ay patay sa 'kin an lalaking 'to.
''Two . . .'' Naramdaman kong gumalaw siya.
''Three . . .'' Doon niya na pinakawalan ang mga mata ko. Agad siyang yumakap sa likod ko at itinanday ang kanyang baba sa 'king balikat.
Nanlalabo ang paningin ko habang nakatanaw doon, sobrang init ng puso ko. Kailan niya pa ito ginawa? Kaya ba palaging madumi ang damit niya?
''Dani . . .'' Wala akong ibang masabi kung hindi ang pangalan niya dahil sa sobrang pag kamangha.
Hinalikan niya ang sintido ko. ''Happy anniversary, Love.''
Malabo na siya sa aking paningin nang tingnan ko siya. ''K-Kailan mo pa ito ginawa?''
''Noong nakaraang tatlong buwan lang.'' Pinunasan niya ang luhang pumatak sa 'king pisngi.
''S-Salamat,'' Ngumiti ako sa kanya.
Muli akong tumingin sa harapan, kasing laki ng pader ang pinag-drawing-an niya. Lahat ng reaksyon ng aking mukhaay nakaguhit doon. At sa gitna ng mga guhit na iyon ay may isang guhit ang pinaka nakakuha ng atensyon ko.
Marahan akong kumawala sa yakap niya at tumayo, lumapit ako doon at idinampi ang aking daliri sa kung nasaan ang guhit na iyon. Iginuhit niya ang senaryo ng una naming pagkikita sa park . . . sa ilalim ng buwan, mag katinginan kami dito at puno ng luha ang aking mga mata.
Wala sa sariling napatawa ako, nanariwa ang ala-alang iyon sa isip ko. Naalala ko na pwes ba panyo ang ibigay niya sa 'kin ay tissue ng jollibee ang inabot niya.
Nag punas ako ng luha at pinatitigan iyon. Hindi maalis sa dibdib ko ang pag hanga, paano niya nagawa iyon? Paano niya naiguhit ang bawat reaksyon ko?
May biglang may mainit na yumakap sa akin mula sa likod at muli niyang ipinatong ang baba sa balikat ko. Nakatingin din siya sa guhit na iyon.
''Alam mo ba? Noong una kitang nakita, ang sabi ko sa sarili ko Ang taba naman ng babae na 'to, ang sungit-sungit pa. Pero maganda siya.'' Napanguso ako dahil sa sinabi niya. Tingnan mo nga! Unang pag kikita pa lang namin ay nilait niya na ako ng patago.
''Siraulo ka,'' tanging sabi ko.
Mahina siyang humalakhak. ''Pero 'nong mga oras na 'yon, ang gusto ko lang ay damayan ka. Kaso panira 'yung tissue ng jollibee.'' Muli siyang humalakhak. Napangiti ako.
Tumingin sko sa ibang guhit, lahat talaga ng reaksyon ko ay nandoon at kuhang-kuha niya ito. Alam ko namang magaling siyang mag drawing pero hindi ko alam na aabot sa ganitong level ang galing niya.
''P-Paano mo naguhit ang mga reaksyon ko? Eh, hindi mo naman ako pinipic-turan sa t'wing umiiba ang ang reaksyon ko.''
Narinig ko ang pag ngisi niya. ''Sa isip ko . . .''
Napatingin ako sa kanya at nag tama ang aming mga mata, mapusyaw ang tingin niya sa 'kin. ''H-Huh?''
Kinuha niya ang baba ko at maingat na iniangat iyon. ''Lahat ng emosyon at reaksyon mo, Ele, nakatatak sa isip ko . . .''
''P-Paanong . . .'' wala akong masabi. Nauubusan ako n salita.
''Dahil kabisado ko ang bawat parte mo. Gano'n lang kadali.''
Muli akong tumingin sa mga guhit niya, lahat talaga ay nadoon. Kung paano ako tumawa, umiyak, umasik, malungkot. Lahat-lahat ata ay nandoon. Lahat accurate, walang pinag kaiba sa itsura ko. Nakapalibot ang mga iyon sa guhit kung saan mag kasama kami sa ilalim ng buwan . . . ang una naming pag kikita.
''Alam ko namang magaling ka nang mag drawing, pero hindi ko naman alam na aabot ka sa ganitong level . . .'' manghang sabi ko.
Tumawa siya at hinigpitan ang yakap sa 'kin. ''Oh, diba. Nasaksak lang ng lapis noon, artist na ngayon.''
Napakunot ang noo ko at tumingin sa kanya. ''Nasaksak ka ng lapis?'' Tumango siya habang nakatingin pa rin doon.
''Huh? Bakit? Sino?'' Kung nasaksak siya, nasaan ang peklat?
Ibinaba niya ang tingin sa 'kin at sumagot, ''Si Firro, 'yung mokong na 'yon, kaya pala maghapong nag tatasa ng lapis dahil ipananaksak pala sa 'kin.'' humaklakhak siya.
''Bakit?''
Ngumuso siya. ''Eh, paano iniinis ko siyang supot, ayon, napuno ata kaya sinaksak ako. Masama pala magalit ang supot.''
Kaya pala. Siraulo talaga.
''Ahh, deserve mo naman pala. Katarantaduhan mo kasi.'' Tumatango tango ako habang nag sasalita.
Bahagyang kumunot ang boo niya. ''Anong deserve? Paano kung namatay ako? Edi wala kang gwapong boyfriend ngayon?''
Napangiwi ako. ''Tsk, yabang.''
''Elementary pa lang naman kami no'n. Syaka gusto ko lang naman siyang maging kaibigan no'n kaya ko siya iniinis. Kaso pwes na sa pag kakaroon ng kaibigan ang uwi ko. Nauwi ako sa hospital. Saklap di 'ba?'' Hindi ko napigilang hindi mapahalakhak.
''So, dapat ka pa lang mag pasalamat kay Firro, dahil kung hindi ka niya sinaksak ng lapis ay hindi ka magiging artist.'' sabi ko sa gitna ng aking halakhak.
''Ba't ako mag papasalamat sa kanya? Sinaksak niya kaya ako.'' Nakanguso siya habang nag sasalita.
Punong-puno ng kasiyahan ang sistema ko. Siya lang talaga ang nakakapag bigay saya sa 'kin ng ganito.
---------------Di ko ma-take. Sinaksak ng lapis :)
Hello! Kumusta kayo? Thankyou for reading!
BINABASA MO ANG
Under the Moonlight:Hideous Trilogy#2 [ON GOING]
Roman d'amourEleir Cameno is a fat woman, nakipag hiwalay sa kanya ang kanyang kasintahan at ipinag palit siya sa kaibigan niya. Nang dahil doon ay nasabi niya sa kanyang sarili na hindi na siya mag titiwala pa. But Dani Nkivor Salazar came into her life, ginul...