46

103 3 0
                                        

Closure

Malaki talaga ang pasasalamat ko dahil kasama ko si Ramiel sa concert, kung hindi siguro ay mag mumukha na akong kawawa doon na pinag titinginan ng mga tao dahil sobra ang pag iyak ko. 
 
Madali akong napatahan ni Ramiel sa pamamagitan ng pagkain, oo, hanggang ngayon ay kahinaan ko pa rin ito.

Pag katapos nya kong busugin ay inihatid na niya ako sa apartment na tinutuluyan ko dahil masyado na ring gabi.

Kahit anong gawin ko para makatulog ay hindi pa rin ako madalaw dalaw ng antok, binabagabag ako ng isiping baka nagpapa alam na ang damuhong lalaking iyon. Kahit itanggi ko sa sarili ko ay alam kong ay parte sa puso ko na natatakot na baka nga umalis siya. Dahil alam kong kapag nangyari iyon ay alam kong hindi na kami mag kikita pa. 

Alas dos na ng madaling araw noong tumunog ang phone ko,  mahapdi pa ang mga mata ko noong tumingin ako sa screen. Kumalabog na lang ang dibdib ko dahil sa isang text. 

Isang text na galing sa taong iniyakan ko. 

Unknown Number: Nasa labas ako ng apartment mo. I want to talk to you.
- Dani.

Napalunok ako ng malalim. Paano niya nalaman ang numero ko? At ano namang pag uusapan naming dalawa?

Mas papahirapan niya lang ako sa ginagawa niya! Gusto ko nang mag move on mula sa kanya. Pero dahil sa ginagawa niyang ito ay mukhang mahihirapan ata ako. 

Naninigas ang katawan ko, kumakabog ng malakas ang dibdib ko. Pakiramdam ko ay may nag wawalang eksekto sa tiyan ko, pakiramdam ko ay masusuka ako ng di oras.

At naiinis ako dahil hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko! Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan.

Just fucking chill out, Elle. His j-just your ex, okay? Siya lang naman ang nagsabi sayong wala lang sa kanya ang nangyari sa inyo, so dapat mutual lang! Hindi ka dapat mainis!

Just freaking chill down self!

Binasa ko ang pang ibabang labi ko at bumuga ng isang mabigat na hangin upang pakalmahin ang sarili ko.

Pinangungunahan ako ng galit at inis!

Tangina!

Binuksan ko ang pinto ng apartment at nasalo ko ang seryoso niyang mga mata. Hindi ko siya mabasa, hindi ko mabasa kung anong nararamdaman niya.

Ibang iba ka na talaga . . . Hindi na ikaw yung dating Dani na alam na alam ko ang bawat galaw.

Napigilan ko ata ang lintik kong hininga, nalulunod pa rin ako sa mga tingin niya. Namimiss ko pa rin ang perpekto niyang mukha, ang defined niyang panga, ang nakakapang lusaw niyang mga mata, ang lahat lahat sa kanya.

Nakakainis dahil hanggang ngayon hindi ko pa rin matanggal sa sistema ko ang lalaking ito.

Seryoso ang tingin niyang ibinibigay sakin. Nasa labas siya ng gate habang nakapamulsang nakatayo doon.

Ni hindi nga ata kumukurap ang lalaking ito.

Pinag taasan ko siya ng kilay, muling bumalik sa isipan ko ang sulat na nabasa ko.

Muling kumulo ang dugo ko.

Padabog akong naglakad para buksan ang gate, habang ginagawa ko yon ay nag ngingitngit ang ngipin ko sa pagkabanas sa kanya.

Plain sex pala, ah?

Pakialam ko ba kung umalis siya!? Edi umalis siya! Plain sex? Tangina mo!

Pinag krus ko ang mga braso ko no'ng hinarap ko siya, aabot na ata hanggang langit ang kilay ko sa sobrang pagkataas, pakiramdam ko din ay mabubuhol na ito sa sobrang pagkakunot.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 19, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Under the Moonlight:Hideous Trilogy#2 [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon