New university.
Para akong nabingi sa sinabi ni Dada sa akin.W-Wala na ang lola ko?
Kahit hindi ako totoong anak ni Dada ay minahal st tinanggap pa rin ako ni Lola Inshang.Malaki ang utang na loob ko sa kaniya,dahil siya ang nakakita sakin sa tapat ng kanyang bahay.Kung hindi niya ako kinuha noon ay hindi ko alam kung anong magiging kalagayan ko ngayon.Si Lola Inshang ang nakakita sakin at si Dada ang nagpalaki sakin dahil hindi na ako kayang alagaan ng matanda.
Pakiramdam ko ay sinasakal ako at may bumabara sa aking lalamunan.Hindi mo talaga alam kung kailan kukunin ang isang tao sa buhay mo,pero bakit ngayon pa?marami pa akong pangarap para sa lola ko, gusto ko pang suklian ang mga magagandang nagawa niya salin.Pero hindi ko na magagawa iyon ngayon...dahil wala na siya.
Patuloy pa rin sa pag-iyak at paghagulgol si Dada,nakatulalang lumuluha lamang ako.Masakit pero kailangan kong tanggapin...siguro pagod na siya...pagod na siya at gusto nalang magpahinga.
Hindi ko alam kung ano ang aking mararamdaman,malulungkot ba ako o magiging masaya para kay lola? masaya dahil sa wakas ay makakapagpahinga na siya...alam ko na mang pagod na siyang pagbatiin ang mga anak niya.O magiging malungkot dahil nilisan na niya kami?
Hindi magkaayos ang mga anak ni lola Inshang...ang mga tito at tita ko,galit ang mga tito ko kay Dada dahil pusong babae daw ito.Nasira ang tradisyon ng mga Cameno na ang lahat ng lalaki sa pamilya ay masusundalo,ngunit hindi iyon nagawa ni Dada.Hindi ko maintindihan,kapatid pa rin sila ni Dada kaya bakit hindi nalang nila ito tanggapin? bakit hindi nalang nila ito suportahan sa mga gusto ni Dada?
Nung gabi ding iyon ay nagimpake at lumuwas kami ng maynila.Tulala pa rin ako sa mga nangyayari.
Kasabay ng pag-andar ng bus na aming sinasakyan ay ang pag-iwan ko sa lalaking una kong minahal...pero, siya naman ang unang nang-iwan hindi ba? siguro magiging masaya na siya ngayon dahil mawawala na ako sa kanyang landas...siguro ay matutuwa na siya,at umaasa ako na kung magkikita kaming muli ay hindi ko na siya mahal at maayos na ako.
Buong biyahe ay tulala at lumuluha lamang ako, si Dada naman ay nakatulog sa aking tabi dahil sa sobrang pagiyak.Mabuti na iyon dahil nakapag pahinga siya kahit kaunti.
Madaling araw na noong nakarating kami sa tapat ng bahay ni Lola,malaki at makaluma.Sa gate ay may tarpulin na nandoon ang mukha ni lola.Hindi ko mapigilan ang aking maiinit na luha,agad kong inalalayan si Dada dahil ba'ka himatayin siya.
Nang makapasok kami doon ay nanginig
agad ang aking magkabilang tuhod.Sumalubong samin ang puting kabaong."Anong ginagawa mo ditong bakla ka!?"agad na lumapit sa amin si Tito Antonio tila torong manunugod, ang panganay sa magkakapatid.Agad niyang kinwelyuhan si Dada kaya napahawak ako sa kamao ni tito Antonio para bitawan niya ito.
Agad na lumipat sa akin ang nanlilisik nitong mga mata"At ikaw!?anong ginagawa mo dito?!hindi ka namin kamag anak."tumutunog ang kanyang bagang.
Agad na bumalatay sa aking mukha at dibdib ang sakit...ampon.
Matagal ko nang alam iyan,alam na alam ko nang isa akong ampon dahil tuwing nagkikita kami ng mga kamag anak ni Dada ay lagi nilang ipinamumukha sakin na ampon lang ako...na wala talaga akong pamilya, na hindi ako dugong Cameno.
"Tito bitawan nyo na 'ho si Dada."pakiusap ko.
"Ang kapal mo namang utusan ako!?"
"Kuya ano ba!huwag mo ngang sinisigawan ng ganyan ang anak ko!"sigaw ni Dada sa kanyang mukha.
Pabarag siyang binitawan ni Tito Antonio si Dada.
"Nababaliw ka na ba Erickson!? hindi mo yan anak! hindi yan Cameno!"
BINABASA MO ANG
Under the Moonlight:Hideous Trilogy#2 [ON GOING]
RomanceEleir Cameno is a fat woman, nakipag hiwalay sa kanya ang kanyang kasintahan at ipinag palit siya sa kaibigan niya. Nang dahil doon ay nasabi niya sa kanyang sarili na hindi na siya mag titiwala pa. But Dani Nkivor Salazar came into her life, ginul...