Araw-araw.
Nabalikwas ako ng upo sa kama dahil sa sunod sunod na notify sa akin. Tinitigan kong mabuti ang screen at iniscroll ito. Kahit ilang beses ko pang irefresh ay ganoon pa rin ang lumalabas. Puro pangalan ni Dani!
Lumakas ang tibok ng puso ko ng dahil sa kaba nang may isa siyang comment sa photo ko. Pikit mata ko iyong pinindot.
Dani Nkivor Salazar: Di kayo bagay niyan. Boo.
Ayan ang isang comment niya sa picture namin dati ni Grei, nakayakap ako sa baywang ni Grei habang nakahalik ang lalaki sa noo ko, nakasuot kami ng P.E uniform nito. Noong highschool pa ang litratong ito. Nag init ang ulo ko dahil sa sinabi niya, sakit talaga siya sa ulo! ang sarap niyang tirisin. Ano bang problema ng isang 'to? bakit niya ako iniistalk? para inisin ako? lakas ng amats mo!
Nag ngingitngit ang ngipin ko noong pinindot ko ang reply.
Eleir Cameno: Ano bang problema mo?
Wala pang isang minuto ay nag reply ulit siya.
Dani Nkivor Salazar:Ikaw.
May kasama pa iyong Emoji na parang nahihilo. Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya.
Eleir Cameno: Bakit ako? inaano kita?
Matagal siya bago nakapag reply, hindi ko na inaasahan pa dahil umabot iyon ng bente minutos, pero sa isang iglap ay nagreply siya.
Dani Nkivor Salazar: Ikaw. Kasi napaka taba mo at hindi lang yon, cute din. At manhid pa.
Nahulog ang panga ko dahil sa kanyang sinabi. Ano daw? nanlalait ba to o pinupuri ako? lakas talaga ng topak ng lalaking iyon.
Ano daw? manhid? anong ibig niyang sabihin?
Nagkibit balikat na lamang ako at pinatay na ang cellphone ko. Ayoko ng isipin ang sinabi ng lalaking iyon dahil sigurado akong nang iinis lamang siya.
Kinabukasan pag gising ko ay nadatnan ko si Dada na nagluluto sa kusina. Agad ko siyang dinaluhan at sinaway. "Da! bakit gumagalaw ka'na? umupo ka na po 'don at ako na dyan."tinuro ko ang mga pasa niya. "Tingnan mo nga oh! may mga pasa ka pa, baka mamaya lumala iyan." pabiro niyang tinampal ang kamay ko. "Hay nako! bakit ba naman OA mong bata ka?"aniya habang natatawa.
Napangiwi ako dahil sa kanyang sinabi, oa agad? hindi ba pwedeng nag aalala lang? "Da, ano ka'ba? ako na nga dyan. Sige na po, ako na dito. Kaya ko naman, e. Syaka di mo na kailangan asikasuhin ako t'wing umaga dahil malaki na ako. Sus! collage na tong anak mo." ngumiti ako sa kanya.
Napabuga siya ng hangin at inirapan ako ng pabiro. "Oh siya. Sige na, maliligo lang ako, ha."aniya.
"Opo tay,"ngingiti ngiting aniya ko. Ayaw na ayaw niyang tinatawag siyang Tatay dahil hindi daw bagay sa katulad niyang maganda ang tawaging tatay. Tumingin siya sakin at pinanlisikan ako ng mga mata, dahilan kung bakit ako napahagikgik.
"Che,"mas lalong lumakas ang tawa ko.
Pagkatapos naming kumain ay humalik na ako sa pisngi ni Dada at akmang lalabas na sana ako ng pinto ng tawagin niya ako.
"Bakit po Da?"
Ngumiti siya at lumapit sakin. "Alam mo iyong katabing paupahang space sa tabi natin?"tanong niya. Tumango ako. Anong meron doon?
"Kinuha ko yon, bubuksan ko ulit yong parlor ko anak." bumilog ang aking labi.
"Talaga Da? kailan? para matulungan kita sa pag-aayos. Mag hahanap na rin po ako ng gumagawa ng tarpauline para mapagawan ko na."aniya ko.
"Sa makalawa, wala ka namang pasok non hindi ba?"sunod sunod akong tumango.
Matapos naming mag usap ni Dada ay nag abang na ako ng masasakyan na jeep sa kanto at mabuti na lamang ay may dumaan pa.
BINABASA MO ANG
Under the Moonlight:Hideous Trilogy#2 [ON GOING]
RomanceEleir Cameno is a fat woman, nakipag hiwalay sa kanya ang kanyang kasintahan at ipinag palit siya sa kaibigan niya. Nang dahil doon ay nasabi niya sa kanyang sarili na hindi na siya mag titiwala pa. But Dani Nkivor Salazar came into her life, ginul...