Dedicated to: Baby Elain Cortez
Nakachat ko siya, pinasaya niya yung gabi ko HAHAHA muling nabuhay ang dugo ko sa pagsusulat! She's one of my reader, grabe ang saya talaga. Thankyou!
Pagbilis
Bumagsak ang panga ko dahil sa kanyang sinabi. Ano 'raw? Sa gym?
Tiningnan niya ako mula ulo at hanggang paa, binasa niya ang nanunuyot na labi at nagsalita, "Pwede na 'yang suot mo. Tara na." aniya at hindi ko pa naipoproseso sa utak ko kung ano ang second step na sinasabi niya ay inakbayan na niya ako. Wala akong nagawa kung hindi mag patangay sa kanyang lakas.
Binuksan niya ang pinto ng kotse niyang mukhang bagong modelo ng BMW, dinakot niya ang ulo ko at ibinaba iyon. Tinabig ko ang kamay niya sa aking ulo at tumingala sa kanya ng magkasalubong ang kilay.
"Ano ba! Makadakot, ah!" pabusangot kong anya. Tumaas ang sulok ng kanyang labi at umiling, tila pinipigilan matawa.
Nakangiwi akong inaayos ang aking buhok. Umikot siya at umupo sa driver seat. Tiningnan niya muna ako bago tumingin sa seat belt ko.
Biglang napaurong ang mukha ko ng lumapit ang katawan niya papunta sa akin at inabot niya ang seat belt. Nakatuwid ang aking mukha at ni ayokong gumalaw dahil baka mas lalo kaming magkadikit.
Ang hininga niya ay tumatama sa aking tainga na siyang nag bibigay kilabot sa akin. Pigil na pigil ko ang aking hininga.
T-Teka Ele? B-Bakit ang bilis ng tibok ng puso mo?
Nang magtagumpay siyang ipasok ang seat belt ko ay umayos na siya ng upo at binuhay ang engine ng sasakyan. Ako naman si wala sa sariling napahawak sa aking dibdib at dinama iyon. Pakiramdam ko ay nasa kabilang demensyon ba ako ngayon sa sobrang pagkawala ko sa aking sarili. Hindi pa ako makakabalik sa katinuan kung hindi pa siya nag salita.
"Bakit tulala ka at nakahawak ka pa sa dibdib mo?" aniya.
Wala sa sariling tumingin ako sa kanya at ibinaba ang aking kamay, "H-Ha?"
Muli siyang sumulyap sa akin at ibinalik ang tingin sa daan, "Ang sabi ko bakit ka tulala? Pati ba naman sa isip mo nandyan ako?" at pilyo siyang humalakhak.
Nairap ako at ngumiwi. Hindi talaga matitigil ang kagaguhan ng isang ito, e.
Maya maya pa ay nasa isang gym na kami. Ipinark niya ang sasakyan at agad na akong bumaba.
Hindi ko mapigilan hindi tumingin sa damit kong suot. Talaga bang ayos lang itong damit ko? Hindi ba nakakahiya? Grr! Dani kapag talaga ako napahamak ng dahil sayo!
"Oy tabs!"tawag pansin niya sa akin. Nanlilisik ang aking mga mata ng nagtaas ako ng paningin sa kanya.
"Huwag mo nga akong tawaging ganyan!" angil ko sa kanya.
Kinilabutan ako noong may pilyong ngiti na pumaskil sa kanyang labi, "Okay, love." bumagsak ang panga ko dahil sa kanyang sinabi.
A-Ano daw?
Humalakhak siya at tinapik ng mahina ang aking baba, "Chin up, love. Baka tumulo ang laway mo." at muli kong narinig ang nakakainis niyang tawa.
Nang mahimasmasan ay tinapik ko ang kanyang kamay, "Tado!" angil ko at nilagpasan siya.
Naramdaman ko namang sumusunod siya sa akin dahil sa kanyang mumunting halakhak.
Napakagat ako ng aking labi noong naramdaman ko na naman ang kabog sa aking dibdib. May sakit na ba ako sa puso?
Bago ko pa mahawakan ang hawakan ng glass door upang buksan iyon ay may malaking palad na pong sumakop at siya na mismp ang tumulak doon. Ang amoy niya ay kilalang kilala ko.
BINABASA MO ANG
Under the Moonlight:Hideous Trilogy#2 [ON GOING]
Roman d'amourEleir Cameno is a fat woman, nakipag hiwalay sa kanya ang kanyang kasintahan at ipinag palit siya sa kaibigan niya. Nang dahil doon ay nasabi niya sa kanyang sarili na hindi na siya mag titiwala pa. But Dani Nkivor Salazar came into her life, ginul...