Stuck with him
Nakatuon ang mga mata ko sa kisame habang nasa dibdib ko ang iisang bagay na lagi kong hawak sa tuwing matutulog na 'ko, sa tuwing naiisip kong hindi na ako makatulog ng mahimbing hanggat hindi ko nahahawakan ang bagay na 'to ay gusto kong sabunutan ang sarili ko.
Nababaliw naba talaga ako? Dahil pati ang calling card niya ay niyayakap ko na tuwing gabi? Siguro nga ay kabaliwan na ito. Hindi na 'to maganda.
Huminga ako ng malalim at pumikit ng mariin at pilit na ipinapaalahanan ang sarili na hindi tama itong ginagawa ko, na dapat itigil ko na ang pag iisip ko sa kan'ya.
Pilit kong sinasabi sa sarili ko na nakaraan na siya, at mananatili na lamang siya sa nakaraan ko. . . isang magandang nakaraan na kailanman ay hindi ko makakalimutan.
Umuling ako at nakaramdam ng pagkadismaya sa sarili. Hindi tama ito, kasal na siya. Mali ito.
Ibinaba ko sa gilid ng kama ko ang calling card na yakap-yakap ko, at tumagilid ng higa sa kama, inunan ko ang isa kong braso.
Ang hirap pa lang pilitin ang sarili mo na tama na, na kailangan mo nang pigilan ang kahibangang 'to. Ang hirap umasang alam mong sa una pa lang ay talo ka na . . . pero pinipilit mong kumapit dahil baka meron pa . . . na baka pagkakataon pa para sa inyong dalawa. Pero kahit na sinampal na ako ng katotohanan na kahit kakaramput na pag-asa ay wala na kaming dalawa dahil kasal na siya.
Paano kaya kung hindi ko siya iniwan? Kung hindi ko siya sinaktan? Hanggang ngayon kaya ay kami pa rin kaya?
Ilang linggo na ang nagdaan ngunit hanggang ngayon ay hindi ko pa rin siya tinatawagan para sa susunod naming pagkikita, alam kong hindi ako handa para sa bagay na iyon. Hindi a ako handang makasalubong ang malalamig niyang mga mata, halo-halo ang nararamdaman ko sa tuwing tumitingin ako sa mga matang iyon, at nangingibabaw ang lungkot.
Ilang beses kong iniwasan tingnan ang calling card niya na nasa working table ko, pilit kong niwawaksi ang atensyon ko sa bagay na 'yon. Alam kong kapag ipinagptuloy ko pa ang kahibangan kong ito ay mas lalo akong hindi makaka ahon sa kan'ya.
Naputol ang pag iisip ko doon ng may marinig akong kalabog na nagmumula sa sala. Agad akong lumabas sa kwartoupang tingnan iyon at namataan ko na lamang ang malapad na likod ng isang lalaki na may kung ano-anong kinakalikot sa isang plastik.
''Nasaan na ba 'yung asukal? Bakit wala dito? Hindi ata nilagay nung sales boy, tsk, tsk, tsk.''
Napataas ang kilay ko noong makilala ko siya. Aba, itong lalaking 'to, walang kaabog-abog kung pumasok sa apartment ko!
''Hoy,'' Pag kuha ko ng atensyon niya.
Agad naman siyang napatingin sa gawi ko at napaayos ng tayo. Mas lalong napataas ang kilay ko noong namataan ko ang apat na plastik ng supermarket sa sahig na naka kalat, halatang kinalkal iyon.
Napansin niya atang doon ako nakatingin kaya pasimple niyang sinipa iyon upang maayos.
Nang tumingin ako sa kan'ya ay inungusan ko siya.
''Bakit ba pasok ka nang pasok dito sa apartment ko? Ni hindi ka man lang kumatok.''
Umasta naman si Ramiel na parang walang narinig at umupo sa sofa, na para kan'ya ang bahay na ito. May dinukot siya sa kan'yang bulsa at itinaas ang isang susi sa ere.
''You gave me a spare key, right?'' sarkastiko niyang sabi.
Inambahan ko siya ng batok. Agad naman siyang umakma ng iwas.
''Eh, kahit na! Paano kung nag bibihis pala 'ko?''
Pinag ikutan niya ako ng mga mata. ''Eh, ano naman?'' Parang wala lamang sa kan'ya ang bagay na iyon, siraulo talaga.
BINABASA MO ANG
Under the Moonlight:Hideous Trilogy#2 [ON GOING]
Storie d'amoreEleir Cameno is a fat woman, nakipag hiwalay sa kanya ang kanyang kasintahan at ipinag palit siya sa kaibigan niya. Nang dahil doon ay nasabi niya sa kanyang sarili na hindi na siya mag titiwala pa. But Dani Nkivor Salazar came into her life, ginul...