07

52 6 0
                                        

Feelingera.

Nasapo ko ang nag aalab niyang mga mata.Napalunok ako at umatras ng isang hakbang noong padarag niyang binitawan ang kuwelyo ng lalaki habang hindi pinapatid ang paninitig sa mga mata ko.

Tumayo siya ng maayos at namewang.Tumingala siya at pumikit habang umuulbok ang dila sa kanyang pisngi.Pagkatapos niyon ay muli niya akong tiningnan st hinawakan ang kanyang sintido.

"Hoy,"aniya.

Napaigtad ako noong dahan dahan siyang lumapit sa aking gawi"Anong ginagawa mo dito ha?"akmang mabubuwal na sana ako noong hindi ko namamalayang nakalapit na pala siya sa akin at hinigit niya ako sa balikat upang hindi matumba.Abot abot langit ang aking kaba.

Naka awang ang aking labi ng ilapit niya sa akin ang kanyang mukha.Pinanliitan niya ako ng mga mata at hinigpitan ang pagkakahawak sa braso ko.Napa aray ako ng dahil doon.

"Huwag na huwag kang magsusumbong.Kundi alam mo na."at panatag niyang binitawan ang aking braso.Agad kong hinawakan ang balikat ko, siguradong mag kakapasa 'to.

"Dumaan lang naman ako dito!hindi ko naman alam na may binubugbog dito!"angil ko sa kanya.

Nakakainis!ako pa talaga ang babalaan?ha!hindi ko naman kasalanan 'yon ah?

Kunot noo siyang tumingin sakin at tiningnan ako hanggang paa at ulo"Tsk,ang taba mo."inirapan niya muna ako bago ako talikuran.

Nabuhay ang inis sa katawan ko.

Oo! alam kong mataba ako!hindi na kailangang ipangalandakan pa,lecheng 'to.

"Akala mo gwapo ka!? ang panget mo!"hindi ko na talaga iniisip ang mga lumalabas sa bibig ko dahil sa sobrang inis.

Napasadahan ko ng aking paningin ang kanyang panga na naninigas na.Napalunok ako.

Patay kang mataba ka.

Muli siyang lumingon sa akin na hindi na mawari ang mukha.Ang dalawang kasama naman niya ay ngumingisi lang.

"Pare,kalma.Babae 'yan."sabi ng isang kasama niya habang tinatapik ang kanyang balikat.Hindi ko alam kung pinipigilan ba talaga niya ang nag ngangalang Reigh o nang gagago lang kasi nakangisi siya.

Muli akong inirapan ni Reigh at tinalikuran ako.Naka ginga naman ako ng maluwag sa kabilang banda,ang akala ko ay bibigwasan na niya ako.

Ikaw naman kasi Ele!hindi ka nagiisip!

Nang mawala na sila sa paningin ko ay napagdesisyunan kong hindi na dito dumaan dahil baka hindi lang sila ang tripper dito.

Akmang aalis na sana ako ng may marinig akong daing mula sa lupa,dahan dahan kong ibinaba ang aking paningin doon at agad na bumalatay sakin ang awa ng makita ko ang mukha ng lalaking binugbog.

Halos hindi ko na siya makilala dahil sa mga pasa niya sa mukha.Puno na rin ng dugo ang kanyang uniporme.

Umupo ako para dungawin ang kanyang mukha.Agad nalukot ang mukha ko ng mapagmasdan ang mukha niya.

"O-Okay ka lang kuya?"

Dumaing muli siya.

Malamang Ele!hindi!

Tinulungan ko siyang tumayo kahit sobrang nabibigatan ako.Payat siyang lalaki pero ang bigat niya.

"Dadalhin kita sa hospital kuya,ah?"

Hirap siyang umiling"H-Huwag na...uuwi na nalang...ako."inalis niya ang pagkakahawak ko sa kanya at iniwan ako doon mag isa.

Napabuga na lamang ako ng hangin dahil pakiramdam ko ay sumasakit ang ulo ko.

Under the Moonlight:Hideous Trilogy#2 [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon