25

57 7 2
                                        


The way she look at us 

Nag patuloy ang mga araw, at dumating na rin ang araw na hindi ko gusto--- ang pumasok ang dalawa sa unibersidad na pinapasukan ko. Hindi ko maiwasang mainis dahil sa university na nga lang ako nakakapag relax dahil wala sila doon. 

Sinubukan ko ring kausapin si Dada tungkol doon, na bakit hindi nalang sa ibang university papasukin ang dalawa ngunit nagalit lamang siya sa 'kin.

''Ano bang problema? Hindi naman magugulo ang pag-aaral mo kapag doon sila pumasok, hindi ba?'' nawawalan ng pasensya ang boses niya nguni nanatil itong malumanay.

Napayuko ako at bumuntong hininga. Muli akong nag salita, ''Pero Da, alam mo naman ang nakaraan naming tatlo, sa bahay pa nga lang ay tinitiis ko na lang na makasama silang dalawa.'' hindi ko mapigilang hindi haluan ng inis ang boses ko.

Umiling siya, tila hindi niya nagugustuhan ang mga lumalabas sa labi ko. ''Pabor nga sayo 'yon, may kasabay ka ng umuwi at pumasok.'' aniya.

Gusto kong mangiti dahil sa pag titimpi, malayong malayo na talaga siya sa dating Dada ko, talagang bumaliktad na ang mundo naming tatlo. 

Kung alam niya lang, kung alam niya lang na hindi ako namomoblema sa kasabay dahil hatid sundo ako ng lalaking tanging nag papasaya sakin ngayon. Ayoko lang talagang minu-minuto ay nakikita ko silang dalawa. Kung dito nga sa bahay ay halos hindi na ako lumabas ng kwarto upang maiwasan silang dalawa.  

Masyadong nakakaumay ang pag mumukha nilang dalawa.

''Pero Da---'' Nasa gitna ako ng pag tutol ng biglang sumabat si Hera sa usapan.

''Bakit ka ba nag kakanganyan, Ele? As if naman na may gusto ka pa kay Grei?'' may pag uuyam ang kanyang boses.

Gusto kong masuka dahil sa sinabi niya, hindi ko maatim ang sinabi niya sakin. Alam ko naman sa sarili ko na wala na akong gusto gagong lalaking iyon, kahit isang pursyento ay wala na akong nararamdaman sa kanyang pag kagusto. Ang tanging nararamdaman ko na lamang siguro ngayon ay inis--- inis dahil naiba na ang takbo ng relasyon namin ni Dada nang dahil sa kanilang dalawa ni Hera. Naiinis akong isipin na parang baliwala na ako kay Dada ngayon. 

Isa pa, may hinanakit din ako kay Dada at hindi ko masabi-sabi sa kanya dahil buhat noong pumasok silang dalawa sa buhay namin ay hindi na kami nakapag usap ng maayos.

May pag uuyam kong tiningnan si Hera. ''Saan mo naman nakuha 'yan?'' hindi ko maitago ang inis sa boses ko. Kaunti na lang talaga ay mapipigtas na ang pasensya ko para sa babaeng ito.

Nagkibit balikat siya at may iniwang isang ngisi bago kami talikuran ni Dada, sa isip ko ay sinasabunutan ko na ang babaeng iyon. Masyadong pakialamera. 

Kaya ito ako ngayon, ligalig ako habang gumagayak. Inagahan ko ang bangon ko upang hindi kami mag kasabay na tatlo. Itinext ko rin si Dani na maaga akong sunduin. Mabuti nalang at maagang nagigising ang isang iyon. Palabas na ako ng gate at alam kong nakaabang na si Dani sa kanto kung saan niya ako laging sinusundo. 

Habang nag lalakad papunta sa kanto ay may bigla akong nakaramdam ng tao sa likod ko, alam kong nakasunod si Hera at Grei sa 'kin dahil base na rin sa mga boses nilang naririnig ko. Nag lalandian pa ang dalawa. Hindi ko alam kung sinasadya ba nila ito o ano, pero kahit anong kasweetan na gawin nilang dalawa sa harap ko ay hindi na ako naaepektuhan. Wala na akong pait na nalalasahan katulad ng dati. Hindi na kumikirot ang dibdib ko, hindi na ako nasasaktan... at lahat ng iyon ay dahil sa isang tao lamang, hinilom ako ni Dani sa ganoong kadaling panahon, nagawa niya kong muling buuin. Ibinasura niya ang ipinangako ko sa sarili kong hindi na 'ko muling mag titiwala pa. 

Wala ako sa sariling napangiti dahil sa pagka alala sa lalaking iyon.

At sa di kalayuan ay natanaw ko na nga ang damuhong iyon. Nakapamulsa ang kaliwa niyang kamay sa suot niyang itim na slacks. May relo siyang pambisig na mas lalong nag pabagay sa kanya, well. Lahat naman ata ay babagay sa kanya.

Under the Moonlight:Hideous Trilogy#2 [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon