Special Chapter 01

1.3K 30 14
                                        

I put the latest picture in our photo album. Ilang buwan pa lang ang contents niyon, kasama na ang kasal namin at ilang baby pictues ni Autumn.

Cleo never fails to heal the child in me.

Naaalala ko noon na nasabi ko noon sa kaniya na wala akong photo album simula bata, now we do this whenever we take pictures.

"Cleo!" Natawa ako nang nakawan niya ako ng halik mula sa likod ng sofa na kinauupuan ko sa living area. "I told you, no kisses kapag lasing ka!"

"I hate punishments," may mapaglarong ngisi siyang umupo sa tabi ko saka ako niyakap at pinapak ng halik sa kung saan-saang parte ng mukha ko. "I love kissing you."

Pabiro akong umismid saka sinilip ang glass wall ng living room. Tanaw roon ang lanai at pool area kung saan nag-iinuman sila ng mga kaibigan namin.

We lived in Cleo's house.

I remember that when I first stepped in here, I never imagined I would live in this house.

"Sobra naman!" sigaw ni Tim sa labas nang makitang naglalambing si Cleo. "Hoy, Cleo, bumalik ka na rito!"

Nagtawanan sila roon. 

Our visitors are Tim, Sena, Kesha, Jonary, Olivia, and Evelyn. 

Sumiksik lang si Cleo, walang pakialam sa biro ni Tim.

"Baka lasing ka na, Love?" bulong ko.

"Tss..." Tinawanan lang ako. "I miss you."

"Hindi naman tayo naghiwalay ngayon, ah?" sabi ko.

"Mm, kulang pa. We've been away from each other for years... hindi pa ako nakakabawi. Akyat na tayo?"

"Ano?" Natawa ako at pasimpleng tiningnan ang mga kaibigan namin. "Balikan mo na sila. Kaya mo pa ba?"

"Baby, let's have a vacation."

Mukhang lasing na nga siya at ang ramdom na ng mga naiisip niya.

"Can you file a leave?" tanong niya.

Inayos ko ang buhok niya.

Kahit may bakas ng amoy ng alak, naaamoy ko pa rin ang perfume ni Cleo. She's only wearing a white button up and a pair of black pants that she wore from work. Pagbalik niya nagsabi siya na pupunta ang mga kaibigan namin kaya naghanda ako. Sabado naman at walang klase kaya paperwork lang ang ginawa ko.

Inaya ko si Cleo pabalik sa pool area. Nag-cheer agad ang mga kaibigan namin nang makita kami. Tinabihan ko sa mahabang rattan seat si Cleo, sa kabilang tabi ko naman nandoon si Olivia.

"Tulog na ba ang inaanak ko?" si Kesha.

Tumango ako. "Kanina pa, thank you nga pala sa gifts, wala namang occasion."

"Ano ka ba, first baby natin 'yan ng barkada. Of course, I will spoil her, we will."

Ngumiti lang ako at nakatinginan si Cleo.

"But you know what?" ani Kesha. "Sa arte mo noong high school, hindi ko man lang naisip na ikaw ang unang magkakaanak sa 'tin."

"Tingin ko rin talaga, Beastie," ani Tim. "Mas tingin ko pa na si Jonary 'yon."

Natawa si Jonary. "Mm, career first na ako, but soon!"

"Wala ka ngang boyfriend, e."

Palihim na inismiran ni Sena si Kesha. 

"Bakit hindi mo ligawan?" biro ni Evelyn, pero may laman.

"Sira?" ani Kesha. "We're friends."

Naglaho ang ngiti ni Jonary.

Chance Again (Again Series #3)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon