SPOILERS AHEAD IF U HAVEN'T FINISHED THE STORY YET STOP HERE
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Back in November 2021, I randomly watched Heneral Luna and Goyo. Heneral Luna was so devastating but I find Goyo much much more devastating. Inimagine ko kung ano ang naramdaman noon ni Goyo at Remedios, nung hindi na sila nagkita ulit dahil namatay si Goyo. I wondered na paano kaya kung pinagtagpo sila sa susunod na buhay nila kung totoo man 'yung ganon?
Because of the pain I felt when I watched Goyo, I stumbled upon this FMV of Goyo with the song being Patawad by Moira dela Torre. The song eerily fits the story of Remedios and Goyo, but when I listened to the song itself, I discovered a message that love accepts. Love accepts everything.
Also, iyong mga nakakakilabot na katrayduran na nangyari between Filipinos during the Revolution, gusto ko iyong maisulat at mailagay ang sarili ko doon. I got caught up with the concept ng trayduran between the revolutionaries na naisipan kong ihighlight na more on Hisfic talaga ang istorya ko at less ng romance. Kumbaga, parang for the sake of storytelling lang ang romance, pandagdag lang sa emotional warfare ng mga MC.
That's what I had in mind when I made Miguel, one of the protagonists. Miguel has a bad past, and he had to accept that the love he has for Lucia isn't worth her prominence, elegance, and being just her own person overall. Dahil sa revolution, parang somehow kasi natinag rin ang faith ni Miguel sa sarili niya na magmahal, if that makes sense.
He believes that she deserves a better man, in which Lucia thinks the opposite - she deserves Miguel. She sees both his strength and weaknesses, but things fell apart. A lot of times it fell apart but it was that last time they saw each other that kept breaking my heart even if I know na ako naman ang may kasalanan kasi ako ang nagsulat. HAHAHA
But despite the tragedy in their past lives, gusto ko may happy ending sila. Kaya iyon ang naisip ko na gawin sa huli.
I just had to give them a happy ending. Deserve nila yun sa dami ng kinonquer ng kanilang love, ryt?
Ending msg.
Hindi ako makapaniwalang naabot ko na 'yung dream ko na makatapos ng story. Sa lahat kasi ng stories na sinimulan ko, ito lang iyong natapos. Hindi man ito sobrang maganda at halatang napakarami pang improvements ang kailangan, masaya akong natapos ko ito at napakalapit ng story na 'to sa heart ko.
I will publish special chapters to further explain and properly conclude the story, kaya sana ay mahintay ninyo! I appreciate u all :))
Naalala ko pa noong unang may nag-add nito sa reading list nila, tuwang-tuwa na ako! :D At dahil sa mga taong nalabas sa notifs ko na ina-add itong story ko, iyon ang nagpalakas ng loob ko para ituloy ang sinimulan ko. Maraming-maraming salamat sa inyong mga magbabasa pa lamang at sa mga nagpakita ng interes sa aking gawa!
For now, I'm planning on focusing on my studies first, or in between, tatry kong mag-add ng FAQs or even edit some parts of the story.
Iisip pa ako ng mga dapat pang sabihin kaso wala pa ako maisip for now, ang gusto ko lang sabihin ay thank u! Thank u for helping me finish this story. Nawa'y marami pang magbasa nito at ng mga future stories ko.
Guys, please, if my story somehow moved your heart, kindly leave some votes or comments para malaman pa kung ano ang dapat kong iimprove at ano ang dapat kong ikeep.
Gusto ko lang rin malaman ang mga reaction niyo. Again, thank you kung nakarating ka dito (ng hindi nagsskip siyempre).
Ingat palagi!
FAQS
Actually isa palang ang nagbigay ng question nila. Hehe so number 1 pa lang. FAQ palang ito guys hahaha!
1. Tanong ni repsyr na ikinomment niya sa Espesyal na Kabanata...
Bakit sa POV ni Miguel nagsimula ang kuwento at nahuli na ang kay Lucia?
Answer: Dahil gusto ko pong ipakita ang mga naging struggles ni Miguel sa sarili, kasama na ang past niya at doubts niya sa kakayahan niyang ibigin si Lucia dahil isa siyang rebolusyunaryo. Iyong POV naman ni Lucia ay inilagay ko na ang karamihan sa huli dahil pabalik tayo sa prologue e diba, kung saan naalala lahat ni Sol (Lucia) ang alaala niya noong past life.
Basically, gusto ko lang ipakita ang mga naging paghihirap ni Miguel para somehow maintindihan natin kung bakit ang dami niyang naging doubt noong minahal niya si Lucia.
BINABASA MO ANG
Sa Takipsilim
Ficción histórica[Rebolusyon Duology #1] Batid nating mayroon nang mga librong pangkasaysayan ang nabasa na natin noong elementarya, hayskul, o kahit kolehiyo. Tinukoy sa mga libro ang pananakop at rebolusyon- ngunit hindi pa kailanman nabanggit ang pighating idinul...
