Sa Gunita

178 5 18
                                        

Sa aking mga mambabasa,

Hindi ko inakalang napakarami sa inyo ang magrerequest na magkaroon ng story si Teyong. Dahil sa suportang ipinakita niyo sa Tiktok, (yes, nakikita ko ang mga comments na sinuggest itong Sa Takipsilim sa tulong ng aking isang reader), at kahit sa mga comments ay nabasa ko na gusto niyo ngang magkaroon ng sariling story si Teyong.

I accept the challenge. Kahit alam kong mas mahirap dahil complex character siya, alam ko na kasing dati pa lang gusto ko nang isulat ang kuwento niya. As you may already know, si Teyong ay isa sa mga utusan ni Aguinaldo. Ayon sa story ko, isa siya sa mga pumatay kina Andres at sa ibang mga Katipunero. Again, fiction lang po na si Teyong ang pumatay sa ilang Katipunero, okay? Wala naman po itong historical basis, pawang historical fiction at storytelling lamang!

Isa pa, napansin ko rin ang pagbaba ng engagement kapag walang interaction romantically ang mga MCs. Kung nababasa niyo sa unahan, ang primary genre ng Sa Takipsilim ay Historical Fiction, not Romance. Sa Sa Takipsilim, nag-focus ako sa growth ni Miguel at ng kay Lucia. If nabasa niyo, the first time na nagkita sila ay hindi ko ipinush nang sobra dahil alam kong mga bata pa sila at marami pang dapat matutunan, lalo na si Miguel dahil marami siyang doubts. Noong bumalik si Lucia, kita niyo, handa niya na isuko ang posisyon niya sa hukbo. May space for growth po ang ating characters, lalo na sa sobrang kumplikado ng mga panahon na iyon ang pag-ibig!

Ganoon rin po ang dapat asahan sa Sa Gunita, ang story ni Teyong. Dahil gusto nating maentertain ng story sa kung ano ba talaga ang naging role ni Teyong sa pagkawala ng mga Katipunero at sa pagkamatay ni Heneral Luna, more on history storytelling pa rin ito, pero may romance pa rin naman! Siyempre, andiyan si Soledad. :D

Sa ngayon, ang priority ko po ay ang aking mga ongoing na story, ang Bulong ng Hangin which is also a Historical Fiction, at ang Barrio Dos, Dulo na short story na 2023 ko pa nasimulan tapos hanggang ngayon hindi pa rin tapos. T_T

Target ko po na maipublish ang Panimula ng Sa Gunita sa December or puwede pa iyan mapaaga, depende sa trip sa buhay. Susubukan kong ayusin pa talaga ang storytelling ko na alam kong paminsan ay nagkukulang pa din. Marami na rin akong natutunan mula noong matapos ko ang Sa Takipsilim, at sisiguraduhin kong mamahalin niyo ang history sa mga istorya ko (especially ang Philippine Revolution).

Isa na rin po itong pagbibigay pugay sa ating mga hindi kilalang mga bayaning nagbuwis ng kanilang buhay, sa mga pinunong ginawa lamang ang sa tingin nila ay tama para sa bayan, at sa mga taong tahimik na kumilos para sa ating bansa. Prinsipyo, pananaw, at lakas ng loob ang kanilang armas!

Panoorin niyo rin po ang bagong release ng TBA Studios for the Bayaniverse, ang Quezon. Itaas natin at patuloy na kilalanin ang kasaysayan ng ating soberanya!

PS. Sa Takipsilim and Sa Gunita will be a duology called the REBOLUSYON DUOLOGY, if makikita niyo sa profile Reading List ko, nakalagay na si Sa Takipsilim sa reading list na iyon.

Iyon lang, ingat kayo palagi at huwag kalimutang piliing maging mabuti :)))

Abi

Sa TakipsilimMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon