𝗖𝗛𝗔𝗣𝗧𝗘𝗥 ➢ 3

2.2K 144 144
                                    

[ Warning/s: Gore and brutal, do not read if you are uncomfortable. ]

"Hindi ko man lang naisip na sa ganitong paraan pa tayo magkikita—"

"Hindi ko nga naisip na magkikita pa tayo."

Halatang nagulat s'ya na gising na ako dahil humigpit ang hawak nito sa kanang kamay ko.

Agad kong hinila ang aking kamay palayo sa kanya at pinunas iyon sa bedsheets, pansin kong umiba ng tingin si Lex at hinawi ang buhok n'ya patalikod, tumayo ito sa pagkakaluhod sa sahig at inayos ang polo n'ya.

Hindi ko maiwasang mapansin na lumaki ang katawan nito, ang unfair naman, parang ang ganda ng buhay n'ya these past few years, huh?

Gumanda ba noong nawala ako?

Ang saya siguro n'ya noong nakulong ako, thinking wala na ang malas sa buhay n'ya.

"I'm happy to see you again—"

"Wow, ako kasi... hind," diretsong sagot ko at naupo sa higaan.

Puwede n'ya naman akong bisitahin— ay shit, paano n'ya nga pala ako bibisitahin kung ang unang ginawa n'ya nang makulong ako ay iniwan ako sa ere, siguro nahihiya s'ya na nakapatay ang girlfriendn'ya, p*t*ngina, mas nakakahiya nga ang ginawa n'ya na binuntis ang kaibigan ko.

Sino kaya sa aming dalawa ang mas nakakahiya?

Bakit pa nga ba ako nagtatanong? Hindi naman ako 'yon.

Hindi na gaano pang masakit ang sugat ko sa tagiliran, mukhang tinahi n'ya na, may pakinabang pa pala ang pagpasok n'ya sa med school noon.

Dapat ba kong magpasalamat?

Bakit ako magpapasalamat?

As someone na nakapabangga sa'kin, it was his responsibility to help me, bare minimum.

Napatingin ako sa orasan, dalawang oras ang nasayang na naririto ako, dalawang oras din sana 'yon nang paghahanap sa kapatid ko.

"Saan ka pupunta? Hindi ka pa magaling."

Pinilit n'ya akong hilahin pabalik sa higaan ngunit agad ko s'yang tinulak.

"I swear, Alex isang hawak mo pa sa akin..." pagbabanta ko sa kanya at binitawan n'ya naman ako.

Alex ... I've never thought na babanggitin ko ulit ang pangalan na iyon, Alex is a stranger's name for me, sanay na sanay ako sa Lex.

"Lex, salamat ha, promise, babayaran kita once na may pera na ako!"

"Lex, nood tayo, my treat, hatid-sundo mo na nga ako sa law school, hatid-sundo mo rin ang kapatid ko sa high school, pati ba naman sine, ikaw pa? Ako na ang bahala."

"Happy birthday Lex! Pasensya na video message lang ang naibigay ko, kailangan ko kasi ng extra money para sa ospital, naka-confine kasi si Ren, sobrang taas ng lagnat n'ya, so need ko kumuha ulit ng ilang jobs, pasensya na, babawi ako Lex next time, hmm? Enjoy your day, mwah!"

"Baliw ka, bakit kailangan mong bayaran ang hospital bills at tuition fee ni Ren?! Hindi naman kita sugar daddy, Lex, nakakahiya naman, ang dami ko na yatang utang na loob sa'yo, wala man lang akong maibigay na kahit ano."

"Lex, salamat sa pag-attend sa Guardian's meeting ng klase ni Ren, masyado ka naman yatang bida-bida at ikaw pa ang naging president sa mga guardian ng klase n'ya."

"Sorry Lex, hindi yata ako makakapunta sa anniversary date natin, may field trip kasi si Ren bukas, so need kong bilhan ng mga baon si Ren tapos after naman ay magci-case digest pa ako, babawi talaga ako next time."

GLITCH: Divided CitiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon